29 C
Manila
Monday, May 27, 2024

My Best Friend Adrian: Chapter 7

Ang Saya-Saya ng kanilang mga magulang

RAIN…”

Bumalik sa kasalukuyan ang gunita ni Rain nang magsalita si Adrian. “Nandito na ang prayer warriors,” natatawang sabi nito.

“Oh,” bulalas niya nang maagtanto niyang sobra siyang nasiyahan sa yakap kay Adrian kaya naman hindi niya namalayan na nasa tapat na sila ng kani-kanilang bahay at nang tumuwid siya sa kanyang pagkakaupo ay nakita niya sa harap ng motor ang kani-kanilang mga magulang.

“Saan kayo galing?”

“Magdamag kayong magkasama?”

“Saan kayo natulog?”

“Anong ginawa ninyo magdamag?”

Sabay-sabay ang tanong na iyon ng kanilang mga magulang kaya hindi na nila malaman kung sinu-sino ang nagbato ng mga katanungang kanilang narinig. Ang tiyak lang ni Rain, hindi galit ang naaaninag niya sa tono ng pananalita ng mga ito kundi pananabik.

Buong ingat siyang inalalayan ni Adrian pababa ng motor at nang bumaba ito ay agad siyang inakbayan para sabihin sa kanilang mga magulang ang mga katagang, “Magpapakasal kami.”

“HINDI mo alam kung gaano mo ako.. kami napaligaya, anak ko,” umiiyak na sabi ni Rosemarie Martinez saka sumulyap sa best friend nitong si Sylvia Fuentabella. Sabi kasi ng mga ito ay walang ibang pinapangarap ang mga ito kundi maging isa silang pamilya at mangyayari lang iyon kapag ikinasal na sila ni Adrian

Ang Mama naman ni Adrian ang nagsalita. “Kahit nagkaroon ka ng Karl at si Adrian naman ay walang tigil sa pambababae, hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asa na sa huli ay kayo na rin ang magkakatuluyan. Iba talaga ang nangyayari kapag idinadaan sa matinding dasal.”

Walang maapuhap sabihin si Rain sa dalawang babaeng kaharap. Ewan niya kung hindi lang talaga siya makasingit sa kuwentuhan o mas nag-e-enjoy siya sa pakikinig sa dalawang babaeng malapit sa kanyang puso. O naglalakbay din ang kanyang isipan niya papunta kay Adrian na kakuwentuhan naman ng kanilang mga ama.

“Paano nga pala siya?” tanong ng kanyang ina.

Hindi niya magawang tingnan ito ng sabihin niyang. “We broke up.”

“Dahil kay Adrian,” natutuwang sabi nito.

Mas minabuti niyang tumango na lang para hindi na nito malaman pa ang nangyari. Masakit din naman kasi sa kanya ‘yung nagtiwala siya sa maling tao.

“Hindi ko rin naman talaga gusto ang lalaking iyon para sa’yo.” sabi ng kanyang ina na nakaingos pa, Lukot ang ilong. Tandang buwisit ito sa lalaking kanilang pinag-uusapan.

“At nakikita ko rin kung paanong nagwawala si Adrian kapag magkasama kayo nu’ng Karl.Kaya sa ibang babae binabaling ang atensyon.” Ngiting-ngiting pagbubuking naman ng Mama ni Adrian.

Samantala, gustung-gusto na mag-excuse ni Adrian sa ama at magiging biyenan dahil wala siyang ibang gustong gawin ng mga oras na iyon kundi makasama si Rain. Hindi in mawala-wala sa kanyang isip ang ‘ginawa’ nito sa kanya. Parang ibig din ng alaga niyang mahawakan na naman ng ‘amo’ nito.

“Kapag kasal na kayo ni Rain dapat ay maging matino ka na.” mariing sabi ng kanyang ama — si Juanito Fuentabella

“Papa naman baka mamaya niyan ay hindi na pumayag si Tito na pakasalan ko si Rain,” marahang sabi ni Francisco Martinez.

“Basta huwag mong paiiyakin ang anak ko dahil oras na niloko mo siya, babawiin ko si Rain.”

