Lahat naman siguro ay naglalagay ng basahan o rug sa harap ng main door.
Maaari mong gawing lucky charm o pampasuwerte ang mismong basahang iyan sa inyong pintuan.
Paano?
Simple lang.
Maglagay ng tatlong barya sa ilalim nito na nakapuwesta paitaas o pa-vertical, at hindi pa horizontal, upang ito ay magmukhang arrow na magga-guide sa financial energy papasok sa inyong bahay.
Wala namang mawawala kung susubukan. After all, kaya nga feng shui. Wala itong scientific logic at naka-base sa spiritual at magical point of view ng mundo.
You attract what you think and you receive what you believe!
Good luck!