27.8 C
Manila
Tuesday, September 10, 2024

Pagiging Pilipino: Isang Sulyap sa mga Kaugalian, Kahalagahan at Paniniwala ng mga Pilipino

Isang karaniwang kaalaman na ang mga Pilipino ay kadalasang nabubuhay batay sa mga tuntunin ng kanilang kultura. Dahil ang kulturang Pilipino, ang mga katangian at paniniwala nito ay labis na naimpluwensyahan ng kanilang kolonyal na nakaraan, may iilang eksperto na nagsabi na hindi makatarungan na ang Pilipinas at mga mamamayan nito ay huhusgahan alinsunod sa mga pagpapahalaga ng mga dayuhan.

Dahil sa kolonyal na nakaraan ng Pilipinas, may isang Pilipinong mambabatas na nagnanais na palitan ang pangalan ng Pilipinas. Ayon sa ABS-CBN News, ipinasa ni Magdalo Party-list Representative Gary Alejano ang House Bill No. 5867 na naglalayong lumikha ng “pambansang pagkakakilanlan” ng Pilipinas na hindi konektado sa kolonyal na nakaraan nito.

Ipinaliwanag din ni Alejano na ang pangalan ng Pilipinas, na ibinigay ng Kastilang hari na si Philip II noong ika-16 na siglo nang ang bansa ay nasa kolonisasyon ng mga Espanyol, ay dapat hindi lamang “tumutukoy sa lupa nito, kundi pati na rin sa mga tao at patrimonya.”

“Kung nais nating maging tunay na malaya, dapat nating itapon ang bigkis ng kolonyalismo sa pamamagitan ng pagtaguyod ng ating sariling pambansang pagkakakilanlan,” sabi ni Alejano.

Kaya, dapat ba na ang tanging pagkakakilanlang Pilipino ay nakasalalay sa pangalan ng isang bansa? Ipinaliwanag ng Pilipinong mananaysay na si Michael Charleston “Xiao” Briones Chua na ang batayan para sa pambansang pagkakakilanlan ay hindi lamang ang pangalan ng bansa kundi pati na rin ang kabuuan at integridad ng kultura ng kanyang mga tao na matutuhan sa kanilang sarili. Binibigyang-diin din niya na ang pagkakakilanlan ay hindi na isang problema para sa mga Pilipino sa halip, ang kaalaman sa kasaysayan ng bansa.

Ang Pilipinas ay may mayamang kasaysayan na may malalim na impluwensya sa kultura, mga halaga at paniniwala nito. At kung pagkasaliksikin natin nang mas malalim ang mga paksang ito, umaasa ako na makapagbigay ng ilang mga pananaw at mas malalim na pangunawa sa kung bakit ang mga Pilipino ay nabubuhay ayon sa dikta ng kanilang kultura at kung bakit may iilan na di maipagmamalaki na sila ay isang Pilipino.

Kulturang Pilipino

Ang Pilipinas ay isang lipunan na may mayaman at magkakaibang kultural na impluwensya at tradisyon. Karamihan sa modernong aspeto ng ebolusyon ng kulturang Pilipino ay naiugnay sa mga banyagang paghahari ng Espanya at Estados Unidos, na kung saan pinalawak ang Kristyanismo at binigyan ng pagkakakilanlan ang mga Pilipino. Gayunman, may iilang katutubong tribo at mga Muslim na pinananatili ang kultural na kalayaan nito, ayon sa nabanggit ng Living in the Philippines.

Ang makulay na pamanang kultural ng bansa ay naiimpluwensyahan din ng kanyang pakikipag-ugnayan sa mga kultura ng iba pang karatig bansa sa Timog-Silangang Asya. Ngunit sa kabila ng maraming banyagang impluwensya, ang mga Pilipino ay patuloy na pinapangalagaan ang tradisyunal na kulturang Asyano na nakikita sa kanilang mga kaugalian, paniniwala, tradisyon, mga halaga at uri ng pamumuhay.

