27.3 C
Manila
Wednesday, September 11, 2024

Pang-aalipin, Sapilitang Paggawa at Paglilingkod ng mga Kababaihan: Isang Nakalulungkot na Realidad Para sa mga Pilipino

Habang ako ay nagbabasa ng dyaryo noong Lunes, isang op-ed na artikulo na pinamagatang, “The Philippines: A Nation of ‘Lolas’ and Slaves,” ang pumukaw ng sari’t saring saloobin, emosyon at reaksyon sa akin. Dahil sa nasabing artikulo, nagpagtanto ko rin ang isang kuwento na may pamagat na “My Family’s Slave,” na nakakuha ng aking atensyon online at naging viral, at naudyok ng mga pagtatalo at pamumuna mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang mga middle-class na pamilya sa Pilipinas ay madalas pinapalaki at inaalagaan ng mga yaya, habang ang mga mayayaman ay may mga katulog na nag-aalaga at nagseserbisyo sa kanila. Ang katotohanang ito, gayunman, ay hindi lamang nangyayari sa Pilipinas. Ngunit ito rin ay nakikita sa ibang bansa sa Timog-Silangang Asya. Subalit, kailangan nga ba talaga natin ang mga utusan para mabuhay?

Ako, mismo, ay may kasalarian sa katunayan na ako ay minsan nang inalagaan ng mga yaya dahil ito ay isang pangkaraniwang kaugalian habang ako’y lumalaki. Sa katunayan, ang aking mga kapatid ay meron ding mga tagapangalaga, pati na rin ang aking mga pinsan at ibang kamag-anakan. Hindi ko tinatangkilik o minamasama ang pang-aalipin sa mga kabayahan ng pamilyang Pilipino dahil sila ay malimit na kinukuha hindi sa kadahilanan na hindi nila kaya ang maglinis ng sarili nilang mga bahay o palakihin ang kanilang mga anak. Ang mga katulong, yaya o kasambahay ay kinukuhang magtrabaho na may katwiran, habang ang iba nama’y umaamin na hindi nila kayang magtaguyod ng isang pamilya kung kapwa’y mga magulang ang hindi magtatrabaho.

Ngunit sa isang bansang niyayamot ng kahirapan, sino ba tayo para manghusga kung libo-libong mamamayan ang piniling mangibang-bansa para manilbihan at kumita ng pera? Sa kabila ng paglalarawan sa kagipitan, damdaming pang-ekonomiya at pangungulila sa bayan at pamilya, ang makapangyarihang isyung sosyolohikal at kultural ng pang-aalipin ay bumihag sa kung paano ipakita ng mga Pilipino ang pagiging natatangi, “articulate,” pagkamalikhain, pagkamatatag, pagkamasipag at walang pag-iimbot na mga katangian. Sa kasamaang-palad, hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon at karapatan na makapagserbisyo, mabayaran ng maayos, maalagaan at maging malaya.

Paglaganap ng Modernong Pang-aalipin

Sino ba ang makakalimot sa pagsasalarawan ng pang-aalipin sa mga pelikulang Hollywood at serye tulad ng “Amistad,” “Lincoln,” “Django Unchained,” “12 Years A Slave,” “Birth of the Nation,” and “Roots: The Saga of the American Family?” Subalit ang paglaganap ng pang-aalipin sa buong mundo ay malayo sa mga kaganapan na madalas nating naririnig, nababasa o nakikita sa mga kuwento, mga nobela at mahuhusay na mga pelikula.

Base sa Global Slavery Index 2016, merong 45.8 milyong tao ang namumuhay sa modernong pang-aalipin sa buong mundo at 58 porsyento ay matatagpuan sa mga bansa sa Asya tulad ng India, China, Pakistan, Bangladesh, Uzbekistan, North Korea, Qatar, Iraq, Cambodia at Myanmar. Sa Pilipinas, kung saan ito ay nasa 33rd sa listahan ng 167 na mga bansa, may tinatayang 401,000 (0.40 porsyento) ng populasyon nito ay namumuhay sa modernong pang-aalipin.

Kahit nabago ng Pilipinas ang ayos nito sa listaan mula 19th noong 2014, hindi pa rin maitatanggi ang katotohanan na ang mga Pilipino ay nakakaranas pa rin ng modernong pang-aalipin, “sa pamamagitan ng mental or pisikal na pagbabanta o pamimilit sa trabaho, pagmamay-ari o pagkokontrol ng maypagawa sa pamamagitan ng pang-aabusong mental o pisikal, “dehumanization” o pagtrato bilang isang kalakal, o paghadlang or limitasyon sa kalayaan ng pagkilos,” ayon sa PhilStar Global.

