Kapag nasa isang long term relationship ka, yung buhay mo ay napaka-komportable na dahil may goals na kayo parehas at may routine na kayong sinusunod. Karamihan sa mga plano mo ay kasama ang partner mo, at walang mali dun, dahil nahanap mo na sa wakas ang rhythm ng buhay mo. Yun nga lang, kailangan mo pa rin mag-focus sa sarili mo minsan. Read on.
Sobrang importante ang “me time” sa kahit saang relasyon, dahil importante din na ma-maintain mo ang individual self mo, at nang sa gayon, mas magiging maayos ka pagdating sa relasyon mo. Mula sa simple pleasures hanggang sa long term goals, ito ang pwede mong gawin para magawa mo ang self care at self love.
1. Maging masaya ka sa pagiging mag-isa kahit ilang oras lang
Yakapin mo ang katahimikan kahit ilang oras lang. Isang way na rin ito ng pag-meditate at nang sa gayon, mas makapag-reflect ka sa buhay mo kahit sa sandaling oras lang. Huwag mo muna gamitin ang phone mo o di kaya ay makipag-usap sa ibang tao. Huwag ka matakot sa ganito dahil isang way ito para mabigyan mo ng time ang sarili mo.
2. Mag-stick ka sa beauty routine mo
Iwasan mo maging losyang. Minsan pag sobrang saya na ng buhay mo, nakakalimutan mo nang mag-ayos. Kailangan mo mag-stick sa beauty routine mo dahil paraan na rin ito na maalagaan ang mukha mo. At pag sinabing beauty routine, hindi lang ito sa kung ano ang nilalagay mo sa mukha mo; kasama rin dito ang kinakain mo at ginagawa mong para ma-maintain ang magandang katawan mo. Kailangan, magkaroon ka ng healthy diet para mas kuminis ang balat mo. Kapag ginawa mo ito, mas magiging positive ang tingin mo sa buhay at magiging masaya din ang partner mo sa kung paano mo inaalagaan ang sarili mo.
3. I-enjoy mo ang makeup stash mo
Sayang ang makeup mo kung nakatago lang sa cabinet mo. Gamitin mo ito kahit nasa bahay ka lang. May isang beauty vlogger na sinabing nakakatulong daw sa productivity ng isang babae ang pagsuot ng makeup kahit nasa bahay lang. Sa ganitong paraan kasi, feeling niya ay nasa office din siya at gumagawa ng importanteng tasks for the day. Try mo, wala naman masama kung gagawin mo ito.
4. Mag-travel ka mag-isa
Hindi mo palaging kelangang gawin ito, pero importante ito para mas ma-recharge ka. Minsan kasi mas nakakapagod kapag puro ka routine sa life mo. Minsan kelangan mo na mapag-isa para magkaroon ka ng reset.
5. Mag-invest ka sa sarili mo
Huwag ka matakot na isipin din ang sarili mo pagdating sa investment, lalo kung hindi pa kayo kasal ng partner mo. Invest sa isang life insurance plan para habang bata ka pa ay may naka-imbak ka na para sa sarili mo.