Sa kulturang Pilipino, mayroong higit sa 15 na mga importanteng konsepto na tunay na pinapahalagahan. Kabilang dito ay ang pamilya, paniniwala o pananalig sa Diyos, paggalang, pagtitiyaga o pagtitiis, tadhana, utang na loob, amor propio, pakikiramay, pagtutulungan, kagandahang loob, bayanihan, pakikisama, delicadeza, palabra de honor, mabuting pagtanggap, pagsasakripisyo, pamahiin at hiya. Ang panatismo, idolatry at mga tsismis ay bahagi din ng nakawiwiling aspeta ng kulturang Pilipino.

Dahil ang pamilya ang pangunahing yunit ng panlipunan sa Pilipinas, ang mamuhay kasama ang kani-kanilang malalapit na kamag-anakan tulad ng mga lolo’t lola, tiyahin, tiyuhin at mga pinsan ay bahagi din ng kulturang Pilipino. Ang nepotismo o ang pagtatrabaho sa parehong kumpanya ay karaniwan din sa mga Pilipino.

Katutubong Paniniwala ng mga Pilipino

Ang mga mamamayang Pilipino ay bumubuo ng 79 katutubong grupong etniko. Kahit na ang Pilipinas ay tinaguriang pangunahing Kristiyanong bansa kung saan 81 porsiyento ng populasyon ay Romano Katoliko, ang animismo o katutubong relihiyon na nakapaligid sa mga katutubong espirituwal na tradisyon mula sa mga pre-kolonyal na panahon ay patuloy na umiiral, maging sa mga nabinyagang miyembro ng mga pormal na simbahan.

Iyan ang dahilan kung bakit ang mga pamahiin at katutubong paniniwala ng mga Pilipino (tulad ng pangkukulam, aswang, usog at batibat) ay laganap sa mga Pilipino. Ang mga tradisyonal na halaga ng Pilipino ay naiimpluwensyahan din ng kanilang mga paniniwala, pananaw at kasanayan.

Pagiging Isang Pilipino

Tunay na naiiba at katangi-tangi ang mga Pilipino dahil sa kanilang kakayahang lagpasan ang anumang unos o laban sa lahat ng mga posibilidad. Kung saan ka man pumunta, ang mga Pilipino ay tanyag sa pagiging mandarayuhan sa maraming bansa sa buong mundo. Ang mga ito ay itinuturing na mga “kamaleon” na madaling makapag-angkop sa iba’t ibang mga kapaligiran at ang klise, “Survival of the fittest,” ay nakabaon din sa kanilang mga sistema.

Ang mga Pilipino ay kilala rin sa pagiging matulungin (kung saan ang mga nakakatanda ay karaniwang nagsasagawa ng mga sakripisyo upang tulungan ang mga nakababata), mapitagan, magalang, at mapagpatuloy (mabuting pakikitungo at mabait na pagtanggap sa mga bisita at estranghero). Ang kanilang malakas na pagkabayanihan ay pinahahalagahan at hinahangaan din. Ang pagmamahal sa magulang at paggalang sa awtoridad nila, at ang mataas na paggalang sa kababaihan ay kapansin-pansin din sa maraming Pilipino.

Kahit na ang mga Pilipino ay may ilang mga kahanga-hangang katangian, may iilan na nagsasabi na hindi nila ipinagmamalaki na sila ay mga Pilipino. Marahil, ikaw ay nagtataka kung bakit pero sa kabutihang-palad, gumawa ang Get Real Philippines ng isang listahan ng mga Pilipinong katangian na hindi nila dapat ipagmamalaki at kinakailangan mapagtagumpayan upang sila ay maging isang “mas mapabuting lipunan.”

Batay sa listahan, ang mga Pilipino ay “bastos, di-disiplinado at walang konsiderasyon,” tinutukoy nito kung paano nila haharapin ang pang-araw-araw na sitwasyon ng trapiko sa bansa. Ang blog post ay nagpahayag din ng isang hindi maikakailang katotohanan — “Nais ng mga Pilipino na maging una.” Ang mga eksena ng trapiko sa Pilipinas ay itinuturing sentro rin ng mga krimen, kung saan maraming nabibiktima ng “road rage.”