“Hinding-hindi ho mangyayari ang sinasabi ninyo Mahal na mahal ko ho si Rain,” wika niya saka biglang natigilan. Para kasing ang daling lumabas sa kanyang bibig ang mga salitang iyon. Kunsabagay, talaga namang mahal niya si Rain dahil matalik niya itong kaibigan.

Tumangu-tango naman ang ama ni Rain. “Mabuti at nagkakaintindihan tayo.”

Agad na nagsalikop ang mga kamay ni Adrian at Rain nang magtagpo sila. Tapos na ang interview sa kanila ng mga magulang at ngayon ay nasa hapag kainan na sila at kumakain na. Ang simpleng dinner ay naging pamamanhikan na rin

“Akong nahihirapan sa inyo, alam n’yo ba?” wika ni Rosemarie habang pinagliliat-lipat kina Adrian at Rain ang tingin ngunit hindi naman galit ang tono, natutuwa pa nga at parang kilig na kilig.

“Bakit naman, Ma?” nagtataka pang tanong ni Rain.

Ang lapad ng ngiti nito ng muling magtanong. “Kumakain lang, kailangan magka-holding hands pa?”

Sabay na napatingin sina Adrian at Rain sa kanilang mga kamay. Hindi nila namalayan na magkahawak kamay pa rin sila. Ngunit, hindi naman nila makuhang bawiin ang kamay ng isa’t isa lalo pa’t mas hinigpitan ni Adrian ang pagkakahawak sa kanyang palad.

“Para sweet” ani Adrian na lalo pang tinamisan ang ngiti.

MATAPOS ang isang buwan ay itinakda na ang pag-iisang dibdib nina Adrian at Rain.

Nais sana ni Rain na gawing simple lang ang kanilang kasal dahil hindi naman niya pinangarap ang magarbong kasal. Para sa kanya ay tama na ikakasal siya sa lalaking mahal na mahal niya at mabasbasan ang kanilang pagsasama. Kaya lang ay ayaw pumayag ng mga biyenan niya sa simpleng kasal. Isang beses lang daw silang ikakasal kaya dapat daw ay bongga na.

Sa tingin naman ni Adrian kahit kumontra siya ay wala naman siyang magagawa dahil sabik talaga ang mga magulang nila na mauwi sila sa dambana. Ang nakakainis lang ay iyong naniniwala ang mga nanay nila ni Rain sa pamahiin kaya sa loob ng dalawang linggo ay hindi sila pinahintulutang magsama. Phone calls lang ang communication sila dahil bawal din daw ang video calls dahil hindi sila maaaring magkita hanggang sa araw ng kanilang kasal.

Imagine that!

Halik at holding hands na nga lang ang pinagsasaluhan nila ni Rain kapag magkasama sila, naawat pa.

Mas nakaramdam pa ng pagkaasar si Adrian nang sabihin sa kanya ni Rain na nagsusulat na ito ng erotic stories.Tapos ay ipinagmalaki pa nito sa kanya na nanood ito ng porn Ewan lang niya kung totoo iyon o inaasar lang siya. Basta ang alam niya ay nag-iinit ang kanyang ulo.

Sa dalawang linggo na iyon tuloy ay daig pa niya ang nakakulong sa impiyerno. At kahit na anong request niya sa kanyang mga magulang ay hindi siya pinayagan ng mga itong lumipat kina Rain kahit sampung minuto lang ang hiling niya.

“Gusto mo bang hindi matuloy ang kasal ninyo?” mahinahong tanong ng ina niya kapag inatake siya ng pangungulit. Hindi na talaga siya sanay na malayo kay Rain.

“No way!” gilalas niyang sigaw. Sigurado kasi siyang si Rain lang ang gugustuhin niyang makasama sa habambuhay

“Magtiis ka,” nang-aasar namang sasabihin ng kanyang Papa.

At ngayon ang araw ng pagtatapos ng kanyang pagtitiis. Umaabot nga sa tenga ang kanyang pagngiti habang naglalakad palapit sa kanya ang babaeng kapalitan niya ng I do — si Rain Martinez.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.