Binigyang-diin din ng survey ang nakalulungkot na kaganapan kung saan ang mga Pilipino ay alipin din ng “commercial sexual exploitation,” “child soldiery,” sapilitang paggawa o nang pinakadelikado at kontrobersyal na pamamaraan ng net fishing na tinatawag na “Pa’aling” fishing. Ito ay hango sa na itadhanang labag sa batas na paraan ng pangingisda na tinawag na Moro Ami. Sa Pa’aling fishing, ang mga mangingisda ay gumagamit ng maninipis na tubo na nakakabit sa isang surface air compressor.

Bilang tayo ay nabubuhay sa modernisadong panahon kung saan patuloy na lumalago ang makabagong teknolohiya, ang BAYAN USA ay nagbigay din ng iba’t ibang paraan kung saan ang pang-aalipin o pangaabuso sa mga manggagawa ay maaring ilarawan tulad ng maliit o walang sahod, hindi matatag at pabago-bagong kondisyon sa paggawa, kontraktwalisasyon, pisikal at seksuwal na pangaabuso at pagnanakaw ng pasahod.

Human Trafficking at Sapilitang Paggawa

Bukod sa habambuhay na paglilingkod, ang mga Pilipino ay nagiging biktima rin ng “commercial sexual exploitations,” sapilitang paggawa at “human trafficking” sa Gitnang Silangan, Asya, Hilagang Amerika at Europa. Isa sa mga dahilan kung bakit maraming inaasahang migrante ang naaabuso ay ang kakulangan sa kaalaman o edukasyon pagdating sa mga proseso at kanilang mga karapatan. Kaya naman sila ay laging naabuso.

Ngunit, hindi lamang ang Pilipinas ang nagiisang bansa na may mataas na bilang ng mga biktima ng sapilitang paggawa sa buong mundo. Sa katunayan, isang datos noong 2012 mula sa Intenational Labor Organization ang naghayag na may natatayang 21 milyonng biktima ng sapilitang paggawa sa buong mundo.

Sa kabutihang-palad, ang gobyerno ng Pilipinas ay naiulat na simulan ang pagtugon sa lumalaking problema sa modernong pang-aalipin. Ayon sa isang pagsisiyasat ng Walk Free Foundation tutugunan ng pamahalaan ang isyu ng pang-aalipin sa pamamagitan ng palikha ng isang sangay ng gobyerno na siyang gagabay sa mga pagtugon, pagaalaga sa mga biktima at ang pagpapatupad ng isang sistema ng hustisyang criminal na nagbabawal sa lahat ng pamamaraan ng pang-aalipin at pagkakaroon ng serbisyo para sa pagsuporta sa mga biktima.

Bakit Kailangan Wakasan ang Pang-aalipin

Ang isyu patungkol sa pang-aalipin, sapilitang paggawa at paglilingkod ng mga kababaihan ay nagging paksa ng mga usap-usapan nang ang dating benepisyaryo ng Pulitzer na si Alex Tizon ay naglarawan ng mga pinagdaanan ng kanyang lola, Eudocia Tomas Pullido sa kanyang article, “My Family’s Slave.” Gayunman, si Pullido ay hindi totoong kamag-anak ni Tizon at siya ay alipin ng pamilya.

Ang lihim ng pagkakaroon ng isang alipin ng pamilyangTizon ay nakatanggap ng isang nakayayamot na mga reaksyon mula sa Kanluran, ngunit para sa mga taong pinalaki ng mga ‘lolas,’ ‘nanays’ o ‘Yayas,’ sila ay nagalinlangan na manghusga. Sa halip, ang iba ay nagbigay ng kanilang simpatya dahil itong madamdaming kuwento ay totoo at isang realidad, lalo na para sa maraming Pilipinong kababaihan.

Kahit na ang konsepto ng pang-aalipin ay itinuturing na nakaririmarim sa modernong panahon, ang katotohanan na umiiral pa rin ito at naging laganap ay simpleng hindi maikakaila. Ngunit para sa Walk Free Foundation chairman at founder Andrew Forrest, ang pang-aalipin, kung saan inilarawan niya bilang ‘isang kalagayan na sariling paggawa ng mga tao,’ ay ‘ganap na maiiwasan’ at dapat magtapos.

