27.3 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

PAANO GINAGAMIT ANG FOUR-LEAF CLOVER BILANG LUCKY CHARM

Ikaw ay tunay na mapalad kung magagawa mong makahanap ng four-leaf clover. Napakabihira lamang ng four-leaf clover. Katunayan, isa sa 10,000 clover plant lamang  ang maaaring magtaglay nito. Hindi rin lahat ng clover plant ay may four-leaf clover.

Ayon sa nabasa ko, mas masuwerte ang four-leaf clover na mas maliit ang isang dahon kaysa sa tatlo. Ngunit, dahil napakabihira at napakahirap ngang makahanap ng four-leaf clover, maaari kang gumawa ng substitute nito. Puwede kang gumawa ng sarili mong four-leaf clover gamit ang green-colored paper o kaya ang green felt fabric.

Gumuhit lamang dito ng four-leaf clover at saka mo gupitin. Gaya ng aking sabi, mas masuwerte ang four-leaf clover na ang isang dahon ay mas maliit kaysa sa tatlo, kaya ganito ang itsura ng four-leaf clover na gawin mo.  Kung hindi ka mahusay mag-drawing, maaari rin na mag-print ka na lang mula sa computer at saka mo gupitin.

Upang magtagal ang buhay ng inyong hand-made four-leaf clover, maaari itong ipa-laminate. Upang magamit ang four-leaf clover lucky charm, hawakan ito sa pagitan ng inyong mga palad. Pagkatapos ay saka i-visualize ang iba’t ibang aspeto ng inyong buhay (love, wealth, career) na ibig ninyong maging masuwerte.

Dito muli papasok ang Law of Attraction. Magkaroon ng hindi matitinag na pananampalataya na ang hangarin ninyo ay matutupad.  Itago ang inyong four-leaf clover lucky charm sa inyong pitaka o wallet at hayaan lamang ito doon.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.