29.7 C
Manila
Thursday, December 7, 2023

My Best Friend Adrian: Chapter 9

I Need You, Rain

CRUSH na crush ni Rain si Leonardo DiCaprio kaya naman kahit ilang ulit na niyang napanood ang Titanic, hindi pa rin niya ito magawang pagsawaan. Damang-dama kasi niya ang wagas na pag-iibigan nina Jack at Rose.

“Kung makaiyak ka naman diyan parang ako ang namatay,” tudyo sa kanya ni Adrian.

Sa inis niya ay natampal niya ang mukha nito. Madali niyang nagawa iyon dahil nakaunan ito sa kanyang kandungan ay siya naman ay nakaupo sa loveseat. “Huwag kang magbiro ng ganyan,” inis niyang sabi rito.

“Aw!”

“Tse!” Irap niya rito. Dapat ay magalit lang siya pero hindi lang iyon ang kanyang naramdaman. Sobra kasi siyang nakaramdam ng takot.

Natatanta naman bigla si Adrian kaya todo pakiusap nito sa kanya ng, “Huwag ka na kasing umiyak.”

“Hindi ko mapigilan, eh. Ikaw kasi, kung anu-anong sinasabi mo. Ayan tuloy ayaw na maawat ng luha ko,” naninisi niyang sabi. Mahirap siyang paiyakin pero kapag nasimulan na ang kanyang iyak ay mahirap na iyong patigilin.

“May paraan naman.” Nakangising sabi nito.

Pinanlakihan niya ito ng mata. Humigit kumulang ay alam na niya kung anong i ig nitong sabihin. “May usapan tayo, hindi ba? Movie marathon,” aniyang pinakadiinan pa ang dalawang huling kataga.

Ngising-ngisi si Adrian ng sabihin anh mga salitang talaga namang nakapagpabihay ng kanyang dugo. “Pwede namang movie with sex marathon, di ba?”

Ayaw na sana niyang pansinin ang panunukso sa kanya ni Adrian ngunit paano niya magagawa iyon kung dahan-dahan na nitong tinatanggal ang butones ng kanyang polo shirt at dahil nasa harapan ang hook ng kanyang bra ay madali nitong natanggal iyon.

“Hubby…” wika niya. Kahit gaano kaganda ang eksenang kanyang pinapanood ay hindi siya makapag-concentrate sa palabas dahil damang-dama niya ang init ng hininga ni Adrian sa pagitan ng kanyang dibdib.

Nang bumaba ang tingin niya kay Adrian ay agad niyang nasalubong ang mga mata nito. Parang bumbilya na nag-iilaw.

“Nood ka lang.Don’t mind my business,” nang-aasar na sabi ni Adrian at bahagyang tumagilid sa kanya upang masubo ang korona sa kanyang dibdib.

“Adrian,,,” daing niya dahil mas nilakihan pa nito ang subo sa kanyang kanang dibdib habang ang kabila naman ay minamasahe nito. Ang init-init tuloy ng pakiramdam niya. Pakiwari nga niya, isa siyang tubig na pinakukuluan.

“Kailangan mo ng erotic scene, di ba?” Nang-aakit nitong tanong.

Napahagikgik siya sa tinuran nito. Madalas kasi kapag tinutudyo niya ito ng sex ay palagi niyang sinasabi na kailangan niya ng dagdag kaalaman tungkol sa pakikipagtalik para sa kanyang erotic story pero ang totoo, dahilan lang niya iyon. Wala na siyang oras para sa pagsusulat. Gusto niya kasi, nakatuon lang ang atensyon niya kay Adrian kapag sila’y magkasama.

Kapag magkasama lang kayo? Nang-iinis na tanong niya sa sarili. Siyempre, kahit hindi. Ang nais niya kasi ay maramdaman talaga ni Adrian ang kanyang pagmamahal kaya kahit na wala ito sa kanilang bahay ay gumagawa siya ng paraan para mas mapaligaya niya ito.

