27.3 C
Manila
Wednesday, September 11, 2024

BEAUTY BENEFITS MULA SA AVOCADO

By: Mia Salonga

Isa ang avocado sa healthiest natural ingredients. Nakakababa ito ng cholesterol, nagre-regulate ng blood pressure, nilalabanan ang obesity, at ginuguwardiyahan ang katawan laban sa stroke at heart disease. Pero ang pear-shaped fruit na ito ay marami ring benepisyo sa balat at buhok. Sa katotohanan, maraming natural skin care products ang mayroong avocado oil.

Ang mga sumusunod ang beauty benefits ng avocado:

NOURISHES DRY SKIN

Ang avocado ay nakakalambot at nakakapag-hydrate ng dry na balat. Ang fatty acids ay madaling nakaka-penetrate sa loob ng balat na nagpe-prevent ng pagkawala ng moisture. Maaari itong gamitin ng kahit anong skin types:

  1. Mash 1 to 2 ripe avocados gamit ang tinidor hanggang magkaroon ng makinis na texture.
  2. Magdagdag ng konting honey para makagawa ng face mask.
  3. I-apply ang mixture at ibabad sa balat sa loob ng 20 hanggang 30 minutos.
  4. Banlawan ng maligamgam na tubig.
  5. Ulitin 2 hanggang 3 beses kada linggo.

Ang pagkain rin ng avocado ay nakakalambot at nakakapagpa-glow ng balat.

TREATS DRY AND DAMAGED HAIR

Kung dry at damaged ang iyong buhok, gumamit ng avocado para i-restore ang beauty at health nito. Ang healthy fats, vitamins at protein ng avocado ay nakaka-moisturize ng dry hair shaft at nakaka-stimulate ng pagtubo ng buhok. Nakakatulong din ito sa pagsu-soothe ng frizzy at unruly hair.

  1. I-scoop ang pulp ng ripe avocado. I-mash at i-blend mabuti hanggang magkaroon ng smooth consistency.
  2. Ihalo ang tigi-isang teaspoon ng wheat-germ oil at jojoba oil sa paste.
  3. I-apply ang paste sa medyo basang buhok, mula roots hanggang tips.
  4. Maglagay ng shower cap sa loob ng 30 to 40 minutes.
  5. I-shampoo ang buhok at banlawan gamit ang maligamgam na tubig.
  6. Gawin ang remedy na ito isa hanggang dalawang beses kada linggo.

SLOWS THE AGING PROCESS

Dahil sa dami ng antioxidants at potent anti-aging properties ng avocado nakakatulong ito sa pagre-reverse ng aging. Ini-improve nito ang production ng collagen na nakakapag-maintain ng elasticity at firmness ng balat. Pinabibilis din nito ang pagge-generate ng new cells at pagpo-promote ng sirkulasyon sa katawan.

Maaaring gamitin ang avocado oil bilang pangmasahe ng katawan. Isama rin ang avocado sa iyong diet.

FADES SCARS AND SPOTS

Nakakatulong ang avocado sa pagbubura ng scars and spots na maaaring lumabas sa balat dahil sa acne, pimples, eczema, minor burns, cuts or scrapes.

Ang vitamin E o Omega-3 fatty acids ng avocado ay nakakatulong sa pagre-repair ng damaged tissue at ini-improve ang appearance ng scars. Pinabibilis din nito ang paggaling at pine-prevent ang pagporma ng bagong peklat.

  1. Blend ½ ripe avocado (peeled), ang juice ng ½ lemon at ang laman ng ilang piraso ng vitamin E capsules hanggang maging smooth paste.
  2. Banlawan ang apektadong bahagi ng balat ng maligamgam na tubig at tuyuin.
  3. Imasahe ang avocado mixture sa affected area.
  4. Hayaan itong matuyo nang tuluyan saka banlawan ng maligamgam na tubig.
  5. Gawin ito tatlo hanggang apat na beses bawat linggo para magkaroon ng clear, flawless skin.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.