Maraming relihiyoso ang kumokondena na ang mahika at pagganap nito ay mula sa Demonyo. Ang kaisipang ito ang siyang nagbigay ng konotasyon sa mga nagpa-praktis ng mahika at nagtataglay ng mga psychic ability bilang mga Alagad ng Dilim.
Ang lahat ng bagay na hindi kayang arukin ng lebel ng kaisipan ng isang tao ay maikakategorya bilang “hiwaga” o paranormal, kabilang na dito ang mahika.
Ang mahika ay isang lakas at puwersang lagpas sa pisikal na kapasidad ng isang mortal.
Sa pasimula pa lamang, ang mahika ay umiiral na. Ang puwersa o force na bumuo sa buong known universe, at lahat ng matter, gases, liquids, chemical, at living organisms na naroroon, ay nalikha o nagmula sa isang puwersa o “kapangyarihan” na tinatawag sa Science bilang Energy.
Ang mahika ay maaaring “bumuo” at “makapangwasak”.
Samakatuwid, ang mahika ay neutral sa kaniyang natural na kalagayan.
Nangangahulugan lamang na ito ay maaaring maging mabuti o masama. Ang mahika ay nagiging “mabuti” (white) o “masama” (black), depende sa layunin ng taong gumagawa nito.
Ang buong known universe, partikular ang Earth, ay puno ng energy. Ang enerhiyang ito ay sinasabing nagmumula sa isang kapangyarihang o force na tinatawag na Higgs Boson o God’s Particle. Ang powerful particle na ito ay na-detect sa pamamagitan ng ATLAS at CMS experiments sa CERN’s Large Hadron Collider Standard Model.
Kung sa Science, ang particles na ito ay isang uri ng energy, sa religious aspect, ang powerful force na ito ay tinatawag na Deus o Diyos. Sa spiritual aspect, ito ang kapangyarihan o mahika.
Ang kapangyarihang kinokondena ng mga sinasabing dalubhasa sa salita ng Diyos ay masusumpungan din sa Bibliya na kanilang ginugulan ng panahon na pag-aralan. Kinokondena ng mga “maka-Diyos” ang mga anting-anting, kalmin, at agimat–ngunit si Moses sa Lumang Tipan ay puno ng batong hiyas, kalmin, at mga simbolo sa buong katawan na tinatawag na “plate”. Sinasabi ng mga “maka-Diyos” na ang pagbabasa ng panaginip ay sa Diablo, pero sa Lumang Tipan, isang hari ang kumunsulta kay Joseph The Dreamer na isang alagad ng Diyos upang mailigtas ang kaharian sa parating na kagutuman. Pinangangalandakan ng mga “maka Diyos” na ang panghuhula ay gawa ng demonyo, pero ang mga propeta sa bibiliya ay wala ding pinagkaiba sa mga manghuhula sapagkat sila ay nakakakita ng hinaharap o sa panahon ngayon ay tinatawag na mga clairvoyant.
Tunay na mahiwaga ang mundong ito. Maraming mga tala sa biblia ang nawala at nabago dahil sa libong henerasyong pagsasalin nito.
Gusto ko lamang iparating na ang “Salita ng Diyos” ay PAG-IBIG. Samakatuwid, ito ay hindi dapat pinagmumulan ng away, pagtatalo o debate. Malalim ang mga kahulugan ng bawat berso sa biblia. Delikado na ito ay mabigyan ng ibang pakahulugan ng mga yaong nagmamarunong lamang at hindi malalim ang espirituwalidad. Dito maraming naliligaw.
Higit sa lahat, hindi sa kung gaano karaming berso sa bibliya ang alam mo at kabisado mo ang magiging sukatan ng iyong kaligtasan, kundi ang iyong pagkatao at gawa. Kahit araw-araw ka pang magsimba, magdasal, at magpatirapa upang maipahayag mo ang iyong pananampalataya, ito ay walang saysay at kabuluhan kung ang puso at isip mo ay puno ng kabuktutan at pagkaimbot.
Huwag maging “mapang-imbabaw”. Sa halip, maging buhay na halimbawa sa mga aral at salita ni Kristo: “mahalin mo ang iyong kapuwa kagaya ng pagmamahal mo sa akin.”