30.7 C
Manila
Tuesday, September 10, 2024

MGA PAMAHIING PINOY PARA SUWERTIHIN KA SA PERA

Likas sa mga Pilipino ang paniniwala at pagsunod sa mga pamahiin. Sa katunayan, ang pamahiin ay bahagi na ng literatura at kalingang Filipino. Parte ito ng mayamang kultura ng bansa.

Maraming pamahiin ang nagpasalin-salin na sa iba’t ibang henerasyon; at karamihan dito ay buhay na buhay pa rin at labis na pinaniniwalaan ng nakararami.

Narito ang ilan sa mga popular na pamahiing Pinoy na may kinalaman sa pera.

Alin sa mga ito ang pinaniniwalaan at sinusunod mo?

1.   Huwag magwawalis sa gabi dahil itinataboy mo raw ang suwerte palabas ng iyong bahay.

2.   Kapag bibili ka ng bag, wallet o pitaka, ugaling maglagay ng pera o kaya ay barya dito na hindi mo gagastusin. Ayon sa paniniwala, ang perang ilalagay mo sa bagong wallet mo ay magsisilbing panghatak ng suwerte.

3.   Ang pangangati ng iyong palad ay tanda nang paparating na pera sa mga susunod na araw. Ayon pa sa turo, ipunas mo raw sa buhok mo ang nangangating palad upang matiyak na darating ang perang inaasam.

4.   Kapag aksidenteng nakapagsuot ng baliktad na damit, asahan ang pagdating ng salapi. May turo pa na kapag raw talagang gipit na gipit ka, baliktarin mo ang iyong damit para magkaroon ka ng pera. Maihahalintulad ito sa pamahiin na kapag naliligaw ka ay baliktarin mo ang iyong damit. Turns of luck, ika nga.

5.    Kung ikaw ay isang negosyante, magbigay ng discount sa una mong customer para sa magandang buena mano. Pinaniniwalaan na makaa-attract ka pa ng maraming customer kapag ginawa mo ito.

6.   Huwag mong ipapatong sa lapad o sahig ang iyong bag o pitaka dahil ito ay malas. Lagi raw mawawalan ng laman ang iyong wallet kapag nagkataon.

7.   Huwag magbabayad ng utang sa gabi. Katulad rin ito ng paniniwala na huwag kang maglalabas ng pera kapag takipsilim dahil sa paniniwalang magtutuloy-tuloy ang paglabas ng pera mo.

8.   Sa sandaling makakita ka ng shooting star o bulalakaw, ibalot mo ang pera o baryang dala mo sa isang panyo. Ang perang ito ay magsisilbing pampuswerte sa sugal.

9.   Iayos ang bills sa iyong pitaka mula sa mataas na amount pababa. Sinasabing susuwertihin ka kapag ginawa mo ito.

10.  Huwag magbabayad ng utang sa unang araw ng buwan. Kahalintulad ito ng hindi pagbabayad ng utang sa gabi, dahil ikaw ay mamalasin.

11.    Kapag ikaw ay bagong lipat ng bahay, magpagulong ka ng mga barya sa pintuan bago kayo pumasok. Simbolo ito ng  mga paggulong ng mga suwerte at pagpapala papasok sa inyong bagong tahanan.

12.    Mainam na maglagay ng mga halamang may mabibilog na dahon sa loob ng bahay dahil ito raw ay simbolo ng pera.

13.   Huwag magpapatong ng pera sa hapagkainan, lalo na kapag may kumakain dahil nakabibigat raw ito sa buhay.

14.    Masuwerte raw ang mga itim na langgam. Ayon sa Chinese belief, ang pagpasok ng mga itim na langgam sa inyong bahay ay kahalintulad ng pagpasok ng maraming pera.

15.    Gamitin ang kanang kamay sa pagbabayad; at kaliwang kamay naman kapag tatanggap ka ng pera. Ayon sa paniniwala, babalansehin nito ang magaang na pasok at labas.

Bagama’t walang scientific basis ang mga pamahiin, marami pa rin ang naniniwala at sumusunod rito. Naging bahagi na ito ng subconscious ng ilan, kaya kahit walang basehan ay ginagawa na rin. Katuwiran ng mga niniwala, wala namang mawawala.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.