32.4 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Pamahiin Sa Kalusugan

Kung health-conscious ka at naniniwala ka rin sa mga superstitions, kailangan mong malaman ang ilang pamahiin na may kaugnayan sa iyong kalusugan. Ang mga sumusunod ay ilan lamang dito.

PARA MAIWASAN ANG PIMPLES

Walang sinuman ang gugustuhin na magkaroon siya ng maraming pimples. Para sa iba, ang pagkakaroon nito ay genetic o hereditary. Maaaring makuha rin sa pagpupuyat, pag-iisip ng malalim, pagkain ng mani at kung anu-ano pang dahilan. Upang maiwasan ito, may paniniwala sa pamahiin na kung ang unang pinagreglahan mo ay ikukuskos mo sa iyong mukha ay hindi ka na tutubuan ng taghiyawat. Magiging makinis ang iyong mukha hanggang sa iyong pagtanda. Pero ang unang pinagreglahan lamang daw ang epektibo.

BANTAYAN ANG KALUSUGAN KAPAG BILOG ANG BUWAN

May paniniwala sa pamahiin na kapag ang buwan ay bilog, ang mga maysakit ay lalong manghihina, ang buntis ay mapapaanak nang wala sa oras kung ito ay lalabas ng bahay. Mas makabubuti kung babantayan mo ang iyong kalusugan kapag bilog ang buwan at siguraduhin na nasa magandang kondisyon ang iyong pangangatawan.

MGA KRISTAL NA NAKAPAGPAPABUTI NG KALUSUGAN

May mga kristal na pinaniniwalaang nakapagbibigay ng mabuting kalusugan tulad ng black obsidian, carnelian at rose quartz. Ayon sa pamahiin, ang mga ito ay nakatutulong para mawala ang iyong stress, nagsasaayos ng iyong menstrual cycle at nakapagpapaganda ng mood.

MGA MAHIWAGANG ILOG NA PAMPAALIS NG KARAMDAMAN

Kung ikaw naman ay may malubhang sakit, mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ay may pinaniniwalaan na banal na ilog o mahiwagang ilog. Maligo ka lamang sa isa mga ito at ikaw ay agad na gagaling at makakaramdam ng kaginhawahan sa katawan. Sa Pilipinas ay marami tayong itinuturing na banal na ilog.

MAGIC PILL

Totoo nga bang may magic pill? Ito ay ang yakap at pag-aaruga ng isang magulang sa kanyang anak na maysakit, o anak sa kanyang magulang na maysakit. Sinasabi sa pamahiin na makapangyarihan ang haplos ng pagmamahal at nagagawa nitong bawasan ang sakit na nararamdaman ng pasyente.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.