29.9 C
Manila
Monday, October 21, 2024

5 Katotohanan Tungkol sa Relasyon na Hindi Pinag-uusapan

Alam nating lahat na ng unang ilang buwan ng isang relasyon ay puro kilig at masaya. Tinatawag natin itong “honeymoon stage” at ang pakiramdam nito ay para kang nakalutang sa ere dahil sobrang saya niyo ng bagong partner. Read on.

Clingy din kayo sa isa’t isa at parang kulang ang isang araw palagi kapag magkasama kayo. Pero alam din nating lahat na habang tumatagal, unti-unting magme-mellow out lahat at mawawala na ang “honeymoon stage”. Magiging mas importante na ang pag-maintain ng inyong relasyon dahil ito ang mas dapat tutukan ng kahit sinong magka-relasyon. Basahin ang article na ito para makita mo ang mga katotohanan sa isang relasyon na hindi pinag-uusapan ng mga tao dahil masyado underrated.

1. May mga panahon na magkaka-inisan kayo

Totoo na kapag mas kilala ninyo na ang isa’t isa, mas nakakahanap kayo ng rason para mahalin pa sila lalo. Sa kabila nun, makikita ninyo rin ang mga bagay na ikaka-inis ninyo sa kanila. Mula sa small habits hanggang sa pag-uugali na nakasanayan na ng bawat isa, hindi natatapos ang learning sa inyong dalawa dahil lagi kayo makaka-discover ng bago sa partner ninyo. Ang importante kahit magka-inisan kayo ay nandun pa rin ang respeto ninyo sa isa’t isa.

2. Hindi lahat ng oras ay puro kilig, dahil busy na rin kayo sa trabaho

Kung career-oriented individuals kayo ng partner mo, asaha mo na magkakaroon talaga ng panahon na mawawalan kayo ng time sa isa’t isa, at okay lang yun dahil parte yun ng relasyon ninyo. Importante ay magkaroon pa rin kayo ng pagkikita kahit hindi na madalas.

3. Ang pangako niyo sa isa’t isa ay hindi forever, kundi every day

Marami ang naniniwala sa konsepto ng “forever”, pero hindi lahat nakikita na bago mo maranasan ang feeling ng forever ay meron munang “every day”. Sa every day, may instances na boring at cycle lahat, pero okay lang dahil doon ninyo mas mapapatibay ang isa’t isa.

4. May mga pagkakataon na gusto ninyo nang tapusin ang relasyon ninyo

Kapag malala na ang mga away ninyo, hindi ninyo maiiwasan ang makapagbitaw ng masasakit na salita at umaabot pa kayo sa punto na ayaw ninyo na talaga. Maiiwasan ninyo ito kung dadaanin ninyo sa maayos na usapan. Communication will always be the key, and changed behavior.

5. Matututo kayong mag-compromise at sakripisyo

Hindi lahat ng oras ay magmi-meet halfway kayo, dahil may mga panahon na ikaw ang magpaparaya para sa partner mo, at ang tawag dun ay sakripisyo.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.