Batay sa aking mga personal na obserbasyon, ang nabanggit na mga katangian ay totoo dahil karamihan sa mga Pilipino ay walang pasensya at hindi mabuti sa pagsunod ng mga patakaran. Ang paglaki sa isang Filipino-Chinese na pamilya at paggugol ng halos kalahati ng aking buhay sa isang Tsinong paaralan ay nagbigay sa akin ng mas malalim na pag-unawa pagdating sa disiplina ngunit tiyak akong sumasang-ayon sa mapanlabang katangian ng mga Pilipino dahil madalas silang nagrereklamo o nagpapakita ng mga negatibong reaksiyon kapag sila ay dinidisiplina. Para sa karamihan ng mga Pilipino, ang mga reklamo ay nauuna kaysa sa paghahanap ng mga solusyon.

Ang mga Pilipino ay “sobrang emosyonal,” at tinutukoy nito kung paano silang madaling akitin ng mga “makulay na mga slogans sa panahon ng mga halalan.” Bukod pa rito, mahilig sila sa romantiko at hindi nasasayang mga kuwento ng pag-ibig at mga kwento ng kasaganaan, na kadalasang inilalarawan sa mga lokal na pelikula at mga teleserye sa TV. Pinipili din nilang suportahan ang mga tinaguriang “talunan or api-apihan” dahil sa awa.

Bukod pa rito, ang mga Pilipino ay “walang kakayahang magkaroon ng pananagutan sa sarili.” Ang dahilan? Sabihin na natin na gusto ng mga Pilipino ang ideya na magkaroon ng mga tagapagligtas para iahon sila mula sa kanilang “sariling” mga miseryo. Nabanggit din ng blog na ito rin ang pinakamahusay na paraan upang ipaliwanag kung bakit ang isang tao tulad ng kasalukuyang Pangulong Rodrigo Duterte ay naging kaakit-akit sa mga tao. Ang mga Pilipino ay nasanay din sa paniniwala na “may isang tao na maglilinis ng kanilang sariling mga kalat.”

Isa pang kapansin-pansin na katangian ng mga Pilipino na binanggit ng Get Real Philippines ay ang katotohanan na “ang mga Pilipino ay umaasa sa mga panlabas na mga kadahilanan at pwersa” para sa pagtanggap. Isang magandang halimbawa ng katangiang ito ay ang tinatawag na “Pinoy Pride,” na tumutukoy sa paghanga ng maraming Pilipino kapag ang isang tao na may dugong Pilipino o ang pinagmulan nito ay nagiging matagumpay sa ibang bansa. Sila ay madalas na kumapit sa kanilang mga tagumpay kahit na ang dahilan sa likod nito ay sariling sikap at determinasyon, sa halip na ang kanilang lahi.

Ang mga Pilipino ay matatalinong at talentadong indibidwal. Gayunpaman, ang malungkot na katotohanan kung saan ang mga Pilipino ay hindi nakikilala ng kanilang mga kababayan sa taglay nilang mga talento at kontribusyon hanggang sa kinilala ng isang banyagang pangkat ay nananatiling umiiral.

Marahil, ang isa pang dahilan kung bakit may ilang Pilipino ay hindi maipagmamalaki ang kanilang pinagmulan ay ang katunayan na kadalasang negatibo ang kanilang pagtanggap sa mga kritisismo, pananaw at alternatibong pamamaraan. Dahil sa kanilang kayabangan, ang indignasyon o pagkagalit ay naging isang natural na reaksyon, kahit na nakatanggap sila ng nakabubuting pagpuna. Ang katigasan ng ulo at sariling katuwiran ay makikita din sa maraming mga Pilipino.

Ang mga Pilipino ay tamad, hindi mapagisip at madalas na nagtatakda ng mababang mga pamantayan para sa kanilang sarili. Ang mga katangian ito ay kumakatawan sa kanilang paraan ng pamumuhay na sinabi sa pamamagitan ng pahayag na ito, “Ang kainaman na pagiisip ay katumbas ng pangkaraniwang gawa na katumbas ng di-wastong paraan ng pamumuhay.”

Ang mga Pilipino ay mayroong “baluktot na konsepto” ng kalayaan at demokrasya. Dahil sa pinagtrabahuhang kalayaan ng bansa, madalas nilang pinaniniwalaan na maaari nilang gawin ang anumang nais nila sa kabila ng mga kalalabasan o kahihinatnan ng naturang mga aksyon.

