27.3 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Pamahiin Libing: Mga dapat tandaan

Masakit mang tanggapin pero minsan, kinakailangan na talaga nating magpaalam sa napakahalagang tao sa ating buhay dahil siya ay inagaw na sa atin ng kamatayan. Kaya, wala na tayong magagawa kundi ang tuluyang mag-babu sa katotohanan na iyon. Nakalulungkot lang talaga ang mga alaalang magaganda na sa isipan mo na lamang mababalikan pa.

Gayunman, kahit sobrang sakit ang pagkawala ng iyong minamahal, hindi naman tamang umiyak ka na lamang nang umiyak. Kailangan mo rin siyempreng mag-move on. Iyon ang nararapat mong gawin. Isipin mo na lamang na buhay ka pa kaya marami ka pang magagawa para sa mga mahal mo sa buhay.

Ngunit, bago mo tutukan ang mga natitirang buhay, kailangan mo munang mag-concentrate sa mahal mo sa buhay na nakatakdang magpaalam sa’yo. Ang gusto kong sabihin sa’yo, makabubuti siguro kung intindihin mo munang sundin ang mga pamahiin sa libing. Huwag na huwag mong sasabihin na nasa modernong panahon na tayo, na isang kalokohan lamang ang tungkol sa mga pamahiin.

Oo nga, maaaring nasa utak lang natin ang mga paniniwalang ito, ngunit, wala namang masama kung susundin natin ang pamahiin lalo na’t sinasabing ang mga sumuway dito ay mamalasin o maaaring sumunod sa hukay. Naku po, hindi mo naman siguro nanaising mangyari iyon kaya makabubuti pang huwag mong susuwayin ang ilang pamahiing ito.

  1. Huwag hahabol sa libing – Ibig daw kasing sabihin nito ay gusto mong sumama sa namatay. Kaya kung sakaling hindi ka nakasama sa libing, makabubuti pang huwag ka na ring magpunta. Maaari mo namang ipagdasal na lamang ang kanyang kaluluwa. Mas maigi na iyon kaysa sundan ka pa ni Kamatayan.
  • Kung ilalabas na sa pinagburulan ang patay, tiyakin na unang ilalabas ang ulo – baka kasi kapag paa ang inilabas mong una ay bumalik pa siya sa mundong ito. Kaya, bigyan na natin ng katahimikan ang namayapa. Huwag mo nang gustuhin pang bumalik siya sa mundong ito. Tandaan mo, kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, sa oras ng kanyang kamatayan, iba na ang kanyang mundo.
  • Lagyan mo ng pera ang kamay ng bangkay habang nakaburol, kunin mo kapag ililibing na – maganda raw kasi iyong ipampuhunan sa negosyo. Ngunit, kailangan mo rin naman siyempreng magsipag para lumago ang iyong negosyo. Kaya, huwag na huwag mong palalampasin ang pagkakataon na ito. Baka ito na ang paraan para ikaw ay umangat ng husto sa buhay.
  • Putulin ang rosaryong ipapabaon mo sa patay. Kung hindi mo gagawin ito, baka magkasunud-sunod ang pagkamatay ng iyong kapamilya. Siguro naman ay hindi mo rin gugustuhin na maglibing nang maglibing ng kapamilya kaya huwag na huwag mong isnabin ang pamahiin nito.
  • Bulungan mo ang patay. Anuman daw ang kahilingan mo ay matutupad kapag ibinulong mo ang iyong hiling sa patay. Kalimitan, ang ibinubulong dito ay iyong baunin na ang sakit ng bumulong at mawawala na ang kanyang karamdaman. Huwag ka lang sanang hihiling ng mabigat sa namayapa niya dahil baka may mabigat na kapalit iyon.

Ito ay ilan lamang sa pamahiin na hindi mo dapat na kaliligtaan dahil makakatulong din naman ito para mapanatili mong maayos ang iyong buhay.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.