27.8 C
Manila
Tuesday, September 10, 2024

My Best Friend Adrian: Chapter 11

Ang Emosyon

BAGO nakapagtanong ng ‘ano?’ si Rain ay nag-walkout na si Adrian . Pabalibag pa nitong isinara ang pintuan na nagpapahiwatig ng matinding galit. Sa isang saglit tuloy ay gusto niyang sundan ito at sabihing wala siyang pakialam kay Karl. Ang dahilan lang naman kaya siya lumuluha ay dahil sa guilt na kanyang nararamdaman. Tiyak kasi niyang kung kay Adrian niya ibinigay si Kitty, hindi ito papatayin.

Tiyak niyang sinadyang patayin ang pusa dahil laslas ang leeg nito.

Ngunit ngayong nag-aalburoto ang pinakamamahal niyang asawa, nawala na kay Kitty ang kanyang atensyon. Kaya naman mabilis niyang pinahid ang luha, lumabas ng silid at hinagilap si Adrian.Napabuntunghininga siya nang matagpuan si Adrian sa may bar. Ganoon si Adrian kapag may problema, alak ang agad na hinahagilap.

Ewan nga lang niya kung hindi ba nito talaga napansin ang paglapit niya o ayaw lang siya nitong pansinin. Sa kaalamang binabalewala nito ang kanyang presensya ay nagpapabigat ng husto sa kanyang damdamin. Ganitong-ganito ang nararamdaman niya kapag may bago na naman itong idini-date.

“Adrian..”

“Bakit?” Malamig nitong tanong.

“Bati na tayo.”

Hindi ito sumagot. Muli nagsalin ito ng alak.

“Masama sa katawan ang alak.”

Hindi pa rin ito kumibo

Nakagat niya ang ang pang-ibabang labi dahil parang gusto na niyang umiyak. Lahat ng sakit ay kanyang titiisin, huwag lang ang tampo ni Adrian. Kaya naman unti-unti na naman siyang nakakaramdam ng inis sa kanyang sarili. Pakiramdam niya ay puro kapalpakan ang ginagawa niya kaya maraming nilalang ang nadadamay sa desisyon niya.

Kakalagok pa lang nito ng alak ay muli na naman itong nagsalin sa wine glass. Sa inis tuloy niya ay hinablot niya iyon at siya naman ang tumungga.

“Hey–,” gulat na sabi ni Adrian.

“SHIT!” bulalas ni Adrian.

Masyado siyang nagku-concentrate sa sakit na nararamdaman niya kaya nagulat na lang siya ng biglang agawin ni Rain ang wine glass na sinalinan niya ng alak. Dinamihan pa niya iyon dahil gusto niyang tablan agad siya ng kalasingan. Para kahit papaano ay malimutan niya ang sakit na nararamdaman.

Ngunit, paano niya magagawa iyon ngayon kung inagaw iyon sa kanya ni Rain?

“Ayaw mo akong pansinin, di huwag!” singhal nito sa kanya.

Muli siyang napamura nang mapagmasdan niya bigla ang hitsura ni Rain. Namumula ang mga mata nito. Ibig sabihin ay nalasing na ito. Mayroon kasi itong low tolerance pagdating sa alak o sa kung anumang inuming nakakalasing. At napatunayan niya iyon noon sa party ni Emily noon

Kakaiba kasi ang kilos ni Rain matapos niya itong makitang tumungga ng alak at makipagsayaw sa partner nito na halatang nagti-take advantage na sa kalasingan ni Rain kaya agad niya itong inagaw. Nang magalit pa ang lalaki sa kanyang pakikialam ay hindi na siya nakapagpigil at naundayan niya ito ng sunud-sunod na suntok. Kung hindi nga siya naawat ng ibang guest doon ay siguradong mabubugbog niya ito ng husto

“Hindi lang kita pinansin uminom ka na.” Shit, bulalas niya sa isip ng bigla itong humagulgol. Para tuloy yelong natunaw ang sama ng loob niya. Ibig na niyang bugbugin ang sarili sa kaalamang siya ang dahilan ng pagluha nito.

“Manhid ka kasi!” wika nitong paekis ekis na ang paglakad.

