Kung nakikita mong kinakasal na ang mga kaibigan mo at nagsisimula na silang bumuo nang pamilya, at ikaw ay single pa o di kaya ay may boyfriend pero hindi ninyo pa napag-uusapan ang kasal, maaaring may kirot sa iyong puso na hindi mo maipaliwanag. Read on.
Minsan din sa mga reunion nang inyong pamilya, mas nakaka-pressure dahil sa dami nang tanong mga tita at tito mo tungkol sa status ng buhay mo. Well, una sa lahat, hindi ka dapat magpadala sa pressure. Basahin ang article na ito para makita mo ang mga rason kung bakit hindi ka dapat magmadali sa pagpapakasal.
1. Dapat ay mag-focus ka muna sa career mo
Wala kang pagsisisihan kung magfofocus ka muna sa career mo. Pagtanda mo, kung nag-focus ka lang sa relationships, hindi mo ma-aappreciate ang value nang pinagpundaran mo sa pag-aaral mo, so go ahead and reach for your dreams!
2. Hindi dapat lalake ang kukumpleto sayo
Find comfort in your individuality, huwag mo isipin na para kang isang puzzle na kelangan ng puzzle pieces.
3. Wala sa edad ang pagpapakasal
Kung ikaw ay nasa late 20s na at di ka pa rin kasal, hindi mo kailangang ma-pressure dahil ang maturity ay hindi parallel sa edad nating mga tao. Pwedeng malapit ka nang mag 30 years old at immature ka pa rin. Work on your maturity first before deciding to get married.
4. Si God ang magdedecide para sayo
Hayaan mo si God na gumawa ng plans para sa buhay mo. Kapag pinangunahan mo siya, masisira ang diskarte ni God para sayo. Hayaan mo siya at siguradong magiging masaya ka sa huli.
5. Dapat ay mag-grow muna kayo as a couple ng boyfriend mo
Kung may boyfriend ka, tandaan mo na kapag kinasal na kayo, hindi magiging parang fairytale bigla ang buhay ninyo. It’s pretty much the same, so dapat i-work out ninyo muna ang differences ninyo at dapat mag-grow kayo as a couple.
6. Mahalin mo muna ang sarili mo
Kapag hindi mo minahal ang sarili mo, hindi ka matututong magmahal ng ibang tao.
7. Dapat ay handa ka financially
Kung umpisa palang ay mangungutang ka na para lang maranasan mo na ang ikasal, then you’re starting on the wrong foot. Mag-ipon muna kayo para hindi kayo mabaon sa utang sa new chapter ng buhay ninyo.
8. Making God the center of your life
Si God dapat ang number one, tandaan mo yan.