29.6 C
Manila
Wednesday, June 12, 2024

Subukan Ang Deadly Love Spell

Pagod ka na bang maging loveless at hopeless romantic?

Ang makapangyarihang love spell na aking ibabahagi ngayon ay maaaring maging susi upang ang pag-ibig na pinapangarap ay mapasaiyo. Ang deadly love spell na ito ay mula sa sikretong librong The Powerful and Deadly Spells of the Javanese ni Lau Soon Wah.

     Ang love spell na ito ay lubhang makapangyarihan, na sa sandaling banggitin mo ito ay kaagad na mati-turn-on sa iyo ang taong iyong iniibig.

  Ang deadly love spell na ito ay mula pa sa Chief ng Iban Tribes sa Borneo. Pinaniniwalaang ito ang sikreto nang pagkakaroon ng 18 harem o asawa ang pinuno ng Iban Tribes kahit siya ay mahigit 80 taon gulang na.

Ang love spell ay nasa orihinal na porma o original form at hindi na isinalin pa sa Tagalog upang ma-preserba ang kapangyarihang nakabalot dito.

Ang spell ay dapat bigkasin kapag ang taong iyong gusto ay nasa paligid lamang at abot-tanaw mo. Walang dapat na nakaharang na anumang bagay sa taong iyon dahil hihina ang epekto ng love spell. Kapag handa ka na, pagkiskisin nang madiin ang iyong hinlalaki at hintuturo habang pabulong na binibigkas ang orasyon:

Nang pa bunang

Pa bunang ali menga-li

Ra-gi pun tun-duk

Ra-ji pun tun-duk 

Dengan ber-kat doa aku

Lailahai illallah.”

Ulit-ulitin ang pagbigkas ng orasyon hanggang sa mapansin mong tila nababalisa na ang taong iyong ginagayuma. Ito ang palatandaan na kumakagat na sa kanya ang deadly love spell. Ipinapaalala lamang na ang resulta ng orasyon ay maaaring hindi agad-agad, kaya kailangan ng ibayong tiyaga at pasensiya.Ang orasyong ito ay kadalasang ginagamit ng mga kalalakihan, ngunit maaari din namang magamit ng mga kababaihan.

Sa sandaling ikaw ang naging biktima ng spell na ito, kumuha lamang ng isang palito ng posporo. Bigkasin ang “Bismi-la-ahir Roh-ma-anir Ro-him” ng tatlong beses, at saka baliin ang palito ng posporo.

Sadyang masarap sa pakiramdam ang mahalin ka ng taong pinapangarap mo. Ngunit, ang gayuma ay gayuma. Ang gayuma ay mahikang ginagamit upang mapaibig mo ang isang tao. Isa  itong uri ng mind control kung saan iimpluwensiyahan mo ang damdamin at kaisipan ng isang tao upang gustuhin at mahalin ka. Ang tanong, masaya ka ba sa ganitong sistema? Kuntento ka na ba sa artipisyal na pagmamahal na dulot ng gayuma? Hindi mo ba gustong mahalin ka ng isang tao na mula sa kanyang sariling kagustuhan at hindi pilit  lamang?

 Ikaw ang makapagpapasya.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.