32 C
Manila
Wednesday, May 8, 2024

My Best Friend Adrian: Chapter 14

Ang Pagbabago ni Adrian

“WHAT’S wrong?” nagtatakang tanong ni Rain kay Adrian. Panay din kasi ang buntunghininga nito kaya napatigil na siya sa kanyang pagsusulat sa laptop At dahil sa naistorbo na siya ay wala na siya sa mood na ipinagpatuloy ang ginagawa. Anyway, nakatapos na rin naman siya ng dalawang chapter kaya kailangan na ring magpahinga ng imahinasyon niya.

Wala siyang tugon na natanggap kay Adrian.

“Hubby…”

Tinapunan naman siya nito ng sulyap kaso parang hindi niya gusto ang uri ng tinging ibinibigay nito sa kanya. “Pagod lang ako.”

Nang maalala niyang mahabang oras nga pala ang ginugol nito sa pagmamaneho ay bigla siyang nag-alala. “Magpahinga ka na.”

“Magpahinga na tayo,” wika nito nang makitang in-off na niya ang laptop.

“Mg-cr lang ako,” wika naman niya na wala namang planong maligo dahil bago siya nagtrabaho ay nalinis na niyang mabuti ang katawan at hindi naman siya pinagpawisan dahil may aircon ang silid na kanilang inuokupa . Ilang oras na rin naman siyang nagtipa sa kanyang laptop kaya kapag ginawa niya iyon ay mapasma siya kaya tama na lang muna sa kanya ang alcohol.

“Sige,” matamlay nitong sagot

Ano bang problema? Nagtataka niyang tanong. Kahit naman kasi ipagkaila ni Adrian na may bumabagabag dito ay hindi pa rin nito iyon magawang itago iyon sa kanya. Masyado niya itong kilala kaya alam niya kung kailan ito may dinadalang problema.

Wala na sa kama si Adrian nang lumabas siya sa cr. Noon naman bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa noon si Adrian.

“Bakit para kang nakakita ng multo?” nagtatakang tanong niya rito.

“Ang ganda mo namang multo.”

Napangiti siya sa sinabi nito. “Saan ka galing?”

“May kinausap lang ako sa labas.”

“Sino?”

“Hindi mo kilala,” paiwas nitong sabi.

Nagsalubong ang kilay niya dahil paang paiwas ang pananalita at kilos nito. Tiyak niya tuloy na may itinatago ito sa kanya. Sa kaisipang iyon ay parang may mabigat na bakal na nakadagan sa kanyang dibdib.

“Magpahinga na tayo,” mariin nitong sabi sa kanya na para bang sinasabing huwag na siyang magkakamali na humiling ng marathon.

NANGANGATI na sana ang dila ni Adrian na sabihin kay Rain ang natuklasan tungkol kay Karl pero pinigilan niya ng husto ang kanyang sarili dahil alam niyang magiging negatibo ang resulta noon.

Una, mag-aalala ng husto si Rain. Tiyak din niya na hindi ang sarili nito ang uunahing intindihin kundi ang kanilang mga magulang Ang nais nga ng kanilang mga magulang ay maitago si Rain at alam niyang hindi mangyayari iyon kapag nagyayang umuwi si Rain kaya talagang hindi nito dapat malaman ang tunay na sitwasyon.

Pangalawa, baka maisipan pa nitong harapin si Karl para komprontahin. Maaari ring hindi ito makaramdam ng takot kapag sinabi niya na sangkot si Karl sa serial killings. Alam na alam din naman kasi niyang may katapangang itinatago si Rain at sa pagkakataong ito ay ayaw niyang ilabas nito iyon

Ngunit anuman ang gawin nito ay hindi siya papayag na hindi siya makasama sa laban nito. Mahal na mahal niya si Rain kaya kung kinakailangang itaya niya ang sariling buhay, gagawin niya. After all, siya naman ang may kasalanan kung bakit may Karl na pumasok sa buhay ni Rain.

