Ang prinsipyo ng feng shui ay maaaring i-apply sa makeup at skin and hair care upang maging attractive at mahatak ang positive chi energy sa iyong buhay. May kasabihan na beauty is in the eye of the beholder, at marami kang maaaring gawin upang ma-emphasize mo ang iyong best features.
1. Mag-apply ng makeup sa auspicious (favorable) directions. Ipinayo ng Feng Shui guru Lilian Too na ugaliing maupo sa alinman sa apat na auspicious directions sa tuwing maga-apply ng makeup. Una, hanapin ang iyong kua number. Upang malaman mo kung ano ang iyong Kua Number, i-check ang Kua Chart (maaaring tingnan sa internet) upang malaman mo ang angkop na direksiyon para sa mga sumusunod na auspicious (favorable) directions.
Personal growth (Fu Wei) direction
Wealth (Sheng Chi) direction
Health (Tien Yi) direction
Love (Nien Yen) direction
Mag-apply ng makeup sa direksiyon na nais mong i-attract. Halimbawa, kung nais mong ma-attract ang chi energy for love, sa direksiyon na iyon ikaw humarap habang naga-apply ng makeup.
2. Ideal Feng Shui Lips. Ang facial balance ay maaaring matamo sa pamamagitan ng wastong pag-apply ng makeup. Ang angkop na paglalagay ng makeup sa mukha ay makalilikha ng ideal feng shui face. Ang iyong labi o lips ang isa sa pinakamahalagang facial feature. Ipinapayo ang pagkakaroon ng full lips, ngunit tiyakin na hindi ito masyadong nakabusagra. Dapat ay balance ang laki nito at proportion sa iba mo pang facial features.
3. Feng Shui Facial Cleansing. Ayon sa prinsipyo ng feng shui, ang kinis at gaspang ng iyong mukha ay makapagsasabi kung gaano ka-swabe o kalubak ang itatakbo ng iyong buhay. Kung ikaw ay may blemishes, pinaniniwalaan sa feng shui na hindi magiging smooth ang takbo ng buhay mo. Samakatuwid, ang pagpapanatiling makinis at smooth ng iyong mukha ay mahalaga sa feng shui. Upang ma-achieve ang smooth and silky skin, importanteng ikonsidera ang feng shui facial cleansing. Ugaling maghilamos bago matulog sa gabi. Gumamit ng mga angkop na facial cleansing agent upang matanggal ang anumang dumi na naiwan sa balat. Ugaliin din ang paggamit ng moisturizer upang maging makinis at smooth hindi lamang ang balat mo kundi maging ang life path mo, alinsunod sa feng shui way.
4. Kilay is Life. Sa feng shui principles, bukod sa nakapagpapaganda ng facial features, ang mga kilay ay may iba pang ginagampanan dahil ang mga ito ay nagproprotekta sa iyong from emotional and physical trauma. Alinsunod sa feng shui grooming principles, ipinagbabawal ang pagbubunot at pag-aahit ng kilay. Ayon sa feng shui, mas makapal ang kilay ay mas maganda. Suwerte rin kung ang kilay mo ay paarko at tumutubo pataas.
5. Say No to Bangs. Ayon sa feng shui, ang noo natin ay itinuturing na lucky feature ng ating mukha. Sa katunayan, ito ay nagsisilbing potential magnet to attract good luck. Samakatuwid, iwasang matakpan ito ng buhok upang tuloy-tuloy lamang ang daloy ng chi energy sa iyong buhay.