28.2 C
Manila
Wednesday, June 19, 2024

Mga Natural na Pampaputi ng Balat

Likas na sa ating mga Pilipino ang maghangad ng maganda, makinis at maputing balat para sa ating sarili. Ito ay hindi lang para maging maganda ang tingin sa atin ng ibang tao kundi para na rin madagdagan ang kumpiyansa natin sa ating mga sarili. Kung hindi mo afford na makabili ng mga mamahaling pampaputi ay meron ka namang magagamit na siguradong kayang-kaya na ng iyong bulsa at kung meron ka nga nito sa bakuran o sa kusina ay hindi mo na kailangang gumastos.

Tulad na lang ng KALAMANSI. Kung plano mo na gamitin ito para sa iyong balat, mas mainam kung magtatanim ka na lang nito sa iyong bakuran upang hindi ka na bumili. Siguradong malaki ang matitipid mo. Ang katas ng kalamansi na nagtataglay ng vitamin C ay kilalang kilala na mahusay sa pagpapaputi at pagpapakinis ng balat. Ang antioxidants din na taglay nito ang siya naman pumoprotekta sa ating balat mula sa nakakasirang free radicals.

Isa rin ang PAPAYA sa mahusay na pampaputi. Dahil naman ito sa sustansyang papein na taglay nito. Tulad ng kalamansi, kailangan mo lang itong ipahid sa iyong katawan at patuyuin bago banlawan.

Gayundin ang PIPINO bata man o matanda ay maaring gumamit ng pipino bilang pampaputi. Hiwain lamang ito at itapal sa kung saang bahagi man ng iyong katawan ang nais mong paputiin. Mahusay rin itong pampawala ng eyebags sa ating mga mata.

Isang Mahusay din na pampaganda ng kutis ang BIGAS. Dahil naman ito sa taglay nitong para-aminobenzoic acid. Isa itong natural na sunscreen na siyang humaharang sa hindi magandang epekto ng araw sa ating balat.

Nakakatulong din ito na pataasin ang Vitamin C na natatanggap ng ating balat. Kailangan mo lang durugin ang bigas sa maligamgam na tubig. Kapag naging malapot na ito ay saka mo ito ipapahid sa iyong katawan o sa mga bahagi ng iyong katawan na nais mong pumuti.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.