Pagkakaroon ng Inter-Kultural na Kamaangan

Kahit na ipinagmamalaki ko ang pagiging isang Pilipino at ang aking bansa, mayroon ding mga bagay na may kaugnayan sa kulturang Pilipino na lubos kong hindi nagugustuhan. At habang naghahanap ako ng mga pagbabasehan para sa partikular na ulat na ito, nakita ko ang isang blog na tinatawag na Internet Jaywalking at ang sanaysay na may titulong, “I Hate Filipino Culture,” ay talagang nakuha ng aking pansin.

Sa nasabing blog post, ang manunulat ay matapang na nagpaliwanag kung bakit kinamuhian niya ang kulturang Pilipino, lalo na ang “interkultural na kamaangan” na patuloy na umiiral sa ating bansa. Ang ilan, marahil, ay magkakaroon ng mga negatibong reaksyon o makakasakit sa kanilang damdamin sa pagbasa ng kanyang isinulat ngunit ito ay may katotohanan — tulad ng kung paano pinalawak ng mainstream media ang agwat sa pagitan ng mapuputing tao at ng mga morena o kayumanggi ang kulay ng balat. Sa katunayan, maraming mga kabataang Pilipino ang nabulag sa paniniwala na ang pagkakaroon ng kayumangging kulay ng balat o pagiging Morena in Filipino ay mali, pangit at hindi kanais-nais.

Buweno, kung alam lng nila kung gaanong kinaiinggitan ng ibang mga lahi ang kulay ng balat ng mga Pilipino. Kahit na ang aking sarili ay naninibugho sa lahat ng magagandang morenas dito sa bansa. Ito ang dahilan kung bakit ako ay karaniwang nagpapa-“tan” tuwing tag-init upang makamit ang magandang kayumangging kulay na balat na pinakamahusay na kumakatawan sa tunay na kagandahang Pilipino.

Sa pagsasabing iyon, lubos na mapanuyang malaman kung gaano ka sensitibo ang mga Pilipino pagdating sa mga isyu sa lahi at kulay ngunit sila rin ang mga pangunahing namumuna nito. Hindi ko malimutan kung paano ininsulto ng mga netizen ang anak na babae ng Filipina T.V. host na si Bianca Gonzales dahil sa kulay ng balat nito at ang katunayan na siya ay isang sanggol pa lamang ay labis na nakakasakit ng damdamin.

Kung pagiisipan ng mabuti, wala naman talagang mali sa mga kulay ng balat ngunit ibang kuwento na pagdating sa kaisipan tungkol dito. Sa Pilipinas, isang pamantayan na ang pagiging kayumanggi ng balat ay katumbas ng pangungutya. Madalas silang biktima ng pang-aapi na at tinatawag silang mga “negro o negra.” Kailan kaya matatanto ng mga Pilipino na ang pahayag, “ang kayumangging balat ay hindi sapat,” ay isang pinakamalaking kasinungalingan?

Sa palagay ko ang lahat ng ito ay bumabalik sa kolonyal na nakaraan ng Pilipinas, kung saan sinabi sa kanila na “ang kayumangging balat ay isang paglalarawan ng kanilang katayuan sa lipunan bilang mga pangalawang pandaigdigang mamamayan,” ayon kay Mike Grogan ng Business Mirror. Ang pahayag ni Grogan ay sumasang-ayon din sa obserbasyon ni Ninotchka Rosca na ang “antas ng pamumuhay at kulay ay magkakaugnay” sa Pilipinas.

Ang isyu sa kulay ng balat ng mga Pilipino ay isa lamang sa mga pangunahing kapintasan sa kulturang Pilipino. Ngunit sa halip na ikahiya, bakit hindi nating ipagmalaki ang kulay n gating mga balat na nagpapaiba sa atin? Alalahanin din natin ang malakas na mensahe ni Mary (isang babaeng ipinagmamalaki ang pagiging morena) na, “Walang Pilipino ang dapat diskriminahin sa kanyang sariling bansa dahil sa kulay ng kanyang balat.”

