Maging ito man ay hinog o hilaw, ang pomelo ay itinuturing na lucky fruit.
Sinasabing ang pomelo ay nag-aakyat ng suwerte sa bahay.
Kaugalian ng mga Tsino na palamutian ang kanilang mga tahanan ng isa o dalawang pares ng pomelo.
Mas mainam ang magkaparehang pomelo dahil na rin sa kasabihang, “all good things come in twos”.
Ang pomelo ay simbolo ng pampamilyang pagkakabuklod.
Maaaring ilagay sa bowl ang dalawang piraso ng pomelo na siyang ilalagay sa gitna ng center table sa salas.