35.9 C
Manila
Monday, May 20, 2024

Ang Online Horoscope Mayo 10, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na pagpapalain ng langit ang iyong buhay.  Itodo mo na ngayon ang lahat ng iyong kakayahan upang ang mga oportunidad na sumasaiyo sa ngayon ay lubos mong mapakinabangan. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45. 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ito ang araw na simple lang ang pinapagawa sa iyo ng langit upang ikaw ay magtagumpay at umasesno. Kung magagawa mo dumikit ka sa mga asensado dahil kung sino ang nakakasama ng tao ay magiging ganon din siya. Kaya wag kang makikibarkada sa mga walang kuwentang tao dahil sa bandang huli baka maging walang kuwenta ka rin. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42. 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Kung ano ang nasa isip mo, yon ang mangyayari sa iyo. Kaya hindi ka dapat mag-isip ng mga negatibo. Ang ilagay mo sa isipan mo ay ang magagandang bagay lang, upang ang magagandang bagay na ito ang siguradong mangyayari sa iyo sa malapit na hinaharap. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45. 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Ito ang sinasabi iyo ng langit sa araw na ito, kasabay ng paganda ng kapalaran mo ay gaganda rin ang kapalaran ng mga taong nakatulong sa ‘yo, Maiiwan naman na parang pinagdamutan ng kapalaran ang iyong mga kaaway at karibal.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Mamamangha ang mga taong nasa paligid mo dahil sa biglaang pagdapo ng isang malaking buenas na may kaugnayan sa pag-ibig at materyal na bagay. Magpasalamat kang lagi sa nasa itaas upang magtuloy-tuloy pa ang iyong buenas  at magandang kapalaran. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43. 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Ito ang araw na inuutusan ka ng langit na kumilos ng kumilos. Sapagkat kapag kumilos ka ng kumilos kahit na ikaw aynasa bahay lang, ang magagandang kapalaran ay isa-isa nang sasagapin ng iyong pagkatao, lalo na sa pag-ibig at materyal na bagay. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)  Marami kang  dapat na ipagpasalamat sa langit dahil ang totoo kusang iaangat ng langit ang  kabuhayan at ang ranggo mo sa buhay, kung baga, awtomatiko ang pag-angat ng graph ng pag-asenso at pag-unmlad sa lahat ng aspeto ng iyong buhay kahit sabihin pang ikaw sa kasalukuyan ay nasa bahay lang.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)   Ipakikita sa iyo ng langit ang mga oportunidad na puwede mong sunggaban. Hindi ka dapat masiyahan sa pagtingin lang, sa halip sunggaban mo ang kahit isa sa mga yon.  Oo, ibinabalita ng langit na halos abot-kamay mo na ang tagumpay ngayon. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Suwerte ka ngayon, aalisin ng langit ang mga sagabal at hadlang sa mga gusto mong mangyari. Kaya ang pagiging malaya, patuloy na tagumpay at pananaig sa anumang bagay na gusto at maiibigan mo ay maluwag na maluwag na mapapa sa iyo. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43. 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19)  Hawak mo ang kinabukasan ng mga taong malalapit sa iyo kaya hindi ka puwedeng mabigo kasi maaapektuhan sila. Ito ang isa sa hiwaga ng iyong kapalaran, kung saan, dahil maraming umaasa sa iyo, hindi ka dapat mag-alala, dahil ang lahat ng iyong mga pangangailangan ay ipagkakaloob sa iyo ng langit ng walang kahirap-hirap at suwabeng-suwabe lang. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43. 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Nagniningning ang iyong pagkatao, kaya sa iyo maraming susuwertehin sa araw na ito. Dahil ang totoo, ikaw talaga ang suwerte at sila ay makababahagi lang sa mga suwerte mo. Kaya dapat lagi kang magpasalamat sa nasa itaas sa pamamagitan ng pagtulong sa mga kadugo at kamag-anak mong naghihirap ang buhay. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42. 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Pinapahintulutan ka ng langit sa araw na ito na magdagdag ka ng pangarap kapag ang ibang pangarap mo ay hindi mo pa nakukuha. Hindi masama ang maraming pangarap, dahil bago ka pa isinilang itinalaga na ng langit na isa-isang matutupad ang mga pangarap mo sa takdang panahong ang kapalaran ang magpapasaya. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.