23.7 C
Manila
Tuesday, October 22, 2024

PAANO GAGAWING PAMPASUWERTE SA BIGAS: BUKOD SA PAGIGING PAGKAIN

Bigas ang isa sa staple food nating mga Pilipino. Bukod sa pagiging pangunahing pagkain, ang bigas ay simbolo ng kasaganahan/prosperidad, tagumpay, fertility, at magandang kalusugan.

Bilang sagisag ng masaganang kabuhayan, napakahalagang isaalang-alang ang paraan ng pag-iimbak ninyo ng bigas sa inyong bahay upang maging masuwerte ang inyong kabuhayan at tahanan. Gumamit lamang ng ceramic, clay o glass canister bilang imbakan ng bigas. Huwag kayong gagamit ng plastic wares.

Ang paglalagay ng bigas sa isang cheap plastic container ay pagpapakita ng kawalang-galang at pagpapahalaga sa inyong kayamanan. Ngunit kung hindi maiiwasan, pumili ng plastic ware na may magandang kalidad.  Pumili ng ceramic, clay o glass canister na makulay at may magandang mga patterns.

Ang magandang lalagyan ng bigas ay tanda ng pagrespeto at pag-iingat ninyo ng kayamanan Punuin ng maraming pera o barya ang ilalim ng bowl/canister bago ito lagyan ng bigas. Maaari ring isilid ang mga pera at barya sa red Chime money envelope.

Ang pinakamagandang puwesto kung saan dapat ilagay ang bigas ay sa isang cabinet na may pintuan. Ito ay simbolo na iniingatan ninyo ang inyong kayamanan. Huwag din ninyong hahayaang mawalan kayo ng bigas sa bahay. Siguruhin na laging puno o hindi masasaid ang laman ng inyong bigasan. Ang walang lamang bigasan ay simbolo ng kamalasan at kahirapan sa mga nakatira sa bahay.

May kasunod pa, kaya abangan ang susunod na isyu!

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.