32.9 C
Manila
Friday, May 17, 2024

My Best Friend Adrian: Chapter One

Ang Mag-best friends na Adrian at Rain

“OHHH please..oh please,” wika ng babaeng tumitirik-tirik pa ang mga mata.

Alam ni Adrian na malapit na sa sukdulan ang katalik kaya mas binilisan pa niya ang pagbayo. Ibig niya kasing maabot nito ang ang langit na palagi niyang ipinapalasap sa bawat babaeng dinadala niya sa kanyang ‘paraiso’.

Isa…dalawa…malapit na!

Nag-ring ang kanyang cellphone.

Wala sana siyang balak pansinin iyon dahil nagku-concentrate siya sa kanyang ‘ginagawa’ kundi siya natauhan sa ringtone na iyon. I need your help!

“Shit!” bulalas niya nang marinig ang boses ni Rain Martinez, his best friend. Ibig sabihin, ito ang tumatawag. Higit kaninuman, ito sa pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay kaya mabilis niyang hinugot ang kanyang sandata. Wala siyang pakialam kung sumakit man ang kanyang puson o paulanan siya ng mura ng babaeng hindi na niya matandaan ang pangalan dahil sa pagkabitin.

Agad niyang sinagot ang tawag nito. “Hello..”

“Nasaan ka?”

Parang may malaking kamay na lumamutak sa kanyang puso nang marinig niya ang boses nito. Sa halip tuloy na sagutin niya ang tanong nito, tanong din ang ibinato niya rito.. “Umiiyak ka ba?”

“Iniwanan na ko ni Karl!” Sigaw nito habang humagulgol.

Saglit na pagkabigla lang ang kanyang naramdaman pagkaraan ay sunud-sunod ang kanyang tanong dito. “Anong nangyari? Bakit siya namatay? Nakaburol na ba siya? Kailan ang libing niya?” Kahit damang-dama niya ang paghihinagpis ni Rain, hindi pa rin maiwasan ang makaramdam ng excitement.

Damn, ganoon ba siya kasamang tao? Inis niyang tanong sa sarili kaya pagkaraan kinastigo rin niya ang sarili. Hindi porke badtrip ka sa mukhang tokwang bf ng bestfriend mo ay matutuwa ka ng naglaho na siya sa mundong ito.

“Anong kinamatay niya?” Tanong niyang ewan niya kung nagawa pa niyang palitan ng lungkot ang kanyang boses.

“Hindi siya namatay. Ano bang pinagsasasabi mo riyan?” Wika nitong sa kabila ng pag-iyak ay hindi napigilan ang matawa.

Alam na alam kasi ni Rain na kinaiinisan niya ang boyfriend nito kahit wala namang ginagawang masama sa kanya. Basta buwisit siya kapag nakikita niya ang pagmumukha nito.

“That bastard!” sigaw nito tapos biglang humagulgol.

“Anong ginawa sa’yo ni Karl?” galit niyang tanong. Nang mga sandaling iyon ay nagpa-panic na siya. Hindi iiyak ng ganoon si Rain kung ordinaryong away lang ang namagitan dito at sa boyfriend nito. Pagkaraan ay rumehistro sa kanyang isip ang sinabi ni Rain. Iniwanan na ko ni Karl.

Damn, nang mga sandaling iyon ay parang gusto niyang pumatay. Sa lahat ng ayaw niya ay ‘yung may nagpapaiyak sa kanyang matalik na kaibigan kaya ngayon pa lang ay gusto na niyang magwala.

Nang mapatingin siya sa salamin ng motel ay kitang-kita niya ang pamumula ng kanyang mukha. Parang lahat ng dugo sa katawan niya ay nagsama-sama roon. Humigpit din ang hawak niya sa kanyang cellphone at tumalim ang tingin niya sa babaeng binato siya ng unan.

“He dumped me!”

“Nasa bahay ka ba?”

“Wala.”

“Asan ka?”

“Iniwanan niya ko dito sa Batangas.”

“Saan sa Batangas?” gilalas niyang tanong. Nang sinabi na nitong pangalan ng resort ay madiin na madiin ang pagkakasabi niya rito na, “Pupuntahan kita riyan.”