Unang-una, tatanungin niga siyempre ang kanyang ina kung paanong naging matagumpay ang pagsasama nito at ng kanyang ama. Kailangan pala ng mahabang-mahabang pasensiya.

Napabuntunghininga tuloy. Kung minsan kasi ay madali siyang mapikon lalo na kung hindi nasusunod ang kanyang gusto. Tulad ng sabi ng kanyang ina, hindi na maaari iyon ngayon. Ang kailangan, dalawa sila palagi ni Adrian na magdedesisyon.

Pangalawa, maging the best wife pagdating sa kama. Kaya nga, masyado rin siyang abala sa pagri research ng mga sex positions para hindi magsawa sa kanya si Adrian. Sabi kasi ng isang eksperto kailangang magkasundo kayong mag asawa sa sex para hindi maghanap ng iba si Adrian kaya naman todo-todo ang ginagawa niyang pagsasaliksik para magkaroon talaga sila ng forever ni Adrian.

Kaya, naman lahat na yata ng porn sites ay nabuksan na niya. Mabuti na lang agad niyang nalilinis ang mga virus na pumapasok sa kanilang laptop at computer. At ng minsan siyang sitahin ni Adrian sa panonood niya ng porn site, ang agad niyang dinahilan, kailangan niya ng inspirasyon sa pagsusulat niya. Ewan nga lang niya kung talagang binibili nito ang dahilan niya o ayaw lang nitong mapahiya siya kaya hindi nito masabi na buking na buking nito ang kanyang estilo.

“I-off na natin ang..”

“No!” Putol nito sa kanyang sasabihin.

“Why?”

“Nanonood ka pa.”

“Hindi na si Leonardo ang nakikita ko,” nagrereklamo niyang sabi. Pinapungay pa niya ang kanyang mga mata habang nakatitig dito para masabi kay Adrian na ito lang ang kailangan niya.

Marahang tawa ang pinawalan ni Adrian. “Pagbigyan mo na ako.”

“Saan?”

“Hayaan mo muna akong magpaligaya sa’yo.”

“Pero…”

“Please?”

Tumango na lang siya rito. Kahit noon pa, hindi niya ito matanggihan kapag nakita niya ang tingin nitong nagsusumamo.

Ngisi muna ang pinawalan nito bago umalis sa pagkakahiga sa kanyang kandungan tapos pumuwesto sa harapan ng sofa na kanyang inuupuan

Nakagat niya ang ang-ibaba niyang labi ng paangatin siya nito, hubarin ang kanyang short at underware tapos ay basta na lang itong hinagis sa kung saan.

“Adrian naman..” reklamo niya dahil inalis lang nito ang kamay niyang sumasabunot dito pero isinubsob naman nito ang mukha sa kanyang perlas matapos siyang pabukakain ng husto.

Nagniningning ang mga mata nito ng saglit na iangat ang tingin sa kanya. “Huwag kang magulo dyan.”

Seryoso ang pagkakasabi nito sa mga salitang iyon kaya’t kahit gusto niya itong hawakan ay pinigilan niya ang kanyang sarili at hinayaan niya ito sa gustong mangyari. Ang lakas lang ng kanyang pag-ungol dahil sa panunudyong ginawa ng dila nito.

“Adrian…”

“You want me?” nanunudyong tanong nito.

“Very much.”

Mabilis naman nitong hinubad ang lahat ng damit nito. Pagkunwa’y ibinaba siya nito sa sahig

“I need you,” mariing sabi nito sa kanya bago inangkin ang kanyang labi.

Hindi naman niya napigilang ibulalas ang ‘I love you’ nang angkinin siya nito. Nagawa na kasi nitong makuha ng buung buo ang kanyang puso’t kaluluwa.

“ANONG nangyari?” gilalas na gilalas ni Rain kay Yaya Marcela nang sabihin nitong hindi makatayo ang Mommy niya at ang Mama ni Adrian. Napasulyap siya kay Adrian na nag-aalala rin. Panay kasi ang tawag nito sa bahay ng mga magulang pero walang sumasagot kaya tumawag na rin siya sa kanilang bahay, Doon niya natuklasan na nasa kanila pala ang kanyang mga biyenan.

