28.1 C
Manila
Saturday, October 12, 2024

PAANO GAGAWING PAMPASUWERTE ANG KANDILA

Ginagamit ang kandila sa Feng Shui. Sa Feng Shui, ang kandila ay sumisimbolo sa elemento ng Apoy. Ginagawa nitong warm and pleasant ang isang tahanan. Ayon sa ancient Chinese Feng Shui home decorating principles, makatutulong ang mga kandila upang ma-achieve ang state of energetic balance. Iniimbitahan ng mga kandila ang warmth Fire Element sa loob ng bahay na nakaa-attract ng suwerte, kasaganaan, at kayamanan.

Sa Feng Shui, mahalagang i-consider ang direksiyon o posisyon nang paglalagyan ng mga kandila—at ito ay sa central part o sentro. Ang South, Southwest, at Northeast areas ng bahay ay maganda rin sa Feng Shui.   

Mainam ikonsidera ang kulay ng kandila kung saan ito dapat ilagay o ipuwesto. Ang mga kandilang kulay red, orange, at yellow ay sumisimbolo sa “puso ng bahay” (home hearth) kaya nararapat lamang na ito ang mga kandilang ilagay sa pinaka-sentro ng bahay. Ang kakaunting furniture o abubot sa tahanan ay nakatutulong sa malayang pagdaloy ng Chi energy, at ang kandila ay makatutulong upang ma-boost ang pag-circulate ng Chi energy.

Sa Feng Shui, mahalaga rin ang kulay ng mga kandila.  Ang mga kandilang kulay red, orange at yellow candles ay sumasagisag sa Fire element. Ang mga kandilang kulay red, orange or yellow colors, na sinamahan o hinaluan ng mga kandilang kulay black, purple, blue at green candles ay nagpapakilala o nagpapakita ng limang Feng Shui elements, na nakaugnay sa balanseng personal, social at spiritual life.

Ang mga wooden materials, candle holders, decorative leaves, fruits, berries at iba pang wooden decorations na sinamahan ng reddish brown color candles ay dapat ilagay sa East (Silangan) sapagkat sa Feng Shui, ito ang portion sa bahay para sa health at happy family.

Ang Southeast portion ay mainam para sa money at prosperity. Ang red, orange, at yellow candles, kung ilalagay sa South portion ng bahay, ay maghahatid ng katanyagan at tagumpay. Para sa love, sa southwest portion ng bahay ilagay ang red, orange, o yellow candle.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.