“No. Hindi ka aalis,” sabi ng babae na halatang nakikinig sa pag-uusap nila ni Rain. Well, kahit naman siguro hindi nito gustuhin na makinig ay maririnig nito ang usapan nila ni Rain dahil di naman siya umalis sa kama para lumabas ng silid.

Ang pangako kasi niya rito ay mag-u-overnight sila. Hindi naman siya ang tipo ng lalaking sumisira sa kanyang ipinangako pero dahil kailangan siya ni Rain nabigkas niya sa sariling Sometimes promises are made to be broken. Anyway, nangako rin naman sila ni Rain sa isa’t isa na mas importante ang pagiging mag-bestfriend nila kaysa sa mga karelasyon nilang di naman nila tiyak kung pang-forever na.

Tinapunan niya ito ng matalim na tingin saka dali-daling nagbihis. “Kung ayaw mong umalis bahala ka I have to go,” wika niya.

Muli, katakut-takot na mura na naman ang pinawalan ng babae. Ngunit wala siyang pakialam dahil hindi naman niya girlfriend ito. Nandoon lang sila sa loob ng silid na iyon dahil kailangan nilang pawalan ang init ng kanilang katawan.

It’s just a lust.

Nothing more, nothing less.

Kaya hindi siya nakaramdam ng guilt kung iniwan niya ito para sa pinakaimportanteng babae sa kanyang buhay — si Rain Martinez.

“I HATE you!” galit na sigaw ni Rain habang siya ay nakaharap sa karagatan. Kailangan niyang pawalan ang galit at hinanakit na nararamdaman para sa kanyang ex.

Dalawang taon na sana silang magkasintahan ngayon ni Karl kaya umasa siyang magkakaroon sila ng happy ending, Perfect naman kasi ang kanilang relasyon, ni hindi nga sila nag-aaway. Pareho rin silang sucessful sa larangang kanilang pinili. Isa siyang photographer at ito naman ay computer programmer. Kaya’t inakala niyang smooth na smooth ang kanilang relasyon.

Akala lang pala niya.

At iyon ang napatunayan niya ngayong gabi.

“I want you..” paos na paos pa ang boses nito ng sabihin ang mga katagang iyon habang buong tiim na nakatingin sa kanya.

“Karl..” aniyang hindi malaman ang sasabihin at gagawin. Ngayon ay alam na niya kung para saan ang kabang lumukob sa kanyang dibdib nang ipasok nito sa isang private beach ang sasakyan nito. Sabi nito ay gusto nitong gawing espesyal ang pagsi-celebrate ng kanilang second anniversary kaya magu-overnight sila roon.

Hindi man tuwirang sinabi sa kanya ni Karl pero tiyak niyang nais nitong may mangyari sa kanila kaya’t agad siyang tumutol. Kahit naman kasi mahal na mahal niya ito, gusto pa rin niyang humarap sa altar ng walang bahid dungis.

“Mahal mo ako, hindi ba?” naghahamong tanong nito sa kanya.

Napalunok siya sa kaseryosohang nakikita niya sa mga mata nito. Ewan niya kung bakit may guilt siyang naramdaman bago siya tumango gayung sabi ng isip niya’y mahal niya ito.

“Then, walang problema, halika na.” Nakangising sabi nito nang hagilapin nito ang kanyang palad.

“No,” mariin niyang sabi. Pagkaraan ay pinagpag niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya. Sobra kasi siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pangingilabot.

“Ayaw mong may mangyari sa atin, akala ko ba mahal mo ako?” Napapantastikuhang tanong nito. Nasa boses nito ang pang-uuto. Akala nito siguro kapag ganoon ang tonong ginamit nito ay mapapasunod na siya nito sa lahat ng gusto nito.

“Ayoko ng premarital sex.” Nahagilap niyang ikatwiran.

“Pakakasalan kita pagkatapos.”

“Pakasalan mo muna ako,” sabi niya ngunit tinanong din niya ang sarili pagkaraan, gusto na nga ba niyang magpakasal?

