26.5 C
Manila
Thursday, February 29, 2024

Pamahiin Upang Makaiwas Sa Kamatayan

Ang kamatayan daw ay nakatakda na. Anuman ang gawing pag-iwas ng isang tao ay wala siyang magagawa para pigilan ang kanyang kamatayan gayundin ang kamatayan ng ibang tao. Walang nakakaalam kung kailan ito darating sa atin, anong oras, anong araw at sa paanong paraan. Pero totoo nga bang may magagawa ang mga taong isinilang na may third eye upang makaiwas pa sa kanyang kamatayan ang isang tao na nasa bingit na nito?

Ayon sa isang taong nakausap ko na nagtataglay ng third eye, minsan lang subalit epektibo raw na nagkakatotoo ang kanyang mga pangitain. Ilan sa malalapit sa buhay niya ang nakita na raw niyang walang ulo. Isang uri ng pangitain o premonisyon na mawawala na ang isang tao. Hindi raw niya ito sinasabi sa kanila dahil may alam siyang paraan para sila ay maligtas mula sa peligro ng kamatayan. Kapag ito ay sinabi niya sa taong nakitaan niya na walang ulo, ang paraan na nalalaman niya ay mababalewala. Kaya ang ginagawa niya ay sinasarili niya ito at saka ginagawa ang dapat niyang gawin.

Nagpupunta siya sa mabuhanging lugar na dala ang isang malinis na garapon,blade at isang puting papel kung saan nakasulat ang pangalan ng tao na nakita niyang walang ulo. Pupunuin niya ng buhangin ang garapon at kapag napuno na ito ay saka niya ilalagay ang puting papel sa ibabaw. Susugatan niya ang sarili sa pamamagitan ng blade at papatakan niya ng kanyang dugo ang pangalan. Kapag napatakan na niya ito ay saka niya tatakpan ng buhangin hanggang sa tuluyan na itong matabunan. Tatakpan niya ang garapon at saka ipapaanod sa kahit saang ilog at dagat. Yung mapapalayo na ito at tuluyang sasama sa agos ng tubig. Sa ganitong paraan daw ay nagagawa niyang iligtas ang taong ito at hindi nito dapat malaman ang kanyang ginawa.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.