24.7 C
Manila
Tuesday, October 22, 2024

Pamahiin: APOY

Ano ang unang pumapasok sa isip mo kapag nababanggit ang apoy. Maaaring init, pagluluto, pagliliyab, sunog, o anupaman na pumasok sa iyong isipan. Tulad ng ibang may ginagampanang papel sa kalikasan, ang apoy ay nababalot din ng hiwaga at pamahiin.

Ang mga sumusunod ay ilan sa paniniwala kaugnay ng apoy.

1.Kapag ikaw ay nanaginip ng apoy, ito ay nangangahulugan ng kamalasan. Maaaring may mag-away sa pamilya. Subalit sinasabi rin na may paraan para makontra ito. Magsabit ka lamang ng tuyong seaweed sa ibabaw ng apoy.

2.Masama ang humawak ng salamin kung ikaw ay nasa harapan ng nagliliyab na apoy.

3.Sa England, may paniniwala na kapag ang isang cinder na may mahabang hugis ay tumalon mula sa apoy, ito ay indikasyon na may miyembro ng pamilya ang mamamatay. Sa Amerika naman kapag may tumalon na cinder mula sa apoy ang ibig sabihin nito ay may paparating na sanggol sa pamilya o kaya naman ay isang espesyal na bisita ang papunta sa inyong tahanan.

4.Sa England pa rin, naniniwala sila na kapag ang isang bahay ay nasunog , ang lugar kung saan ito nasunog ay hindi na maaring pagtayuan muli ng bahay dahil kamalasan na ang maghahari dito.

5.Huwag kang maghahagis ng tinapay sa nagliliyab na apoy dahil kapag ginawa mo ito ay para mong pinakain ang evil spirit at sa hinaharap ay makakaranas ka ng gutom.

6.Kung gusto mo naman na maprotektahan ang iyong bahay mula sa sunog, magsabit ka ng balat ng isang adder sa pasukan o pintuan ng iyong bahay.

7.Ayon naman sa katutubong paniniwala, huwag kang dudura sa apoy na bigla na lamang lumiyab dahil kamalasan ang idudulot nito sa’yo.

Ang mga paniniwalang ito tungkol sa apoy ay maaari ninyong paniwalaan at maaari rin namang hindi. Ito ay mga paniniwala mula sa iba’t-ibang bansa na akin lamang pong nakalap mula sa aking pagsasaliksik. Basta pakantandaan lang po natin lagi na huwag po nating hahayaan na paglaruan ng mga bata ang apoy upang hindi ito pagmulan ng sunog. Dapat din po nating pag-ingatan ang paggamit ng apoy halimbawa sa ating pagluluto, atin po itong bantayan. Sa mga may asawa, iwasan po natin ang maglaro ng apoy dahil kamasalan lang po ang idudulot nito sa ating buhay.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.