Alam niyang anumang sandali ay babagsak na ito kaya’t binuhat na niya ito ng walang sabi-sabi. Alam niyang magwawala ito kaya’t ang paraan ng pagbuhat niya rito ay iyong parang nagbibitbit siya ng isang kabang bigas.

At hindi na siya nagkamali dahil panay ang suntok nito ngayon sa kanyang likod ngunit hindi niya inintindi iyon. Mahina pa ang suntok na ginawa nito kumpara sa sakit na nararamdaman niya kapag nakikita niya itong lumuluha.

“Magpahinga ka na.”

“Magpahinga?Di ba may sex marathon tayo?”

Napasinghap siya sa narinig. Paano ay nai-imagine na niya ang hubad nitong katawan at parang naririnig na niya ang pag-ungol nito. Ipinilig niya ang ulo sa kaisipang iyon. “Ayokong makipag-love making sa asawa kong lasing.”

Tumalim ang tingin nito sa kanya. “Ang sabihin mo, nagsasawa ka na sa akin.”

Kitang-kita niya ang pagdaramdam sa mukha nito kaya parang gusto na niyang burahin iyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng maaalab na halik at mahihigpit niyang yakap. Ngunit hindi siya ang tipo ng lalaking nakikipaghalikan sa lasing. Kahit pa sabihing asawa naman niya si Rain.

“Hindi ako kailanman magsasawa sa’yo.”

“Bakit, dahil alam mong ako lang ang magtitiyaga sa’yo? Dahil alam mong hindi kita iiwan tulag ng ginawa sa’yo ng first girlfriend mong best friend ng pinsan mo.”

Hindi siya nakakibo. Hindi niya nasabi dito ang tunay na dahilan kaya nakipagbreak siya kay Veronicana-realize niyang nagagalit lang niya ang tunay na damdamin para kay Rain.

Dahil mahal kita! Gusto niyang isigaw dito pero hindi niya magawa. Parang may pumipigil sa kanya. Malamang ang ego niya.

“Alam mo ba kung bakit kita pinakasalan, ha?”

Hindi siya nagtanong dahil ayaw niyang marinig dito ang mga salitang gusto lang nitong kalimutan si Karl. Tiyak niyang hindi niya kakayanin ang sakit.

“Dahil mahal na mahal kitang manhid ka!” sigaw nito.

PARANG bombang sumabog sa kanyang pandinig ang sinabing iyon ni Rain. Mahal siya nito?

Kahit naman ilang beses na niyang narinig ang pag-I love you nito habang nagtatalik sila ay parang ayaw nu’n rumehistro sa kanyang utak. Siguro dahil iniisip niyang obligasyon lang nito kaya ibinubulas ang mga salitang iyon Eh, bakit ngayon ay gusto niyang paniwalaan ang mga sinasabi ni Rain gayung lasing lang ito?

Sabi ng isip niya, kapag nasa ilalim ng espiritu ng alak ang isang tao ay saka lang nito nagagawang aminin ang pinakatagu-tagong sikreto. Isa pa, hindi sinungaling si Rain kaya nga natatakot siyang aminin dito ang tunay niyang nadarama dahil baka hindi niya magustuhan ang sasabihin nito.

“Mahal mo ko as in lalaking iniibig mo?” marahan niyang tanong dito.

Umupo ito sa kama, nag-indiyan position. Hindi naman nagsusuka si Rain kapag nalalasing kaya mas matagal ang epekto rito ng alcohol. Iyon nga lang, kahit ang sikretong tinakatatagu-tago nito ay nagagawa nitong ibulalas kapag nalalasing at hindi niya akalain na mas nai-enjoy niya iyon ngayon.

“Ano, duda ka o bingi ka?” buwisit nitong tanong.

Kahit na singhalan o tarayan siya nito ngayon ay wala siyang pakialam. Hindi siya magdaramdam. Mas nakakaramdam pa nga siya ng matinding kasiyahan sa nalaman niya kaya marami pa siyang gustong alamin dito. “Kailan pa?” interesadong tanong niya kaya dama niyang abot-tenga ang kanyang ngiti.

“Di ko na matandaan.”

“Kung magsalita ka parang napakatagal na kaya di mo matandaan.”

“Bata pa ako nu’n, eh.”

Maang siyang napatingin dito.

