Ang tuhod ay mahalagang bahagi ng ating katawan. Nakakakilos at nakakalakad tayo ng maayos kung maayos ang kalagayan ng ating tuhod. Sa mga kababaihan, mahalaga na maputi ang kanilang tuhod lalo na kung ito ay para sa kanilang trabaho gaya ng pagrampa bilang modelo, beauty queens at mga celebrities. Bukod sa mga mamahaling produktong pamahid bilang pampaputi ay may mga magagamit din tayong hindi na natin kailangang gumastos ng mahal. Matatagpuan mo lamang ito sa iyong kusina at wala kang pangangambahan na side effects ng mga ito. Ang tinutukoy ko ay ang mga sumusunod.
1.Langis ng niyog. Ang langis ng niyog ay nagtataglay ng Vitamin E. Ang Bitamina E ay mabisang pampaputi at pampakinis kaya siguradong malaki ang maitutulong nito para sa’yong tuhod. Ang dapat lang gawin ay ipahid ito sa maitim na bahagi ng tuhod at hayaan lang ito ng ilang oras. Kung ikaw ay maliligo, hugasan mo lang ito at huwag sabunin.
2.Kalamansi. Mabisang pampaputi rin ang kalamansi para sa ating tuhod. Vitamin C naman ang taglay nito na siyang kalimitang inihahalo sa mga produktong pampaputi. Hihiwain mo lamang ang kalamansi at direkta itong ipapahid sa iyong tuhod. Kung gusto mo namang gumamit ng bulak ay pwede rin. Gawin mo ito pagkatapos mong maligo at hayaan itong matuyo sa iyong balat na pinahiran. Maaari mo rin itong ulitin bago matulog.
3.Yogurt. Ang yogurt ay masarap na panghimagas. Subalit dahil sa tinataglay nitong lactic acid kaya mahusay din itong gamitin bilang pampaputi ng tuhod at iba pang bahagi ng katawan na nangingitim tulad ng siko. Kailangan mo nga lang itong haluan ng suka para mabuo ang paste na siya mong imamasahe sa iyong tuhod.
4.Asukal. Bukod sa pampatamis ng lasa, ang asukal ay mainam ding gamiting hindi lang pampaputi ng tuhod kundi pampalambot din. Kailangan mo itong ihalo sa olive oil. Kapag naihalo mo na ito sa olive oil ay pwede mo na itong ipahid sa iyong tuhod. Ang ipangbabanlaw mo rito ay maligamgam na tubig.