Idinagdag ni Forrest na ito ay ‘pantas at kagyat na’ para sa mga lider sa mundo upang mapabuti ang mga karapatan ng mga milyon-milyong ng mga tao na inaalipin. “Hindi natin maaaring payagan ang mga henerasyon sa hinaharap na mabiktima sa kahindik-hindik na kasanayan. Ang pag pawalang-bisa ng pangaalipin ay may katuturan, sa kagandahang-asal, pamulitika, makatuwiranan at matipid.”

Bakit Ang Pangaalipin ay Kahit Paano’y Katanggap-tanggap

Ang nakakabagabag at masidhing sanaysay ni Tizon ay umani ng maraming reaksyon at kritisismo mula sa mga mambabasa. Ang debate sa kung dapat ba o hindi na ipinagdiriwang ang artikulo ni Tizon ay malawakang tinalakay ng ilang mga pahayagan. Mayroon ding isang pangangailangan ng madaliang pagkilos upang matiyak na ang kasanayang ito ay hindi na mangyayari muli.

Ngunit, kung ating galugarin ng mabuti ang makasaysayan at kultural na impluwensya ng Pilipinas, maaaring maintindihan ng mga tao kung bakit ang konsepto ng pang-aalipin ay naging katanggap-tanggap. Ayon sa PRI, ang Pilipinas ay isang bansa na may mahabang kasaysayan ng kolonyalismo – pagiging sa ilalim ng pananakop ng Espanya sa loob ng mahigit tatlong siglo at ng Amerika sa halos limang dekada. Kaya, ito ay talagang hindi nakakagulat na malaman na ang kolonyal na nakaraan ng bansa ay patuloy na binubuo at naiimpluwensyahan ang istraktura ng kapangyarihan at ekonomiya.

Ang mahabang kasaysayan ng kolonyalismo ay binigyang diin din ang pagkakaiba sa pagitan ng may kapangyarihan at mga mayayaman, at ng mga mahihirap. Kaya, ang paninilbihang pantahan at panariling-bansa sa anyo ng mga yaya, katulong, utusan o kasambahay ay naging isang karaniwang pamantayan sa bansa. Sa katunayan, hindi lamang ang mga mayayaman ang kumukuha ng kasambahay dahil kahit na ang working- at middle-class na pamilya ay kumukuha na rin ng mga katulong.

Ang isa pang kadahilanan na dapat isaalang-alang ay ang walang katapusang isyu ng kahirapan. Kadalasan, kahirapan ang nagiging dahilan ng pagkaalipin para sa mga tao at mga pamilya na nasa ilalim ng herarkiya ng lipunan. At dahil ang mga ganitong uri ng mga sitwasyon na laging nangyayari sa loob ng pribadong paligid ng isang sambahayan, mahirap tiyakin na ang mga taong ito ay tinatrato ng patas o nabibiktima ng pangaabuso.

May Pananagutan ba ang mga Pilipino sa Pang-aalipin?

Habang ang debate sa pang-aalipin at sa sanaysay ni Tizon ay tumitindi, isang matapang na komposisyon na pinamagatang, “We Are All Tizons,” na sinulat ni Shakira Sison ng Rappler ang tumatak din sa akin, Aking napagtanto na ang kuwento ni Pullido ay isa lamang sa mga hindi pa nating naririnig na mga salaysay tungkol sa pang-aalipin. Ang mga domestic helper ay hindi lamang ang mga naghihirap mula sa panlipunang at kultural na kawalan ng katarungan dahil libu-libong mga manggagawa rin dito at sa ibang bansa ang nagdudusa ang parehong kapalaran.

Ito ang dahilan kung bakit hinihimok ni Sison ang mga Pilipino sa buong mundo upang magnilay sa istraktura ng kapangyarihan sa likod ng mga konsepto ng pang-aalipin at magbalangkas ng isang plano upang lubusang matanggal o matigil ito. Nag-iwan din siya ng isang malakas na mensahe para mapagtanto natin na baka tayo rin ay may pananagutan tayo sa pang-aalipin.

“Tigilan na ang pagtrato sa inyong mga katulong na para bang pabor sa kanilang ang pagtratrabaho sa inyo,” sinulat ni Sison.

Paglilingkod ng mga Kababaihan: Ang Buhay Sa Hindi Nakikitang Kadena?