“What?” si Adrian

Sa halip sumagot, in-on niya ang speaker para marinig din ng asawa ang sasabihin ni Yaya Marcela. “Nagpunta kasi ang mga ina ninyo sa Quiapo, naglakad ng paluhod. Para raw sa masayang pagsasama ninyo.”

Natawa si Adrian, siya naman ay napaluha. Ramdam kasi niya ang pagmamahal sa kanila ng mga magulang.

“Pasabi sa kanila dadalaw kami dyan ngayon,” ani Adrian na sa kanya nakatingin.

“Siya nga ala may regalong dumating sa inyo rito,” si Yaya Marcela ulit.

“Kanino galing?”

“Walang nakalagay kung kanino. Ang nakalagay lang ay Mr & Mrs Fuentabella.

“Before lunch nandyan na kami,” anito bago tapusin ang tawag. “Wifey.?”

Tinaasan niya ito ng kilay. May kakaiba na naman kasi sa tono nito.

“Shower na tayo.”

Napahagalpak siya nang tawa kahit na nagsimula ng mag-init ang kanyang pakiramdam. At bago pa man siya nakapagsalita ay naramdaman na niya ang pagbuhat sa kanya ni Adrian.

HABANG bumubuhos ang tubig sa kanilang katawan mula sa shower, gumagapang din ang halik ni Adrian sa kanyang mukha, labi, leeg, balikat, dibdib at sa bawat sulok ng kanyang katawan.

At siyempre hindi rin naman siya pumayag na di matapatan ang ginagawa nito sa kanya. Lumuhod din siya sa harapan nito para muling mapatunayan na walang ibang sinusunod ang sundalo nito kundi siya lamang.

“Damn it, shit!” bulalas nito bago siya haltakin para tumayo.

Inangkin nito ang kanyang labi bago ipinasok sa kanya ang sandata nito na matigas na matigas na. Kahit naman maraming beses na siyang naangkin nito, hindi pa rin niya maiwasan ang mapangiwi dahil malaki at mataba naman talaga ang alaga ito. Tiyak naman niyang alam ni Adrian iyon kaya naman ang galaw nito ay puno ng pag-iingat. Bibilisan lang nito ang galaw kapag nagsabi siya ng ‘faster’.

“Adrian…”

“Rain, ohhh…”

Kapwa sila hinihingal nang makatapos sila sa pagtatalik. Ngunit, kahit ganu’n hindi pa rin nila kayang kumawala sa bisig ng isa’t isa. Nananatili silang magkayakap.

“Another erotic scene?” tudyo sa kanya ni Adrian.

Mabilis niya itong hinalikan sa labi. “Ayusin na natin ang paliligo.”

“Sabi ng sundalo ko, isa pa raw.”

“Aalis tayo,” natatawa niyang sabi pero muli na naman niyang hinawakan ang alaga nitong tila ayaw ang manlambot. “Later na, ha?”

“Rain..”

“Nag-promise tayo ng lunch time. At malayu-layo rin itong Alabang sa Pasig.”

“May sasakyan tayo.”

“Traffic.”

Umungol ito na parang nagmamaktol.

“Mamayang gabi mag-marathon tayo,” nahagilap niyang sabihin pagkaraan. Kahit naman kasi kailangan din niya ang katawan ni adrian, kailangan din naman niyang magsabi ng ‘time out’.

“Sex marathon?” sabik nitong tanong.

Tumawa ito bago sinabing, “Movie marathon.”

“Rain!” Sigaw nito na parang inis na inis.

Ang lakas nang tawa niya pero may sakit pa rin siyang nararamdaman sa kanyang dibdib. Kanina kasing magtalik sila ni Adrian ay nagbulalas siya ng I love you pero I need you lang ang sinabi nito. Pakiramdam noya tuloy, katawan lang niya ang kailangan no Adrian, hindi ang kanyang puso.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles