27.5 C
Manila
Sunday, June 23, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Mayo 26, 2024

DAGA (RAT)

Ikaw ang maaatasan ng iyong boss na magdeliver ng isang napakahalagang bagay sa isang bigating kliyente. Kaya naman mapepressure ka ng husto at ipapanalangin mo na sana ay magawa mo ng maayos at ligtas ang iyong trabaho.

Masuwerteng numero; 9,10,13,25

BAKA (OX)

Magiging ligtas ka ngayon sa pagkompronta ng isang kamag-anak na nakatatanda sa’yo dahil may pagkakaabalahan siyang bagay. Pero hindi ibig sabihin ay makakalimot na siya. Kailangan mong paghandaan ang iyong paliwanag.

Masuwerteng numero; 20,30,33,45

TIGRE (TIGER)

Sa panahong ito na dumadaan kayo sa krisis ng buo mong pamilya ay marerealize mo kung gaano kahalaga ang bawat isa sa inyo. Lalo mo silang mamahalin at magdedesisyon ka na gawin ang lahat para sa kanila.

Masuwerteng numero; 6,16,20,23

KUNEHO (RABBIT)

Mapapalapit ka sa isang tao na hindi mo gusto. Pero wala kang ibang mapagpipilian. Kakailanganin mo siyang pakisamahan sa ayaw at sa gusto mo dahil magkakasama kayo ng medyo matagal sa trabaho bilang magkagrupo.

Masuwerteng numero; 45,47,50,51

DRAGON (DRAGON)

Makapagbibigay ka ng inspirasyon sa iba nang hindi mo sinasadya. May magagawa kang mabuti sa kanyang paningin na hahangaan niya at nanaisin niyang tularan. Kaya naman makakatanggap ka ng papuri mula sa kanya.

Masuwerteng numero; 14,20,22,25

AHAS (SNAKE)

Hindi mo makokontrol ang sariling emosyon sa harap ng isang tao na may malaking nagawa sa iyong buhay. Mapapaiyak sa kanyang harapan at magpapasalamat sa kanya. Sa araw na ito ay magiging emosyonal ka.

Masuwerteng numero; 35,39,44,50

KABAYO (HORSE)

Hindi mo maiiwasan ikumpara ang dati mong buhay sa iyong kasalukuyan.Kaya mare-realize mo kung gaano na kalaki ang ipinagbago nito. Meron kang ipagpapasalamat at meron ka rin namang ipagkikibit balikat na lang.

Masuwerteng numero; 15,20,25,30

TUPA (SHEEP)

Malaki ang hamon na iyong haharapin kaugnay sa iyong trabaho. Kung dati ay hirap ka na sa pagpasok at pag-uwi ay doble pang hirap ang mararanasan mo ngayon. Pero ni hindi sasagi sa isip mo ang sumuko. Gusto mo pa rin ang iyong trabaho.

Masuwerteng numero; 2,3,14,15

UNGGOY (MONKEY)

Magiging mahirap para sa’yo na talikuran ang kasalukuyan mong trabaho dahil wala kang ibang option para ipalit dito. Kaya naman sa halip na bitawan ito ay iisip ka na lang ng paraan kung paano ito mapapadali.

Masuwerteng numero; 10,19,23,24

TANDANG (ROOSTER)

Ang buong atensyon mo sa araw na ito ay mapopokus sa pagluluto. Kung dati ay nais mo lang itong gawin para sa iyong mga mahal sa buhay, ngayon ay pag-iisipan mo na kung paano ito makakatulong sa inyong kabuhayan.

Masuwerteng numero; 7,17,40,43

ASO (DOG)

Isang kilalang tao ang makakadaupang palad mo ngayon. Marami kang gustong sabihin sa kanya pero hindi ka mabibigyan ng pagkakataon na masabi ito. Kulang ang oras ng inyong pagkikita at marami ring sagabal.

Masuwerteng numero; 50,59,67,68

BABOY (PIG)

Patuloy ang pakikipagnegosasyon mo sa isang tao na nakakaangat sa buhay. Hindi ka susuko hangga’t hindi mo naisasara ang deal sa kanya. Kaya naman sa araw na ito ay gagawin mong puspusan ang pakikipag-usap.

Masuwerteng numero; 34,40,49,60

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.