Bukod sa pag-iisip na may kaugnayan sa kulay ng balat, ang mga Pilipino ay nagbibigay din ng labis na pansin sa relihiyosong pag-uugali o “ipagpapasaDiyos natin ang lahat” na saloobin, pagkakatulad (kung saan ang pagkamalikhain ay nababalot at ang pagiging ambisyoso ay nakakuha ng negatibong kahulugan), pagiging masunurin (sa halip na mapamilit) at ang tinatawag na “Crab Mentality,” na kung saan inilalarawan sa pahayag, “Kung hindi ko makukuha ito, hindi mo rin makukuha.”

Ang isa pang napakalaking kapintasan sa kultura ng Pilipino ay ang pagpapahintulot sa relihiyon na maging mas makapangyarihan sa estado, at maliwanag ito sa mga debate ukol sa sa kontrasepsyon. At ang isa pang nakababahalang bahagi ng kulturang Pilipino ay ang pagbibigay diin sa panatismo at idolatriya. Dahil sa katotohanan na ang mga Pilipino ay madalas na nahihirapan sa pagtukoy ng pagkakaiba sa pagitan ng kung ano ang tunay at hindi, pinipigilan nito ang paggamit ng malayang pag-iisip.

Panatismo at Idolatriya ng mga Pilipino

Sa panahong ito na patuloy ang pagunlad ang makabagong teknolohiya, nalalantad tayo sa iba’t ibang panitikan, media, kultura, kaugalian, at tradisyon na pumupukaw sa atin na mas maging malikhain at bukas ang isip. Ngunit dahil sa ating nakaraang kolonyal at sariling kultura, nananatili tayong nakalutang sa kamangmangan at tila walang pag-unlad.

Ang isang dahilan para dito ay ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa panatismo at idolatriya. Kahit na ito ay nagpapakita ng isang kamangha-manghang katangian ng pag-iisip ng mga Pilipino, ang pagsupil sa malayang pag-iisip sa pamamagitan ng ating pagkahumaling sa pagkapanitiko ay maaaring magdulot ng manipulasyon at pang-aabuso.

Isang karaniwang katotohanan na na ang mga Pilipino ay madamdamin na mga indibidwal na madalas na pinapangunahan ng kanilang mga puso. Dahil dito, ipinahayag ng Rappler na ang mga Pilipino ay kadalasang madaling maimpluwensyahan ng “pinakabagong mga gimik o mga ideya ng pagmamahalan, kasaganaan, at kagandahan.”

Ang pagmamasid na ito ay madalas nakikita sa panahon ng halalan kung saan naging mas popular ang kandidatong sinusuportahan o iniendorso ng mga tanyag na artista. Ang masa ay madalas na naniniwala sa mga nominado na suportado ng kanilang mga idolo, di alintana kung sila ay talagang kwalipikado o hindi.

Sa mga lokal na pelikula at mga palabas sa TV, ang mga Pilipino ay nahuhumaling sa mga kuwento ng pag-iiban na mala-Cinderella ang dating o yung tipong ang mayaman na binate ay umibig sa mahirap na dalaga o di kaya sa mga istorya ng pagmamahalaan kung saan ang masamang lalaki ay makakatagpo ng matinong babaeng iibigin. Sa katunayan, ang mga ito ay paulit-ulit na tema sa mga pelikula at serye ng Pilipino.

Ang isa pang magandang halimbawa ng panatiko at idolatriya sa Pilipinas ay napansin kung paano tumugon at tanggapin ng mga Pilipino ang kanilang mga paboritong internasyonal na artista sa panahon ng mga pagbisita nila sa bansa o sa pagtatagpo ng mga tagahanga, lalo na pagdating sa mga Asian superstars tulad ni Lee Min Ho, Park Shin Hye, Super Junior, Big Bang, Mario Maurer at ang sino ba ang makakalimot sa F4 o “Meteor Garden” Fever sa pangunguna ni Jerry Yan ng Taiwanese boy band na F4. Tila nakakatawa at kakaiba kung paano napupuno ng mga natitiliang mga tagahanga ang mga lugar kahit na hindi nila maintindihan ang salita o sinasabi ng kanilang mga dayuhang idolo na hindi nagsasalita ng Ingles.

