25.4 C
Manila
Monday, February 26, 2024

PAANO GAGAMITIN ANG MGA WEALTH SYMBOL UPANG I-ATTRACT ANG SUWERTE AT KASAGANAHAN SA BUHAY

Ang mundong ito ay puno ng simbolismo. Ang bawat simbolo sa paligid ay may katumbas na kapangyarihan na inilalarawan nito. Halimbawa, ang krus ay simbolo ng pananampalataya nating mga Kristiyano, partikular ang mga Katoliko. Ito ang dahilan kung kaya’t ang simbolo ng Krus ay iginagalang at pinahahalagahan.

Sa kabilang banda, ang mga wealth symbol ay din nga kapangyarihang inilalarawan nito. Samakatuwid, ang paglalagay ng mga wealth symbol ay makatutulong upang i-attract ang positive energy na may hatid na suwerte at pagpapala.

Palamutian mo ang iyong buong bahay ng mga wealth symbols upang i-attract ang suwerte at kasaganahan sa bahay at buhay.

Sa front door, magsabit ng isang plastic bag o Ziploc bag na may lamang mga barya. Sa salas, maaari kang maglagay ng crystal bowl sa center table na may lamang mga barya. Puwedeng mag-display ng coin tree o kaya ay laughing Buddha.

Sa kusina, magdikit ng mga paper bills sa pintuan ng refrigerator upang lagi mo itong makikita. Punuin rin ng prutas ang inyong center table.

 Sa kuwarto, magdikit ng mga larawan ng mga magagandang bagay na gusto mong ma-achieve in the future. Maaari ka ring mag-print ng maraming pera (o totoong paper bills) at idikit mo ito sa wall ng iyong silid. Isa itong uri ng affirmation in visual form, kung saan kapag ang isang bagay ay lagi mong nakikita, ito ay ina-attract mo subconsciously at magugulat ka na lang, bahagi na ito ng buhay mo.

Tandaan na anumang positive thoughts ay nakaa-attract ng positive energy. In short, bawal ang nega at may duda. Kung may pag-aalinlangan, makabubuting huwag na lamang itong subukan dahil magsasayang ka lang ng oras.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.