Kahit na ang kuwento ni Pullido ay isang nakapanlulumong katotohanan, ito ay nakababagabay ngunit pamilyar sa maraming mga Pilipino — isang istraktura ng kapangyarihan istraktura na matagal nang nakabaon sa lipunan. Sa kulturang Pilipino, ang mga alipin ay maaaring tawagin sa iba’t ibang mga pangalan tulad ng kasambahay o kasamahan sa bahay, utusan o ang inuutusan, katulong o katuwang, o yaya, ngunit sila ay nangahulugan ng isang bagay lamang — ang pagkaalipin.

Habang ang pangalan ay patuloy na pabago-bago, ang diwa nito ay nananatiling pareho, na kung saan ang pamumuhay ay maihahalintulad sa isang bilanggo na nakakulong sa mga di-nakikitang selda at kadena. Sa isang artikulo sa BBC, ang Filipinang may-akda na si Ninotchka Rosca ay inilarawan ang makapangyarihang pagkakaugnay sa pagitan ng amo at ang mga lingkod bilang “ng pamilya, ngunit hindi sa pamilya.”

Binigyang diin ni Rosca na malalagpasan o matiis ang buhay ng paglilingkod sa pamamagitan paghahanda ng kultura, tradisyon at awtoridad. Pinuna din nya ang katunayan na ang “antas at kulay ay magkaugnay” sa Pilipinas, kung saan ang mga utusan ay madalas na “mas kayumanggi” at nanggaling mula sa mga liblib na lugar sa bansa.

Ang mga utusan ay maaaring hindi nakabakal na kadena ngunit ang uri ng kanilang pamumuhay ay maaaring ganoon na rin. Sila ay nabubuhay na puno ng mga utos, ordinansa at mga patakaran. Sila ay minumura, minamaliit at inaabuso. Sa pagkain, tirahan at proteksyon, ang mga taong ito ay binulag ng mga pangako ng kaligtasan ng buhay (at marahil para sa ilan, mas magandang kinabukasan para sa kanila at kanilang mga pamilya) kapalit ng trabaho at habambuhay na pagninilbihan.

Mula noon, ang mga utusan ay karaniwan na sa Pilipinas, pati sa ibang mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang pang-aalipin kay Pullido ay sumasalamin sa buhay ng milyon-milyong Pilipino na nagsakripisyo na mawalay sa pamilya and ang oportunidad na mapalaki ang mga anak para magtrabaho bilang mga katulong at magpalaki ng ibang bata sa ibang bansa.

Pero masisisi ba nating sila kung piliin nila ang mangibang-bansa para mabigyan ang kanilang pamilya ng kumportable at magandang buhay? Ako rin ay minsang napapaisip kung bakit ang ate ko ay piniling iwan ang Pilipinas para sa mamuhay sa Canada, kung saan inilarawan ng aking ina ang pamumuhay doon 1na “malungkot.” Marami din akong kamag-anak na pinili ang umalis ng bansa para makahanap ng magandang oportunidad sa ibang bansa. Kahit na hindi sila mga alipin, sila ay alipin pa rin sa ideya ng pagkakaroon ng magandang pagpipilian at mga oportunidad sa ibang bansa upang makamit ang kanilang mga mithiin at mga pangarap sa buhay na madalas imposibleng makamit sa ating bansa. Ngunit muli, ang tanong ay nananatili — sino ba tayo parang manghusga?

Ngunit si Rosca ay nagbuo ng realidad pagdating sa paglilingkod sa kanyang artikulo sa pamamagitan ng pagsasabi, “Habang ang mga opsyon ngayon para sa mga Filipinas ay maaaring hindi limitado tulad ng kay Ms. Pulido, ang kanyang kuwento dayandang ang kabalintunaan ng kapalaran ng milyun-milyong Filipinas. Para makapagpatayo ng bahay, kailangan niyang umalis ng bahay. Siya ay dapat na magpaka-alipin sa isang estrangherong pamilya, para sa kanyang sariling pamilya at ng bansa upang mabuhay.”

Pagsasakriprisyo Vs. Pagkamakasarili

Batay sa kuwento ng pang-aalipin ni Pulllido, ang pagkakasalungat sa pagitan ng pagsasakripisyo at pagkamakasarili ay nagiging tumbalik. Habang inilalarawan din ng bawat manggagawa ang paghihirap ni Pullido sa kamay ng kanyang mga amo, ang kagustuhan na iahon ang pamilya sa kahirapan ang mas nanaig. Ang senaryong ito ay makatotohanan lalo na sa mga OFWs na nangingibang-bansa para magkaroon ng mas magandang kinabukasan.

