By: Mia Salonga
Noong nasa 20’s ako nilalampasan ko lang parati ang mga articles na nadadaanan ko sa mga magazines o sa internet tungkol sa anti-aging tips, secrets and practices. Hindi pa naman kasi nagpapakita ang mga wrinkles sa mukha ko at feeling ko rosy and glowing naman ang skin ko. Pero ngayong nasa 30’s na ako, ayaw na paawat ang mga pesteng linya sa pagi-invade sa mukha ko . At ang dating rosy and glowing skin ay naging dull and dry. Kaya ang mga anti-aging articles na nilalampasan ko lang noon ay ginu-google ko na ngayon.
May isa akong kaibigan na minsang nagsabi sa akin, “I wish we could just be forever young”. Napaisip akong bigla posible nga kayang maging forever young tayo? Sa tuwing nakikita ko si Alice Dixson naiisip ko posible. Pero kaagad akong binubulyawan ng katotohanan na hindi ako si Alice Dixson. Wala akong genes ni Alice!
Harapin na natin ang katotohanan, hindi tayo puwedeng maging forever young, tatanda at tatanda tayo. Mangungulubot at mamumuti ang mga buhok natin. Pero puwede nating i-delay ang aging process kung magkakaroon tayo ng disiplina at kasipagan. Kaya i-check ninyo itong ilan sa mga anti-aging tips na nakalap ko. Malay mo maging posible sa’yo ang pagiging forever young.
- BAWASAN ANG PAGBIBILAD NG SARILI SA ARAW
Ayon sa mga dermatologists, ang UV exposure ay ang numero unong nagpapatanda sa ating balat. Sinisira nito ang elastin na nagdudulot ng pagkawala ng collagen, dahilan para humumpak ang ating mga mukha at dumami ang ating mga wrinkles. Ang matagal ding pagbibilad sa araw ay nagdudulot ng pagkakaroon ng dark spots.
Kung hindi maiiwasan na ma-expose sa araw, siguraduhing bago mabilad, maglagay ng sunblock na may SPF na at least 30. Ipahid ang isang kutsarang sunblock sa mukha, leeg at tainga. Hangga’t maaari iwasan ang mabilad sa araw mula 10am-4pm dahil ito ang mga oras kung kailan matindi ang UV rays.
- IWASAN ANG WHITE SUGAR
Ito na yata ang pinakamahirap sa lahat ng anti-aging tips. Ang sarap kaya ng dessert kaso ang white sugar ay nakakabilis ng pagtanda. Pinahihina nito ang collagen sa balat na nagiging dahilan ng paglabas ng premature wrinkles at paglawlaw ng balat. Kung hindi talaga maiwasan ang white sugar, at least limitahan na lang ang pag-consume nito.
- BAWASAN ANG PAG-CONSUME NG SALT
Kung ayaw mong maging bloated ang pakiramdam mo o mamaga ang mukha mo, bawasan ang pag-consume ng mga pagkaing may mataas na sodium content. Bukod sa gagaan ang pakiramdam mo at magi-improve ang itsura mo, maiiwasan mo pa ang high blood pressure at stroke.
- MAGLAGAY NG LIMIT SA PAG-INOM NG ALAK
Kung ayaw mong magkaroon ng dry, dull, sallow skin, itigil o limitahan ang pag-inom ng alak. Dine-dehydrate kasi ng alkohol ang katawan na nagbibigay ng ganoong klaseng itsura. Mag-ingat lalo sa pag-inom ng white wine dahil ang acid nito ay nakaka-damage ng enamel ng ngipin.
- GUMAMIT NG EYE CREAM
Siguro iniisip niyo bakit pa kailangan ng eye cream kung gumagamit ka na naman ng face cream.
Kung minsan kasi ang mga face creams ay masyadong harsh para sa delicate skin sa eye area. Kaya mabuting gumamit ng creams na ginawa talaga para sa ating mga mata. Ito ay mabisang pang-reduce ng mga fine lines sa paligid ng ating mga mata.
- ALAGAAN ANG KAMAY TULAD NG PAG-AALAGA SA MUKHA
Kung minsan masyado tayong naka-focus sa pagpapabata ng ating mga mukha at nakakalimutan na nating alagaan ang ating mga kamay na kinakikitaan din ng mga senyales ng aging. Kung mage-exfoliate ng mukha, huwag kalimutang i-exfoliate rin ang kamay. At kung maglalagay ng mask sa mukha, gawin din ito sa kamay. Siyempre huwag kalilimutan ang hand cream para ma ma-moisturize ang kamay.
