27.3 C
Manila
Wednesday, September 11, 2024

ANG PARAISO SA HINAHARAP

Binabanggit sa tala ng Catholicism ang ganito: “Espesipikong binabanggit ng pananampalatayang katoliko ang Apat na Huling Bagay: Kamatayan, Paghuhukom, Impiyerno, at Langit”: (in-edit ni George Brantil).

Binabanggit ng Simbahang Katoliko pati na rin ng ilang relihiyon, na naniniwala na balang araw ay magugunaw ang mundo o ang lupa. Ito ay nakatala sa Dictionnaire de Theologie Catholique.

Naniniwala ang mga naturang simbahan na ang nilalang na lupa ng Diyos ay hindi mananatili magpakailanman. Samakatuwid,ang mundo ay nakatakdang magwakas o magugunaw pa nga. Ito ba’y tumpak na paniniwala? Opo! Maraming patotoo sa talata sa Biblia na magwawakas o wawakasan mismo ng Diyos ang ating planeta kahit na ang sansinukob pa nga.

E, papaano ang paniniwala ng ilan na ang ating planetang earth ay siya umanong paraiso o babaguhin pagdating ng araw para tirhan ng mga taong maaamo at matutuwid? Sinasangkalan ng iba na ang nakasaad sa talatang Isaias 65:21-22 ay siyang paraiso dito sa lupa.

Iginigiit din nila ang talatang Awit 37:11 na “Ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa.”

Kapag binasa mo ang talatang Awit 37:29, ang mga maaamo o ang mga matutuwid na tao ay magtatamo ng buhay na walang hanggan. Binanggit din mismo ito ng ating Panginoong Jesucristo sa talatang Mateo 5:5 na ang maaamo ay mapapalad sapagkat mamanahin nila ang lupa.

Ating alamin kung saan nga ba ang lupang ito? Ito ba ang lupang ating pinananahanan ngayon o ating planeta o sa bagong lupa sa langit?

Literal ba ito o makasagisag lamang? Maliwanag na literal po. Kung ating uunawain sa sariling pagka-unawa ang tala sa Isaias 65: 17- 25 kapag iyong binasa ay aakalain nating dito nga talaga ang sinasabing paraiso.

Kung susundin natin ito, lalabas na kinontra ng naturang propeta ang kanyang sinulat at kinontra rin ng Panginoong Diyos ang kanyang programa. Pero, hindi naman talaga ganun ang ibig ipahiwatig o ipakahulugan ng naturang talata.

Sa talatang 65:17 ng aklat ng Isaias, totoong lumilikha ang Diyos ng Bagong Langit at Lupa. Pero sa mga sumunod na talata (Isaias 65:18 hanggang 25) ay ipinaliliwanag lamang ang maaaring gagawing pagpapala o himala ng Diyos dahil sa kanyang pagkagalak at kaligayahan sa bayang Israel.

Hindi ito tumutukoy sa talagang hinaharap ng mundo o ating sasabihin na ito nga ang paraiso balang araw.

Nakasaad sa talatang Isaias 65:25 ang ganito: “Ang lobo at ang kordero ay manginginaing magkakasama. At ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka at alabok ang magiging pagkain ng ahas. Sila’y hindi mananakit o magpapahamak man sa aking buong banal na bundok, sabi ng Panginoon.”

Ang naturang talata ay kondisyunal na pangako lamang ng Diyos sa Israel at hindi sumasaklaw sa mangyayari sa lupa sa hinaharap. Kung ating susundin at paniniwalaan ang talata, lalabas na kinontra ni propeta Isaias ang kianyang sinulat.

Bakit? Dahil sa totong paraiso, wala nang mga hayop doon gaya ng nasusulat sa talatang Isaias 35:9, ganito ang mababasa: “Hindi magkakaroon ng leon o sasampa man doon ang anumang mabangis na hayop, hindi masusumpungan . Kundi ang mga tinubos ay lalakad doon.”

So, papaanong kakain ng dayami ang leon gaya ng baka gayung hindi nga sila masusumpungan doon sa talagang paraiso? Saka ang mga tinubos lamang ang makakasampa doon. Tanong, sino ba ang tinubos ni Cristo nang kanyang banal na dugo? Tao hindi po ba? Hindi kasama ang hayop.

Saka nakatala sa aklat ng Isaias 24:1-23 kapag iyong binasa’y masisira ang lupa. Ipinahayag din mismo ng Panginoong Jesus sa talatang Mateo 5:18 at Mateo 24:35 na magwawakas o lilipas ang langit at lupa. At batay sa patotoo ng apostol na si Juan, wala na ang dating bagay, lumipas na o buburahin na.

Kaya, tumpak po ang mga naniniwala na hindi sa lupa ang sinasabing paraiso, kundi sa langit.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.