34.3 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Pamahiin Para Hindi Makagat Ng Aso

Kung ikaw ay takot sa aso dahil sa ito ay nangangagat, dapat mo nang alisin ang iyong takot kung susundin mo lang ang sinasabi ng pamahiin tungkol dito. Narito ang ilang paniniwala na maaari mong gawin o balewalain.

1.Kapag ikaw ay napasubo sa alanganing sitwasyon, halimbawa ay may makakasalubong kang aso at walang ibang way kundi sa daan na merong aso, yung feeling mo ay hindi niya hahayaan na makalampas ka na hindi ka niya nakakagat o kaya ay hahabulin ka, usalin mo lang ng paulit-ulit ang katagang “San Roque aso nyo po, protektahan nyo po ako sa kanya.” Sapagkat si San Roque ang siyang patron ng mga aso.

2.May paniniwala rin ang mga matatanda na sa oras na ikaw ay habulin ng aso, umupo ka lang at huwag gagawa ng anumang pagkilos lalo na ang pagtingin sa mga mata nga aso. Sa oras na ito ay iyong gawin, ikaw ay tila magkakaroong ng tagabulag o yung kakayahan na maglaho sa kanyang paningin. Mapapansin mo na tila hindi ka na niya nakikita hanggang sa siya ay humakbang na palayo sa iyo.

3.Kung nais mo naman na maging maamo sa’yo ang isang aso, halimbawa, aso ng iyong kapitbahay na sa tuwing daraan ka ay kahol ng kahol na parang mana sa kapitbhay mo na galit na galit sa’yo kahit wala ka namang ginagawa, hindi mo siya kailangang lasunin o saktan para tumigil. Ang dapat mo lang gawin ay hagisan siya ng pagkain na nadilaan mo na o kaya ay pagkaing nginuya mo na at makikita mo sa susunod na pagdaan mo ay kakawag na ang buntot niya sa’yo.

Marami man ang takot sa aso ay marami ring nagmamahal sa mga ito. Itinuturing silang matalik na kaibigan ng mga tao kaya hindi natin sila dapat katakutan. Iwasan na lang natin ang mga aso na likas ang katapangan tulad ng mga askal. Pero aso pa rin sila na may katangiang ating magugustuhan at tulad ng mga tao ay may karapatan silang mabuhay ng Malaya.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.