Ang pasasakripisyo ay tumutukoy sa pagtalikod sa sariling interes o kagustuhan upang makatulong sa iba. Ayon kay John Milbank, ito rin ay matuturing na pinakamataas o pinakadalisay na pagpahalimbawa ng sakripisyo na mailalarawan sa ngalan ng iba. Sa kabilang dako, ang pagkamakasarili ay ang kabaligtaran ng pagiging mapagsakripisyo kung saan ito ay tumutukoy sa alalahanin o pag-aalaga para sa sarili o pansariling kapakanan lamang.

Habang ang pagkamakasarili ay maaaring umani ng hindi maarok na mga pabuya, ang pagsasakripisyo ay mukhang humahantong sa wala. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ang mga Pilipino ay nanatiling matatag at may pag-asa na marahil balang araw, sila ay maaaring maging ganap na malaya mula sa pang-aapi at kahirapan. Malay natin, ang mga “Lolas” at ang ibang domestic helpers o OFWs ay maaaring magkaroon ng pagkakataon at kalayaan upang pangalagaan ang kanilang sariling mga anak at pamilya habang sinisikap nilang matamo ang pinapangarap na kinabukasan.

Pagkakaroon ng Kasambahay: Isang Kakaibang Kaugalian para sa mga Dayuhang Taga-Kanluran?

Ang sanaysay ni Tizon ay umani ng mga kritisismo mula sa mga dahuyang taga-Kanluran na napapaulat na naguguluhan sa pagiral ng pagkakaroon ng mga kasambahay, ayon kay Alex Almario ng Philippine Star. Subalit kung ang pagbabasehan ay ang kasaysayan ng mundo, hindi nga ba totoo na ang legado ng pang-aalipin ay patuloy na nagiimpluwensiya ng kasaysayan ng Estados Unidos? Ang pang-aalipin ay kinasusuklaman sa henerasyon ngayon ngunit ito ay hindi nagbibigay ng karapatan sa kahit sino na kondenahin ang isang tao na ang pinakamalaking pagkakamali ay ang pagbunyag ng lihim ng kanilang pamilya — pagkakaroon ng isang alipin.

Hindi ko hinihimok o inuudyok ang mga mamamayan na hindi ipahayag ang kanilang mga saloobin, damdamin o reaksiyon sa isyu dahil tayo ay naninirahan sa isang malayang bansa — kung saan ang kalayaan sa pamamahayag at pagsasalita ay pinangangalagahan. Ngunit ang simula ng pang-aalipin ay naging kimera ng pang-aabuso, karahasan at kalupitan na siyang humati sa mga bansa at mga lahi, mas mahalaga pa ba ang manisi, manuligsa at magkondena? Marahil ang pagkakaroon ng mga kasambahay ay hindi pangkaraniwang kaugalian sa mga dayuhan ngunit sa kanilang sariling kasaysayan pagdating sa pang-aalipin, awa, pang-unawa at pagdamay ay inaasahan at hindi pagkondena.

Ang modernong pang-aalipin ay lampas sa matwid at hindi maarok ngunit ang pag-iral nito ay isa sa mga unibersal na katotohanan na kailangan nating tanggapin. Marami ang maaaring hindi makaunawa, ngunit kung buksan natin ang ating mga puso’t isipan, ito ay malayo sa isang hindi pangkaraniwang bagay dahil ito ay nangyayari sa totoong buhay at maraming tao ang nakakaranas nito.

Ang Sistema ng Pang-aalipin sa Pilipinas

Ang kuwento ni Tizon sa “My Family’s Slave” ay nagudyok ng maraming pagdedebate at kontrobersiya. Ayon kay Caroline Hau ng Rappler, ”ang panggawa ng gawaing bahay sa pangkalahatan ay naging mura at mababa ang sahod,” dagdag pa nito na hindi isinama ng mga ekonomista sa estatistika ang di nabayarang “household production” o “own-production.”

Nabanggit din ni Hau na ang pagsukat ng kalidad ng gawaing bahay ay nananatiling isang hamon para sa mga ekonomista. Ipinaliwanag niya kung paano ang produksyon ng sambahayan na trabaho ay “kinontrata ng mga pamilya” sa kanilang mga katulong at tagapaglingkod sa Pilipinas.

Sa artikulo ni Hau, idinetalye ng manunulat ang kaugalian ng pang-aalipin o pagkaalipin, na kung saan ito ay may “partikular na kasaysayan at sistema ng panlipunang kaayusan at relasyon.” Ang makasaysayang sistema ng pang-aalipin at pagkaalipin, pati na rin ang mga relasyon sa pagitan ng amo at tagapaglingkod sa Pilipinas ay lubhang naiimpluwensyahan ng mga katangian o kaugalian ng mga Pilipino sa “mutwalidad, katumbasan, utang na loob, awa at kahihiyan.”

