29.6 C
Manila
Wednesday, June 12, 2024

Your Ideal Woman According to Your Zodiac Sign

ARIES MAN- Gusto ng Aries man ang babaeng may pagka tomboy. Yung mahilig sa sport. Ayaw niya ng maraming paligoy ligoy. Gusto niya yung straight forward. Direktang sinasabi sa kanya ang lahat ng bagay lalo na ang may kinalaman sa kanilang relasyon.

TAURUS MAN- Gusto naman ng Taurus man yung babaeng babae ang dating. Simple pero ma-aura. Simple at kalmadong kumilos. Yung tipong hindi makabasag pinggan na uri ng babae.

GEMINI MAN- Tulad ng Gemini woman, ang Gemini man ay naghahanap din ng babaeng may angking talino. Kahit hindi masyadong feminine ang dating basta nangingibabaw ang pagka-ismarte. Mas pinahahalagahan nila ang laman ng utak kaysa sa panlabas na anyo.

CANCER MAN- Ang tipong babae naman ng Cancer man ay yung sweet at loyal. Takot kasing ma-reject ang Cancer man kaya doon siya sa sigurado ang feelings para sa kanya. Gusto niya ang tradisyonal na babae na devoted sa kanya.

LEO MAN- Bet naman ng Leo man ang babae na out going, proud at may tiwala sa sarili. Okay din sa kanya ang babae na magaling magdala ng make up at alahas.

VIRGO MAN- Type naman ng Virgo man ang babae na walang masyadong kolerete sa mukha. Malinis sa katawan at maalaga sa kalusugan. Ganon din ang may simpleng pananaw sa buhay .

LIBRA MAN- Like ng Libra ang napakasimpleng uri ng babae pero may magandang appearance. May maganda ring pag-uugali. Ayaw na ayaw niya ang babaeng rude.

SCORPIO MAN- Ang nais naman ng isang Scorpio man ay ang babaeng may pagka-mysterious. Yung malakas ang dating at tipong nagtataglay ng kapangyarihan.

SAGITTARIUS MAN- Para sa isang Sagittaius man, malakas ang dating sa kanya ng babaeng punumpuno ng enerhiya. Attracted din siya sa babaeng malinis ang pangangatawan. Like din niya ang babae na mahilig sa sports.

CAPRICORN MAN- Gusto naman ng Capricorn man ang babae na may cassic looks. May magandang career sa buhay. Older woman ang kalimitang natitipuhan niya. Dito niya nakikita ang isang ideal woman na pinapangarap niya.

AQUARIUS MAN- Ang tipong babae ng Aquarius man ay yung babae na interesting ang personality. Maganda manamit at mag-ayos ng buhok, Gusto niya ang babae na magandang tingnan sa tunay na kahulugan nito.

PISCES MAN- Feel na feel naman ng Pisces man ang super sweet girl. May mahinhing pagkilos at very sensitive. Okay lang kahit hindi ganoon kalaki ang tiwala sa sarili.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.