Humagikgik naman ito. “Hindi ba sa akin mo pa sinabi kung sino ang first crush mo? Lucille yata ang pangalan ng babae na iyon. Mala-kuwago naman ang mata pero nagustuhan.” Nakangusong sabi nito.

Napangisi siya sa alaalang iyon. Kung hindi siya nagkakamali ay 14 siya noon at 12 naman ito. Ang totoo, hindi naman niya talaga gusto ang babaeng sinasabi nito. Sinabi lang niya kay Rain na crush niya ang babaeng hindi na niya matandaan kung Lucille nga ba ang pangalan. Sinabi lang niya iyon kay Rain para may maisagot siya rito nang tanungin siya nito kung sino ang kanyang crush. Hindi kasi niya tiyak kung ano ang magiging reaksyon ni Rain kapag sinabi niya ritong ito ang crush niya. Ayaw niyang masira ang kanilang friendship.

“Pero sorry ka, sinabi ko sa babaeng iyon na umiihi ka pa sa kama kahit na 14 years old ka na. Ayun, na-turn off sa’yo.” Humahagikgik pa nitong sani. Siguro’y dahil naalala ang kalokohan.

“Bakit ginawa mo iyon?” natatawa niyang tanong. Ang sama ng loob na naramdaman niya kanina ay tuluyan nang napalis. Kaligayahan na ang humalili roon. Kaya, kahit hindi siya nakaharap sa salamin, alam niyang nagniningning ang kanyang mga mata.

Ang haba pa ng nguso nito ng sumagot. “Sabi niya kasi crush ka niya tapos nagpapalakad pa sa akin.”

“Bakit di mo ako nilakad?” Kunyari tanong niya pero nag-uumapaw na sa sobrang kasiyahan ang kanyang puso.

“Akin ka lang, no!” Inis nitong sabi sa kanya. Dinuro-duro pa nito ang kanyang dibdib. Ngunit sa halip na mainis, napangiti pa siya. Damang-dama kasi niya ang possessiveness nito.

“Talaga.”

“Ingungudngod ko sa inodoro ang sinumang aagaw sa’yo,” buwisit nitong sabi.

Napangisi siya sa sinabi nito pero may gusto pa siyang malaman dito. “May crush ka rin naman noon di ba? Joross yata ang name.”

“Yuk!”

“Poging-pogi ka nga dun sa mukhang tipaklong na ‘yon,” inis niyang sabi pagkaraan. Hindi niya kasi mapigilan ang makaramdam ng inis kapag nagsasabi ito ng feelings sa isang lalaki. Parang gusto niyang magwala at itanong dito kung hindi ba talaga siya pasado sa standard nito na pwedeng hangaan.

“Sinabi ko lang iyon para may maisagot ako sa’yo. Ayokong pagtawanan mo ako kapag sinabi ko sa’yong ikaw ang crush ko.” Malungkot nitong sabi

Damang-dama niya ang paghihirap ng kalooban nito kaya gusto na niya itong puntahan sa kama, yakapin at sabihing pareho lang sila ng nararamdaman. Na mga bata pa lamang sila ay nilalabanan na niya ang damdamin niya rito.

“Eh, ba’t ka nagka-boyfriend?”

“Marami ka ng girlfriend, eh. Siyempre, kailangan ding may boyfriend ako.” Saglit itong tumigil at tumingin sa malayo. “Ang sakit kasing makita kitang may kasamang iba, masaya. Parang hindi mo na ako kailangan.”

Sa mga narinig niya kay Rain parang gusto na niyang maluha. Damang-dama niya kasi ang naging paghihirap nito. “Hindi ka ba nasaktan sa paghihiwalay ninyo ni Karl?”

“Mas gusto kong maghiwalay kami kaysa naman isuko ko sa kanya ang virginity ko.”

“Bakit?”

“Bingi ka ba?” buwisit nitong tanong sa kanya.

Napangiti naman siya. “Hindi, ah. Malinaw na malinaw kong naririnig ang boses mo.”

“Eh, di dapat alam mo na ang sagot sa tanong mo. Ikaw ang mahal ko kaya dapat sa’yo lang ang virginity ko.” Malalim na buntunghininga ang pinawalan nito tapos ay humikab. “Antok na ko. Sleep na tayo. Yakap mo ako nang mahigpit,ah. Para hindi na ako maagaw sa’yo.”

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.