29.8 C
Manila
Thursday, May 23, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Mayo 10, 2024

DAGA (RAT)

Hindi mo maaatim na kanyahin ang hindi iyo kaya naman ang sobrang biyaya na matatanggap sa araw na ito ay isosoli mo dahil alam mo namang may nagmamay-ari talaga nito. Dahil diyan ay gagaan ang pakiramdam mo.

Masuwerteng numero; 13,26,27,30

BAKA (OX)

Hindi mo maiiwasan na hindi pagdudahan ang isang kaibigan dahil sa kanyang mga kilos at salitang bibitawan. Kukutuban ka na meron siyang gustong sabihin sa’yo na hindi pa niya makayang sabihin sa ngayon.

Masuwerteng numero; 35,46,47,50

TIGRE (TIGER)

Hindi mo gustong magreklamo pero mapapaisip ka dahil sa labis na kakulangang matatanggap mo mula sa trabaho. Ngayong araw ay mag-iipon ka ng lakas ng loob para makapagtanong sa nakakataas sa’yo sa trabaho.

Masuwerteng numero; 20,21,33,36

KUNEHO (RABBIT)

Wala kang plano na lumabas ngayon kahit pa kailangan. Iba kasi ang timpla ng iyong katawan sa araw na ito. Makakaramdam ka ng bigat ng katawan dahil sa pananakit ng ulo kaya pipiliin mo na lang muna ang magpahinga.

Masuwerteng numero; 10,11,23,24

DRAGON (DRAGON)

Bawat tao may pinagdaraanan. Ang iba ay mas mabigat pa nga. Iyan ang lagi mong iniisip kaya naman ang problemang darating sa’yo ngayon ay hindi mo gaanong didibdibin. Sa halip ay tahimik mo itong hahanapan ng solusyon.

Masuwerteng numero; 16,27,40,48

AHAS (SNAKE)

Sa dami ng nagbago sa paligid mo ay tila nakakasanayan mo na ang bagong takbo ng iyong buhay. Kahit mas mahirap ito para sa’yo ay handa ka ng yakapin ito at mag-isip na lang ng mga diskarte kung paano ito mapapagaang.

Masuwerteng numero; 11,13,20,21

KABAYO (HORSE)

Mahihirapan ka ng bawiin kung ano ang nasabi mo na. Kaya naman sa araw na ito ay magiging abala ang isip mo kung paano mo mapapaglubag ang loob ng tao na nasaktan mo. Ayaw mong magtagal ang sama ng loob niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 4,5,18,19

TUPA (SHEEP)

Hindi masasayang ang pagod mo ngayong araw dahil maa-appreciate ito ng mga taong kasama mo sa bahay. Maganda ang magiging resulta ng iyong gawain kaya naman tatanggap ka ng mga papuri mula sa kanila.

Masuwerteng numero; 6,12,13,23

UNGGOY (MONKEY)

Mauubusan ka ng dahilan sa iyong karelasyon kung bakit mo siya iniiwasan. Sa araw na ito ay mauubos ang maghapon mo sa kakaisip kung paano mo sasabihin sa kanya na gusto mo nang matapos ang inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 1,3,12,14

TANDANG (ROOSTER)

Maaalala mo ang isang yumaong kaibigan sa isang bagong kaibigan mo ngayon. Marami silang pagkakatulad. Hindi lamang sa boses kundi maging sa mga kilos at galaw. Mapapaisip ka nga kung totoo nga ba ang reincarnation.

Masuwerteng numero; 15,20,25,27

ASO (DOG)

Wala kang magagawa sa problema ng isang kamag-anak. Kahit na gustong gusto mo na matulungan siya ngayon ay wala ka namang kakayahan dahil marami ka ring pinoproblema sa ngayon. Tanging pagdarasal lang ang magagawa mo.

Masuwerteng numero; 16,26,30,33

BABOY (PIG)

Mapagbubuntunan ng init ng ulo mo ang isang nakakabatang miyembro ng pamilya. Dahil dito ay hindi ka makakaiwas sa argumento sa pagitan nyo ng isa pang kaanak kaya naman ang araw na ito ay hindi magiging maganda para sa’yo.

Masuwerteng numero; 30,40,42,59

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.