“Wala ka bang tiwala sa akin?” nagdaramdam na tanong nito.

Iniwas niya ang tingin dito. “Iuwi mo na ako.”

Marahas na buntunghininga ang pinawalan nito. “Kapag inuwi kita ngayon na walang nangyari sa atin, tapos na rin tayo.”

“Fine!” matigas niyang sabi. Kahit naman kasi 26 years old na siya ay hindi pa rin nababago na ibibigay lang niya ang kanyang virginity sa lalaking pakakasalan niya. At iyon ang hindi maintindihan ni Karl.

“RAIN…” Kahit na malakas ang hampas ng alon sa dagat, mas nangibabaw pa rin ang sigaw na iyon.

Nang nilingon niya nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at makita niya ang matalik na kaibigang si Adrian Fuentebella, para siyang nakahanap ng kakampi at

Nang akala niya ay hindi na bubukal ang pagluha sa kanyang mga mata, bigla na namang bumuhos ang kanyang luha ng marinig niya ang boses ng best friend niyang si Adrian Fuentabella, puno ng pag-aalala. Kaya, bigla siyang nakahanap ng kakampi. Agad niya itong niyakap nang tuluyang makalapit sa kanya. Mahigpit na mahigpit din ang ginawang pagyakap nito sa kanya. Parang nangangako ito na hindi siya pawawalan hangga’t hindi nagiging okay ang kanyang pakiramdam.

Sa kabila ng kapighatiang nararamdaman niya’y napagtanto niyang sobra niyang na-miss ang makulong sa mga bisig ni Adrian at humimlay sa malapad nitong dibdib. Bata pa lang kasi sila’y matalik na silang magkaibigan. Magkapitbahay din sila at iisa ang pinapasukan nilang paaralan. Mula elementarya hanggang high school. Bagamat magkaiba ang kurso nila ng tumuntong sila ng kolehiyo ay nasa iisang university lang sila kaya palagi pa rin silang magkasama Kumuha ito ng Architechture samantalang AB Masscommunication naman ang kanyang kinuha. Bukod kasi sa ayaw niya ng math, hilig niya ang pagsusulat at pagkuha ng mga larawan. Sa ngayon ay pina-priority niya ang pagkuha ng larawan dahil isa siyang photographer sa isang magazine — ang MAG Corner.

“Ano ba ang nangyari?” tanong ni Adrian habang hinahagud-hagod ang kanyang likod para siya’y payapain. Nag-check in sila sa resort na iyon para mapag-usapan ang kanyang problema.

Nang maalala niya ang ex niya ay naitulak pa niya si Adrian tapos ay pinakatitigan pa niya ito. Wala siyang pakialam kung tigmak na siya ng luha o naghahalo na ang sipon at luha niya. Basta ang alam niya ay gusto niyang masagot ang katanungan niyang gumugulo sa kanyang isipan. “Bakit ba ganyan kayong mga lalaki?”

“Bakit pati ako nadamay?” gilalas nitong tanong sa kanya, nanlalaki ang mga mata. Tapos ay nakita niyang may dinukot ito sa pantalon nito.

Hindi agad niya nasagot ang tanong nito dahil pinahiran nito ang kanyang luha at sipon, gamit ang panyo nito. How sweet!

“Sex lang kasi ang mahalaga sa inyo.” Dapat sana ang rumehistro sa kanyang utak ay ang pamimilit sa kanya ni Karl na mag-sex sila pero ang naalala niya ay ang pagkakaroon ng kaliwa’t kanang girlfriend ni Adrian.

“What?”

Hindi niya inaasahan ang bigla nitong pagsigaw pati na ang galit na nakikita niya sa mukha nito. Parang gusto nitong pumatay ng mga sandaling iyon. Alam niyang kahit hindi pa niya nasasabi rito kung ano ang dahilan ng away nila ni Karl ay mayroon na itong ideya kung ano ba ang nangyari.

“Nakipag-break siya sa akin dahil ayaw kong makipag-sex sa kanya,” aniyang halos ibulong lang ang mga salitang iyon pero alam niyang nadinig nito ang mga katagang binitiwan niya dahil sunud-sunod ang murang pinawalan nito Gayunman, hindi pa rin niya napigilang itanong dito ang mga katagang, “Mali ba ako?”

“No,” matigas nitong sabi.

SA mga narinig ay kumuyom ang palad ni Adrian, naningkit ang kanyang mga mata, nag-uumapaw ang galit sa kanyang puso. Parang gusto na niyang magpaalam kay Rain para harapin ang lalaking iyon — si Karl Villaroman. Bigla tuloy niyang napagtanto kung bakit kahit kailan ay hindi naging kampante ang kalooban niya kapag kasama ito ni Rain. May mga pagkakataon tuloy na sinusundan niya ang mga ito dahil ibig niyang makasiguro na hindi ito magti-take advantage sa kanyang matalik na kaibigan.

Ngayon pa lang ay ini-imagine na niyang sinusuntok at tinatadyakan ang mukha nito. Talagang gusto niyang basagin ang pagmumukha ni Karl para kahit makita itong muli ni Rain ay hindi na ito magugustuhan pa ng kanyang matalik na kaibigan. Ngunit, dahil alam niyang kailangang-kailangan ngayon ni Rain ng karamay ay ipagpapaliban muna niya ang balak. Ang mas dapat niyang pag-ukulan ng pansin ay ang damdamin ni Rain.

“Kung nakipag-sex ba ako sa kanya, mas mamahalin – “

“Kung mahal ka niya, pakakasalan ka niya bago siya makipag-sex sa’yo,” mariin niyang sabi. Kumulo na naman ang dugo niya. Hindi lang dahil sa Karl na iyon kundi sa ideya na iniisip ngayon ni Rain na ibibigay nito ang sarili sa lalaking iyon. “Huwag mo na isipin ang lalaking iyon. Wala siyang kuwenta.”

“It hurts.”

Marahas na paghinga ang kanyang pinawalan. Ewan niya kung bakit nakaramdam din siya ng sakit sa sinabi nito kaya buong diin ang pagkakabigkas niya sa mga katagang, “Makakapag-move on ka rin.”

“Pwede bang huwag mo akong iwanan tonight?”

Kung sa ibang babae niya narinig ang mga salitang iyon, ang iisipin niya agad ay nais nitong may mangyari sa kanila at dahil sa lalaki siya ay hindi niya iyon palalampasin. Paano niya naman kasi gagawin iyon kung palay na ang lumalapit sa manok? Pero, hindi ibang babae si Rain. Para sa kanya, napaka espesyal ni Rain kaya never siyang magti-take advantage dito.

“Please…” nagsusumamong sabi nito.

Hinalikan niya ito sa noo. “Hindi naman talaga kita iiwan dahil nakapag-check in na tayo rito. Hayan nga’t nakapaligo na tayo at nakapagbihis.”

“Mabuti na lang palagi akong may baong damit sa kotse.”

Hindi siya agad nakapag-react dahil parang may kumiliti sa kanyang isipan ng rumehistro sa kanyang isip na suot ni Rain ang kanyang damit na para bang more than best friends sila. Napamura tuloy siya sa sarili dahil hindi niya iyon dapat maramdaman ngayon dahil bigo sa pag-ibig si Rain.

Ngunit, isang bahagi naman ng isip niya ang nagsasabing mas maigi nga iyon para maging madali kay Rain ang lumimot.

“Wala na rin ako sa mood magbiyahe pa pabalik ng Manila. Masyado akong nakaramdam ng pagod.” Habang nagbibiyahe kasi siya kanina habang papunta siya ng Batangas parang may malaking kamay na nakahawak sa kanyang puso na para bang nagri ready na durugin iyon kapag may hindi magandang nangyari kay Rain.

Siniko ni Rain ang kanyang sikmura. “May kasama kang babae ng tumawag ako, no.”

Tumawa siya. Siyempre, hindi naman niya magagawang makapagsinungaling kay Rain. “Iniwan ko siya para sa’yo,” nagmamalaki niyang sabi pero hindi niya maiwasan ang mapangiwi dahil parang naririnig pa niya ang pagmumura ng babaeng iyon na hindi na niya matandaan ang pangalan.

“Sorry mukhang nabitin ka.”

“Mas importante ka sa akin,” mariin niyang sabi.

Matalik silang magkaibigan at tanggap ng kanilang mga magulang ang uri ng relasyon na mayroon sila. Sa tingin nga niya, ikakatuwa pa ng kanilang mga partido kung sila ang magkakatuluyan. Iyon nga lang, hindi nila pinahihintulutan ni Rain na lumampas sila sa boundary ng pagiging mag-best friend. Siguro dahil natatakot silang masira lang ang pagkakaibigan nila kapag naging more than friends sila tapos di sila nagtagumpay. Gayunpaman, hindi nawawalan ng pag-asa ang kanilang mga magulang na mauuwi sa dambana ang relasyon nila ni Rain. Katunayan ay nag-Pilgrimage pa ang mga ito ngayon para raw ipanalangin na matupad ang pangarap ng mga ito.

Sa pagkakatitig niya kay Rain ay na-realize niyang ang kagandahan nito ay hindi napantayan ninuman sa mga naging babae niya. Hindi na niya mabilang kung ilan ang babaeng nadala niya sa kama pero ni isa sa mga ito ay hindi niya ikinunsiderang girlfriend. Gayunpaman, may naging nobya na rin naman siya. Iyon nga lang, nasa malayo at dahil sa hindi nagtagumpay ang ldr sa kanila, nakipaghiwalay ito sa kanya.

Ows? Tudyo ng isang bahagi ng utak niya na biglang sumingit. Alam naman kasi niyang sinubukan lang niyang magnobya noon dahil nais niyang makalimutan ang tunay niyang nararamdaman.

Kahit na namumugto ang mga mata ni Rain sa kakaiyak, hindi pa rin nabawasan ang kagandahan nito. Para nga sa kanya, mas nadagdagan pa ang appeal nito. Mala-barbie doll kasi ang mukha nitong napakakinis.Maliit at hugis puso kaya naman bumagay dito ang mga mata nitong mala-diyamante na binagayan ng mahahabang pilik at maarkong kilay na alam niyang hindi nadaanan ng blade,tapos matangos ang ilong nito na pinatunayan pa ng buto na bahagyang nakausli sa gitnang bahagi at makipot ang mapupulang labi nito na alam niyang kapag ngumingiti ito ay parang biglang lumiliwanag ang paligid. Mapuputi at pantay-pantay kasi ang ngipin nito at may cute ang dimple sa kaliwang pisngi.

Ang kagandahan nito ay hindi nagtatapos sa mukha nito dahil may taas at katawan din itong ipagmamalaki. 36-22-36 ang tantiya niyang vital statistic nito at tiyak niyang 5’8″ ang height nito.

“Parang ayaw ko na magka-boyfriend.”

“Nasasabi mo lang ‘yan dahil broken hearted ka pa,” wika niya pero ikinatuwa niya ang sinabi nito.

“Eh, bakit ikaw, ayaw mo pa ring tumino? Puro ka pambababae.” Buwisit nitong tanong sa kanya. Tinapunan pa siya nito ng ubod talim na tingin.

Naging naman pilyo ang kanyang ngiti. “Mas masarap kasing magpaligaya ng maraming girls.”

“Pasalamat ka hindi mo ako babae,” wika nito sa kanya sabay batok.

Natigilan siya sa sinabi nito. Ewan niya kung bakit may pananabik siyang naramdaman. “Bakit naman?”

“Dahil kapag nahuli kitang nagtataksil, putol ang putotoy mo,” wika nito sabay hagikgik. Nagmuwestra pa ito ng gunting na gagamitin nito sa pagputol sa kanyang ‘kaligayahan’.

Alam naman niyang nagbibiro lang si Rain ng sabihin iyon, pero hindi niya napigilan ang mapalunok. Para kasing naramdaman niya ang sakit kapag talagang pinutol nito ang kanyang putotoy tulad ng banta nito. Wala naman kasi itong sinabi na di nito pinanindigan. Napabuntunghininga lang siya nang maisip niyang isa roon ay iyong hindi sila dapat na maging magkarelasyon.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.