Hindi lingid sa ating lahat na marami talagang mga dayuhang lalaki ang nabibighani sa mga Pilipina. Gagawin mang ‘girlfriend’ o ‘legal wife’ ng isang foreigner ang isang babae, siguradong mangunguna ang mga Pinay sa mapipili. Bakit kaya? Ano ang meron sa mga Pinay na maaring wala sa mga babaeng westerners?
Bakit ng ba?
Una ay ang kulay ng mga Pinay. Gustong-gusto ng mga foreigners ang kayumanging kulay ng mga Pilipina. Hindi sya maitim ngunit hindi rin maputla katulad ng mga kulay ng mga babaeng westerners na nkakasanayan ng mga banyagang lalaki sa kanilang mga bansa.
Pangalawa, kilala ang mga Pinay sa pagiging mapagsilbi sa kanilang mga minamahal sa buhay. Dahil sa kadalasan sa mga banyagang lalaking pumupunta sa Pilipinas (bilang bisita o migrante) ay may mga edad na, nangangailangan sila ng babae na bukod sa magmahal sa kanila at makasama sa buhay, ay siguarado silang sila ay pagsisilbihan.
Ikatlong dahilan ay ang pagiging malambing ng mga Pilipina. Bukod sa likas na kahinhinan ng mga Pilipina, sila ay malambing at “sweet.” Kahit sinong lalaki, ma Pinoy man o dayuhan, ay nahuhulog kaagad ang loob sa mga babaeng ganito ang ugali o ang ipinapakita.
Pang-apat ay ang pagiging likas na “feminine” ng mga Pinay. Dahil sa “femininity” ng mga Pilipina, nagigising ang pagiging “chivalrous” ng mga lalaki; mas lalong umiigting ang kanilang “macho image,” mas lalo nilang nararamdaman na sila ang “protector,” sila ang “knight in shining armor” ng kanilang karelasyon. Ito rin ay nagbibigay sa kanila ng damdamin na sila ang lalaki, sila ang “nakapantalon.”
Pang-lima ay ang pagiging likas na matiisin at matatag ng mga Pilipina. Sa pagiging ina man, sa pagiging anak o maging sa pagiging isang asawa, kilala ang mga Pilipina na matiisin at hindi bumibitiw sa kanilang mga obligasyon kahit sa gitna ng matitinding pagsubok, sa maraming problema, sa gitna ng kalungkutan at paghihirap. Maaring sa panglabas na anyo ay mahina o feminine ang isang Pinay, ngunit sa loob-loob nito ay ang isang pusong matiisin, matatag na disposisyon at palaging umaasa na malalampasan niya ang lahat.
Paboritong Lugar na Bisitahin o Pagreretirohan
Sa isang kilalang magasin (Forbes Magazine), ang Pilipinas ay naihanay sa isa sa mga pinaka-paboritong lugar sa buong mundo kung saan gustong magretiro o manirahan ang mga foreigners.
Ang batayan ay nakabase sa mga sumusunod — klema ng bansa, seguridad, ang hospitatility ng mga tao, magagandang tanawin, cost of living, buwis, medical care, at kung gaano kadaling makabalik ang mga tao sa kani-kanilang sariling bansa. Isa din sa mga dahilan kung bakit maraming dayuhan ang nagkagustong manirahan sa Pilipinas ay dahil sa English fluency ng mga Pilipino.
Pruweba na kabigha-bighani ang Pilipinas sa mga turista, noong buwan lang ng Mayo 2017, nagkaroon ang bansa ng mahigit-kumulang na 532,757 na mga bisitang dayuhan.
Sa 2010 Census of Population and Housing report, umabot ng 177,368 (Table-1)ang mga dayuhang naninirahan na sa bansa. Hindi pa kasali dito ang mga myembro ng diplomatic missions at ang mga hindi Pilipinong myembro ng mga international organizations at mga dayuhang sibilyan na dati ng naninirahan sa Pilipinas.
Masamang Imahe at Maling Pagkakakilala
Karamihan sa mga Pilipina na nag-aasawa ng mga dayuhan ay nakakaranas ng “pagkagalit” at “kawalang respeto” mula sa kanilang kapwa Pilipino. Marami sa kanila ang inaakusahan na “gold-diggers,” “pera lang ang habol,” o “manloloko.” Inaakusahan din sila na habol lang ang pensyon ng kanilang mga dayuhang asawa at ginagamit lang ang mga ito bilang “hagdan” upang makawala sa kuko ng kahirapan. Para sa ilang Pilipina, maaaring totoo ito; ngunit may mga Pilipina na nag-aasawa dahil sa pag-ibig. Hindi tama at makatarungan na sabihing lahat ng babaeng nag-aasawa ng dayuhan ay mandaraya o habol lang ay pera.
Oo, totoo na marami sa mga Pilipina na nag-aasawa ng dayuhan ay galing sa mahirap na pamilya. Ngunit napaka-husga naman na agad isipin ng kahit sino na balak talagang lokohin ng mga babaeng ito ang mga dayuhan o nais silang pagkakitaan mula pa sa simula ng kanilang relasyon. Nagkataon lamang na galing sila sa mahirap na pamilya nang sila ay magustuhan ng mga dayuhan.
Tingnan natin ang kaso ni Loryjean, isang 20 taong gulang na dalaga mula sa La Libertad, Negros Oriental. Siya ay galing sa mahirap na pamilya at hindi pa nakatapos ng pag-aaral. Isang British national na 61 taong gulang ang nagkagusto sa kanya at nanligaw. Tumagal ang kanilang relasyon ng 4 na taon. Dahil sa ipinakita ni Loryjean na katapatan, kababaang-loob, at sinseridad, napagpasyahan ni Peter na pakasalan siya. Ayon kay Peter, “sa lahat ng Pilipinang nakilala ko, siya lang talaga ang hindi nanghihingi ng pera o nagsamantala sa akin.” Si Loryjean ay isa lamang sa libu-libong Pilipina na tapat sa kanilang dayuhang kasintahan/asawa at patunay na hindi lahat ng Pilipina ay “gold-diggers.”
Mapagmahal, masunurin, malambing at mahinhin, tapat, matatag, at matyaga – ito ang mga dahilan kung bakit mahal ng mga dayuhan ang mga Pilipina. Sa mata ng mga dayuhan, pagdating sa mga katangiang ito, nangingibabaw ang mga Pilipina!
-gemma mindo iso –