“Ang mga bagay patungkol sa tinatawag na ‘kaugalian ng mga Pilipino’ ay isang “double-edge” na paraan hangga’t ang mga ito ay madalas na inaapi, magagawang igiit ang kanilang ahensya at dignidad  na pantao laban sa mga maniniil, ang katumbasan ay mayroon ding tungkulin sa kasaysayan upang maitago at paganahin ang dynamikang kapangyarihan ng hindi pagkakapantay-pantay at pagpapasupil,” sinulat ni Hau.

Ang isyu ng “pagdadamayan” at “unconscious paternalism” ay binigyang diin din ni Hau. Ngunit kung ano ang mas nakawiwili ay ang katotohanan na ang kultura ng pang-aalipin sa bansa ay malalim ang pinagugatan sa “pulitika, ekonomiya at institusyon.”

Sa kabilang dako, ayun kay Virgilio A. Reyes ng Inquirer, nakita niya na ang pagkaalipin bilang isang “di nasaliksik na kasaysayan at tradisyon” na siyang naging dahilan ng maraming Pilipino na sumukot sa ideya na ito ay umiiral sa mahabang panahon. Ang mga tanong sa kanyang artikulo — “Bakit nga ba ang 10 porsiyento ng ating populasyon ay nagtratrabaho at nakatira sa ibang bansa? Bakit nga ba natin pinagmamalaki ang pagiging yaya o tagapag-alaga sa mundo? Bakit nga ba natin pinanatili ang ‘servile foreign policy’ sa proseso ng pagbabago ng ating mga amo, ‘protectors’ o tinaguriang mga kaalyado?” — ay tumama sa mga Pilipino.

Marahil, ito ay sa kadahilanan ng walang pag-iimbot na pagsasakripisyo kung saan madalas nating pagsikapan nang husto upang magbigay ang mga pangangailangan ng ating mga mahal sa buhay, kahit na ano man ang kapalit. Ipinagmamalaki natin ang maglingkod sa iba dahil tayo ay nagmamalasakit at nakikiramay.

Ang malungkot na kasaysayan ng pagsisilbi, gayunpaman, ay hindi tumigil doon o sa karanasan ni Pullido dahil maraming Pilipino ay patuloy pa rin nasa bitag ng pambansang panunupil. Sa katunayan, milyun-milyong overseas Filipino workers (OFWs) ay napapailalim pa rin sa “subhuman” na kondisyon at binabayaran na panaliping sahod. Gayunman, ang sitwasyong ito ay humantong sa nakalulungkot na katotohanan tungkol sa kinabukasan ng mga manggagawa sa Pilipinas, kung saan kailangan nilang magtrabaho nang husto at tiisin mababang pasahod upang manatili sa bansa at hindi maging mga alipin sa ibang bansa.

Sa mga ganitong pangyayari, ang klisey na “choosing the lesser of two evils” ay tila totoo. Ngunit sa lahat ng mga pagpupuna at kritisismo sa mga isyu ng pang-aalipin, bakit hindi nating gawing inspirasyon ang sinulat ni Tizon bilang “self-awareness” na ang kuwento ni Pullido ay isang katotohanan, hindi lamang sa mga Pilipino, kundi pati na rin sa iba pang mga lahi sa buong mundo.

Sa halip na husgahn si Tizon para sa hindi paggawa ng sapat na pagtugon at mas maagang panahon, bakit hindi nating kilalalanin ang kanyang sariling pagsisikap ng paggawa ng mga bayad-pinsala? Kung ikaw ang nasa sitwayon ni Tizon, ano ang gagawin mo? At ang pinakamahalaga, may nagawa ka ba upang ihinto ang pang-aalipin o sapilitang paggawa sa iyong bansa? Laging madali ang magsabi kaysa sa humanap o gumawa ng pagtugon. Kaya bago tayo lantarang manira o punahin, mas maganda kung mag-isip at magnilay muna tayo.

Maaaring may ilang mga kultural na pagkakaiba na hindi natin maaaring makilala at maunawaan ngunit kung pakasaliksikin ng malalim ang isyu, ang mga iyak na umalingawgaw sa kuwento ni Tizon ay mga panaghoy ng bawat tao na nananabik at nagsusumikap para sa – kalayaan, respeto, pagmamahal at mga karapatang pantao.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.