- IWASAN ANG PAGGAMIT NG STRAW
Sino ba naman ang mag-aakala na ang simpleng paggamit ng straw ay nagdudulot pala ng pagtanda? Dahil sa paulit-ulit nating paggamit sa facial muscles sa tuwing humihigop tayo mula sa straw, nagde-develop ang fine lines at wrinkles sa gilid ng bibig. Kaya iwas-iwas na tayo sa straw.
- KUMAIN NG KIMCHI
Hindi na nakapagtataka na ang gaganda ng balat ng mga paborito nating Kdrama at Kpop stars, nakakatulong pala ang kimchi sa pagpapaaliwalas ng mukha at pagpapakintab ng buhok. Dahil ito sa selenium na matatagpuan sa bawang na isa sa mga sangkap ng kimchi. Ang patuloy na pagkain ng kimchi ay nakaka-prevent din ng wrinkles.
- KUMAIN NG MGA PAGKAING MAYAMAN SA PROTEIN
Ang mga babae ay dapat kumakain ng 46 grams ng protein araw-araw. Mas marami pa kung ikaw ay buntis, breastfeeding o isang athlete. Nakakatulong ang sapat na protein sa pagbawas o pag-maintain ng timbang. Nakokontrol kasi ang cravings. Nakakatulong din ang protein sa pag-build ng muscle mass na nawawala sa atin habang tumatanda tayo. Pinapakapal din ng protein ang strands ng ating buhok kaya nakakatulong ito sa pagbibigay sa atin ng healthy-looking hair.
Kaya kumain lang ng seafood, eggs, beans, lean meat, soy, milk, yogurt dahil mayaman ang mga ito sa protina.
- KUMAIN NG MGA PAGKAING MAYAMAN SA OMEGA-3 FATTY ACIDS
Bukod sa nakakatulong sa pag-prevent ng cardiovascular diseases, Alzheimer’s disease at dementia, nakakatulong din ito sa pagpapakinis at pagpapabata ng ating balat. Mayroon itong anti-inflammatory effect na nakakatulong sa pagbawas o pagtanggal ng acne. Kumain lang ng tuna, salmon, mackerel, oysters, almonds, walnuts, soybeans, spinach.
- GUMAMIT NG SILK PILLOWCASE SA PAGTULOG.
May kamahalan man ang silk pillowcase kumpara sa kadalasan nating ginagamit na cotton at polyester, good investment naman ito para sa ating mukha. Hinihila kasi ng cotton at polyester ang delicate skin sa ating mukha kaya paggising natin ay mayroon tayong mga marka ng unan sa pisngi. Hindi tulad kapag gumagamit tayo ng silk pillowcase, dumudulas lang ang balat sa unan. Naiiwasan ang friction na nakaka-prevent ng pagporma ng mga linya at kulubot sa ating mukha.
- IWASAN ANG PATAGILID NA PAGTULOG
Mahilig ka bang matulog nang patagilid? Mabuti pang iwasan mo na ‘yan dahil nagdudulot ‘yan ng wrinkles sa bahagi ng mukha kung saan ka natutulog. Nagkakaroon kasi ng friction na nagiging sanhi ng pagporma ng mga linya sa mukha. Mas mabuting humiga ka na lang nang diretso, hindi lang iyon nakaka-prevent ng wrinkles, mabuti rin iyon sa pag-alis ng neck and back pain, at nakaka-prevent din sa pagsa-sag ng breasts.
- MAG-EXERCISE APAT HANGGANG LIMANG BESES ISANG LINGGO
Nakakatamad talagang bumangon sa kama at magbanat ng buto, pero pilitin mo ang sarili mo dahil ang regular na page-ehersisyo ay makakatulong sa pag-iwas natin sa muscle loss. Nagiging maganda rin ang tulog natin sa gabi. Para gawing balanse ang exercise at para hindi ka rin ma-bore sa mga routines, gumawa ka ng mga ilang cardiovascular exercises (running, jogging, brisk walking, swimming, biking) na nakakapagpalakas ng puso at baga, resistance exercises (bodyweight exercises, paggamit ng free weights at weight machines) para sa muscles at siyempre huwag kalilimutan ang stretching bago at pagkatapos ng exercise. Nakakatulong iyon sa pagpapanatili ng ating flexibility.
Ang pagpapawis ay nakaka-release din ng toxins sa katawan na nakapagbibigay sa atin ng healthy-looking skin.
