24.8 C
Manila
Friday, March 1, 2024

PAANO GINAGAWANG PAMPASUWERTE ANG KAMPANILYA O BELL

Sa spiritual world, ang tunog ng kampana ay isang uri nang pakikipag-ugnayan sa mga espiritu. Nagsisilbi rin itong tanda nang paparating na malakas na kapangyarihang supernatural, o holy power.

Ang salitang bell (kampana) ay may sagradong pinag-ugatan o origin.

Sa Islam, ang tunog ng batingaw ng kampana ay ginamit upang ilarawan ang tunog na maririnig sa Revelations ng Qu’ran.

Sa Buddhism, ang kalembang ng golden bell ay katumbas ng mga makalangit na tinig.

Ang tunog ng kampana ay isang paalala na tulad ng tunog (sound), ang mundong ito ay hindi maaaring ariin ninuman. Ito ay malayang magagamit ng lahat ng nilalang.

Makikita sa mga bubungan ng Pagoda ang maraming kampanilya na sumisimbolo sa mga Batas ni Buddha na dapat maririnig ng lahat ng tainga. Ito ay ginagamit rin na pantaboy sa lahat ng masasamang entity.

Ang mga kampanang makikita sa mga simbahang Katoliko ay ginagamit  sa iba’t ibang kadahilanan tulad ng babala  nang paparating na bagyo, kasal, binyag, pagdating ng isang mahalagang panauhin sa bayan, at higit sa lahat, pantawag sa mga taumbayan upang dumalo ng misa.

Ang kampana ay itinuturing na sagrado.

Sa Buddhist Drilbu o Hindi Ghanta, ang kampana ay katumbas ng tunog ng kalikasan.

Ang malamyos na batingaw ng kampana sa katahimikan ng simbahan bago ang pagsisimula ng misa ay nagbibigay ng calming atmosphere. Sa spiritual world, ito ay isang uri ng paanya sa mga good spirits, at pantaboy naman sa mga masasama.

May isang uri ng bell na ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa spirit world. Ang bell na ito ay yari sa amalgam ng pitong sagradong metal na sumasagisag sa pitong planeta. Ang bell na ito na may nakaukit na Tetragrammaton at planetary seals mula sa alchemy ay pinaniniwalaang nagtataglay ng kapangyarihang tawagin ang espiritu ng isang yumao mula sa dako pa roon. Ang bell na ito ay magkakaroon ng ganap na kapangyarihan pagkatapos itong ibaon sa isang sementeryo sa loob ng pitong araw at pitong gabi.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.