Marami silang negosyo, iyon ang pinakasimpleng sagot kaya mas yumayaman ang mayayaman. Kahit nga ang mundo natin ngayon ay binabalot ng corona virus ay di pa rin masasabi na sila ay maghihirap dahil tiyak na marami silang salapi. Ngunit siyempre, hindi naman lahat ng mayayaman ay sinusuwerte. May mga negosyo naman kasi talagang bumabagsak. At kahit na marami silang pera ay nauubos din ‘yan kung marami kang utang na dapat bayaran.
Ang pandemic naman kasi na ating nararanasan ngayon ay bigla na lamang umatake, kaya, marami ang hindi nakapaghanda. Mayaman man o mahirap, lahat tayo ay nabigla. Kaya nga, dapat ang mayayaman ay alamin ang paraan para sila ay mas suwertehin. Dahil kahit na marami silang ra ay hindi a rin nangangahulugan na panghabambuhay ang kanilang kayamanan. May pagkakataon na kapag nagkasunod-sunod ang dagok sa buhay ay maaaring lumubog ka ng husto.
Kaya, kung mayaman ka naman talaga taos mayroon kayong rancho, afford mo namang bumili ng puting kabayo. Bakit ko sinabi ito? Ang puting kabayo kasi ay makapagbibigay ng suwerte sa pamilyang nagmamay-ari nito kaya kung mayroon kang puting kabayo, naku, talagang patuloy kang susuwertehin sa buhay.
O, gusto mo bang suwertehin? I-try mo ng bumili ng puting kabayo. Iyon nga lang, may paglalagyan ka ba ng kabayo?