Tayong mga Pilipino ay sadyang mahilig sa pampaganda.Kaya naman patuloy tayo sa pagtuklas sa mga bagay na maaaring makatulong sa atin sa pag-improve ng ating panlabas at panloob na kaanyuan. Ang gatas ay nagtataglay ng iba’t-ibang klaseng bitamina at mineral.Masarap itong inumin lalo na kung mainit-init pa. Subalit hindi ito dapat pakuluin ng matagal dahil ang enzyme structure nito ay maaring mabago. Mayaman ang gatas sa calcium, phosphorous, at minerals. Kailangan natin ang mga ito upang tumibay ang ating buto, ngipin at mga kalamnan. Bukod dito ay nagtataglay din ang gatas ng protina at bitamina A, B at D.
Ang itlog naman ay tinaguriang ‘superfood’ dahil sa napakarami nitong taglay na nutrients at vitamins na makakatulong syempre sa ating kalusugan. Mayaman ito sa Vitamin B, C, D,E, at K. Isang itlog lang sa isang araw ay napakalaking tulong na sa ating katawan.
Bukod sa mga benepisyong ito na nakukuha natin sa gatas at itlog, may iba pa silang gamit na maaaring alam nyo o hindi nyo pa alam. Ito ay bilang pampaganda. Narito ang paraan.
1.Maingat na basagin ang hilaw na itlog at ihiwalay ang puti sa dilaw. Ang dilaw ay maaari mong iprito para kainin habang ang puti ang siya mong gagamitin sa iyong mukha.
2.Ipahid ang puti ng itlog sa bawat sulok ng iyong mukha. Kapag nangangapal na ang pakiramdam mo ay hayaan mo muna itong nakababad sa iyong mukha ng hanggang sampung minuto o higit pa. Mas mainam kung mas matagal.
3.Kapag natuyo na ang puti ng itlog sa’yong mukha ay maari mo na itong tuklapin o kaya ay hilamusan ng buhay na tubig.
4. Pagkatapos mong ihilamos ang buhay na tubig ay saka ka naman maghihilamos ng tinimplang gatas na walang asukal ha. Mas mainam gamitin ang mga fresh milk kaysa sa tinimplang powder.
5. Matapos mong maghilamos ng gatas ay palipasin mo muna ang 15 hanggang 30 minutes bago ito banlawan ng buhay na tubig.
Maaari mo itong gawin tuwing gabi bago ka matulog at sa loob lamang ng isang linggo ay makikita mo na agad ang resulta. Paaalala lamang na ang pagpupuyat ay hindi nakakaganda ng ating kutis lalo na sa ating mukha kaya iwasan ito hangga’t maaari. Ang paalalang ito ay upang higit na maging epektibo ang mga paraang sinusubukan natin sa pagpapaganda ng ating kutis. Ang proseso ng itlog at gatas ay maaari din gawin sa buong katawan tuwing maliligo subalit maraming gatas at itlog ang magagamit natin kung gagamitin natin ito sa buong katawan kaya kung wala kang budget ay subukan mo na lang muna ito sa iyong mukha.