Ngunit ipinagmamalaki ng mga Pilipino ang pagiging mapagmahal na mga tagahanga. Ngunit ang idolatriya at panatismo ng Pilipino ay hindi tumitigil dito. Sa katunayan, maraming mga kumpanya kumikita dahil dito. Gustong-gusto bilhin ng mga Pilipino ang mga produkto na inaalok ng kanilang mga paboritong artista at mang-aawit — mula sa laundry detergent, sa shampoos, toothpastes, de-latang pagkain, tatak ng sapatos at damit, at mga aksesorya.

Ang ilan ay umaabot rin sa punto ng paggaya sa mga pagkilos, estilo at fashion sense ng kanilang mga idolo. Ang mga Pilipino ay madaling maimpluwensiyahan ng “fandom at hindi makatwiran samahan ng mga kuwentong kathang-isip lamang o persona.” Ngunit ang tunay na problema nito ay ang mga katotohanan at magkasalungat na mga argumento ay kadalasang binabalewala at sinusukluban.

Dahil sa pagkapanatiko ng mga Pilipino at labis na idolatry, ang mga entertainment networks, mga korporasyon, at kahit mga pulitiko ay ginagamit ito sa kanilang kalamangan upang makakuha ng mas maraming kita at rating, at makuha ang tiwala ng publiko. Maaaring ito ay isang magandang bagay ngunit ang samantalahin ang silakbo damdamin at kinahuhumalingan ay maaaring humantong sa pagmamanipula at pang-aabuso. Maaari din itong magbigay ng inspirasyon sa iba ngunit maaari rin itong makadagdag sa mga mababaw na pagkaligalig ng mga tao, lalo na ang mga nakababatang henerasyon na madaling maimpluwensyahan ng mga kahibangang ito. Maaari din silang magkaroon ng baluktot na pangunawa at pagkahumaling sa kasikatan at katanyagan.

Ang bawat tao, bansa o kultura ay parehong may mabubuti at masasamang aspeto. Ngunit nakasalalay ang mga iyon kung paano ibaling o gamitin ang masasamang bahagi ng isang bagay para maging positibo at mas kapaki-pakinabang. Ang mga Pilipino ay magaganda at magagaling na tao subalit mayroon din silang mga kakulangan na kinakailangan tanggapin at pagtagumpayan.

Sa loob ng maraming henerasyon, nalagpasan ng mga Pilipino ang maraming unos at paghihirap. Ang kanilang pagtitiyaga, katatagan, determinasyon at ang kanilang kakayahang tumawa sa gitna ng isang kamalian at kabiguan ay talagang kahanga-hanga ngunit ito ay hindi dapat maging katwiran para sa “easy-going” na ugali ng mga Pilipino.

Sa kabila ng lahat ng negatibong implikasyon sa kulturang Pilipino, ipinagmamalaki ko pa rin ang pagiging isang Pilipino. Ang bawat kultura ay may positibo at mahahalagang kakanyahan. Bagaman maaaring tumagal ng maraming taon bago nating tuluyang madaig ang mga isyung ito, naniniwala ako na ang mga nakababatang henerasyon ay nagiging mas matalinong at bukas ang pag-iisip upang matulungan ang Pilipinas na bumangon bilang isang mas mabuting lipunan.

Bilang mga Pilipino, hindi natin hinahangad na itaguyod ang poot o pagkamuhi sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga negatibong ideya at kabalintunaan ng kulturang Pilipino. Nais nating ipagmalaki ang ating bansa, ang ating kultura, at ang ating mga kababayan. Ang ilan ay nagsasabi na kailangan ng isang digmaan upang muling simulan ang isang buong bansa ngunit ang talagang kailangan nito ay isang PAGBABAGO – pagbabago na nagsisimula mula sa loob. Dapat din nating ihinto ang pagsisi sa nakaraan at magsumikap na mabuhay sa kasalukuyan at sa hinaharap. Kaya sana ang sanaysay na ito ay magsilbing inspirasyon para pumukaw sa mga Pilipino na umunlad, maging kakaiba at lumikha ng sarili nating pagkakakilanlan na maipagmamalaki natin.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.