MAY kabang agad na bumundol sa dibdib ni Rain nang magising siya. Wala kasi sa kanyang tabi si Adrian at mula pa noong mag-best friend sila ni Adrian hanggang sa maging mag-asawa sila’y hindi pa nangyayaring iniwanan siya ni Adrian habang matutulog pa iya.

Maliban ngayon, mariin niyang sabi sa sarili. Gusto sana niyang isipin na tinanghali lang siya nang gising kaya wala na si Adrian sa kanyang tabi pero iba ang kabang kanyang nararamdaman. Parang may tuksong nagsasabi sa kanya na kaya nanlalamig sa kanya si Adrian ay dahil may iba na itong mahal.

So, anong gagawin niya?

First, ang hanapin si Adrian.

Paglabas niya ng kuwarto ay dala na rin niya ang kanyang camera dahil gusto niyang manguha ng litrato para makapag-suggest siya ng cover design para sa kanyang libro. Kaya, naisip niyang maglibot sa buong hacienda. Para pagpasa niya ng kanyang istorya ay may mga larawan na ring kasama.

Napahinto lang siya sa kanyang paglakad nang makarinig siya nang tawa ng isang babae, hula niya ay nasa salas ito. Hanggang sa marinig naman niya ang boses ng kanyang asawa na nagsasabing, ‘Tama na nga, hindi na ako makahinga.’

“Hanggang ngayon ay bolero ka pa rin.”

“Hindi kita binobola. Alam ko naming magaling ka.”

Shucks, hindi pa man niya nakikita ang eksena dahil nasa may hagdan pa lang siya at may pader na nakaharang papunta sa may sala pero para na rin siyang pinapatay sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.

“Anong ginagawa mo riyan?”

Bigla niyang nilingon ang boses. “Jeremy…”

Napangiti ito. “Bakit hindi mo harapin sina Adrian at Veronica?”

“Veronica?” ulit niya sa pangalan ng babaeng binanggit nito. Para kasing pamilyar iyon sa kanya.

“Ex-girlfriend niya.”

Sa narinig ay hindi niya napigilan ang maasinghap. Ngayon nga ay naalala na niyang si Veronica ang madalas na puntahan ni Adrian dito sa Tarlac noon. Sa kaisipang iyon ay parang may lumamutak sa kanyang puso. Hindi niya tuloy napigilang itanong sa sarili, si Veronica ba ang dahilan kaya bigla-bigla ‘y naramdaman niyang nanlalamig sa kanya si Adrian?

“Huwag mo sabihing nagseselos ka?” nanunudyong tanong sa kanya ni Jeremy

“Hindi, ah!” mariin niyang sabi Ewan nga lang niya kung kay Jeremy ba niya sinasabi iyon o sa kanya sarili.

“Ows?”

“Ang kulit mo,” naiinis niyang sabi rito.

Lalong lumawak ang ngiti nito. “Huwag kang mag-alala, ikaw naman ang asawa.”

“Tse!” wika niya kay Jeremy. Paborito rin kasi siya nitong asarin palibhasa alam nitong pikon siya at gustung-gusto naman ni Adrian na maging tagapagtanggol niya.

Tama naman kasi si Jeremy na kasal sila ni Adrian kaya wala siyang dapat na ipag-alala. Nasa kanya ang karapatan. Ngunit, karapatan nga ba talaga ang dapat na manaig sa lahat ng oras?

Oo! Sigaw ng kanyang isip.

Hindi, kaligayahan dapat! Kontra naman ng kanyang puso

Ngunit, hindi ba maligaya naman sila ni Adrian.

KUNG inaakala ninyong habambuhay kayong makapagtatago sa akin ay nagkakamali kayo! Buong panggigigil na sabi ng nilalang na handang-handang pumatay. Walang gabing hindi niya inihahanda ang kanyang punyal na gagamitin sa pagkatay kay Rain Martinez Fuentabella.

Kailangan mong matikman ang lupit ng aking paghihiganti!

Kung hindi dahil sa’yo, Rain, hindi mawawala ang kaisa-isang taong aking minamahal. Buhay ang kinuha nito sa kanya kaya dapat lang na buhay din nito ang kukunin niya.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.