- I-MANAGE NANG MAAYOS ANG STRESS
Akala niyo ba na ang isip lang natin ang naaapektuhan ng stress? Actually pati katawan din natin dahil sa tuwing naii-stress tayo, naglalabas ng hormones ang ating katawan. At ang mga hormones na iyon tulad ng cortisol ay mayroong aging effects. Para maiwasan ang premature aging matulog ka nang mas mahaba. O di kaya subukan mong mag-yoga o mag-meditate ka. Mabisang paraan ang mga ito sa pagma-manage ng stress.
- MAG-EXFOLIATE NANG TAMA
Diba ang sarap ng feeling pagkatapos mag-exfoliate o mag-scrub ng mukha? Akala mo siguro ang linis-linis na ng mukha mo at hindi ka na magkaka-pimples. D’yan ka nagkakamali. Dahil ang labis na page-exfoliate ay maaaring magdulot ng opposite effect. Natatanggal kasi ang healthy skin cells na proteksyon sa ating balat. Ang resulta ay nagiging sobrang sensitive ang ating balat at nagiging prone sa breakouts.
Kung sensitive ang balat mo, ang once a week na page-exfoliate ay sapat na. Pero kung ikaw ay may oily skin, maaari kang mag-exfoliate ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo.
- GUMAMIT NG RETINOID
Kung papipiliin ka ng isang anti-aging product na gagamitin mo, piliin mo ang retinoid. May kakayahan kasi itong pabilisin ang cell renewal at binu-boost nito ang production ng collagen na siyang makapagbibigay sa atin ng youthful-looking skin.
- MAG-MAINTAIN NG TAMANG POSTURE HABANG NAGTE-TEXT
Alam mo ba na ‘yang pagyuko mo habang nagte-text ay makapagbibigay ng wrinkles at fine lines sa leeg mo? Kaya mabuti pang ayusin mo ang posisyon mo habang nagte-text, hawakan mo ang cellphone mo sa eye level. Weird man tignan pero tiis- tiis na lang. Gusto mo bang mangulubot ang leeg mo?
Nakakatulong din ang araw-araw na paga-apply ng firming lotion sa leeg para maiwasan ang pangungulubot. Maghanap ng lotion na may antioxidant content tulad ng shea butter at argan oil.
- BAWASAN ANG PAGGAMIT NG MGA HEAT STYLING TOOLS SA BUHOK
Pagpahingahin naman natin ang ating mga curling iron, flatiron at blowdryer para makapagpahinga rin ang ating buhok. Nagiging dull at dry kasi ang buhok dahil sa init na ibinibigay ng mga styling tools. Ang dull at dry na buhok ay nakakatanda ng ating appearance. Kaya tama na muna ang init, ibalik ang bounce at shine ng ating buhok para maibalik din ang ating pagiging youthful-looking.
- PAPUTIIN ANG NGIPIN
Confident ka pa rin bang ngumiti kung alam mong yellowish at stained ang ngipin mo? Hindi diba? Hindi lang nakakawala ng confidence ang ganitong klaseng ngipin, nakakatanda rin ito. Kaya alisin ang mantsa at paputiin ang ngipin, gumamit ng mga whitening toothpaste o strips at regular na magpa-cleaning sa iyong dentista. Iwasan din ang pag-inom ng red wine, coffee, soda na nakakamantsa sa ngipin.
- VITAMIN C
Ayon sa mga researchers ang mga taong kumukonsumo ng mga pagkaing mayaman sa vitamin C ay mayroong mas kaunting wrinkles at age-related dry skin kumpara sa mga kulang sa vitamin C. Kaya kumain na ng mga superfoods tulad ng citrus, peppers at kale kung gusto mong i-delay ang iyong aging.
Puwede ka ring gumamit ng vitamin C serum sa mukha na napag-alamang mas mabisa sa pag-prevent ng wrinkles kaysa sa pag-inom ng vitamin C.
- MAG-MOISTURIZE BAGO MATUYO ANG BALAT
Kung gusto mong makuha ang maximum benefits mula sa iyong lotion at iba pang moisturizing products, ipahid kaagad iyon sa loob ng tatlong minuto pagkatapos mong mag-shower, bago pa man mag-evaporate ang tubig mula sa iyong balat. Nakakatulong din iyon sa pagse-seal in ng hydration mula sa tubig.
- KUMONSULTA SA DERMATOLOGIST
Kung gusto mo ng mas dramatic na resulta na hindi mo makuha sa mga natural/ home remedies, puwede kang kumonsulta sa dermatologist para mabigyan ka ng payo sa nararapat na anti-aging treatment para sa iyo.