32.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Napapanaginipan ang ex-boyfriend

Tunghayan natin ngayon sa Isyu 236 ang panaginip ni Jewel tungkol sa kung bakit magpahanggang ngayon ay napapanaginipan pa rin niya ang kanyang ex-boyfriend kung saan, ang mga tagpo ng kahapong nagdaan ay sadya namang sobrang sweet at napakasarap talaga.

Gusto ko lang pong itanong kung bakit hanggang ngayon ay napapanaginpan ko pa yong ex-boyfriend ko na sobrang tagal na po naming hiwalay. Hindi ko naman siya iniisip. At sa ngayon ay may asawa at anak na po ako. Siguro dahil ang gulo lang kasi ng sitwasyon namin dati, Maestro, kaya ko siya siguro napapanaginipan. Dahil ang totoo nito naghiwalay po kami noong umalis ako papuntang Japan. Tapos pag-uwi ko, bigla na lang siyang pagpakita sa akin at sobrang sweet kami na parang walang nangyari. Tapos umalis ako na hindi nakapagpaalam sa kanya na hanggang ngayon ay wala na kaming balita sa isat isa. Tapos, madalas ko na siyang napapanagnipan sa ngayon na sobrang sweet daw namin. Basta, Maestro, naguguluhan ako.

KASAGUTAN:

Kapag may “unfinished business” ka sa isang taong mahal mo o sa isang taong naging bahagi ng buhay mo at ang “unfinished business” na iyon ay “parang bitin talaga” tulad ng “dati kayong nagmamahalan” pero “walang pormal na  pagpapaalaman sa isa’t isa” bigla kayong nagkahiwalay at hindi na nagkitang muli, kapag ganoon ang sitwasyon, siyento-porsiyento o 100% mapapanaginipan mong lagi ang presensya ng nasabing tao na may “nabitin o may naunsyaming  pagmamahalan sa pagitan ninyong dalawa.”

Dagdag dito Jewel, kung sa reyalidad ng buhay ay may salitang “matagal” sa tunay at talagang nagmamahalan, “walang matagal”, sa halip masasabing ang lahat ay “sa sandaling pangyayari lang kahapon”.  Oo ang kahapon at ang ngayon ay madaling nagdudugtong, dahil sa salitang “buhay na pag-ibig at hindi nalalantang pagmamahalan!” Ganoon ‘yon!

Kaya wag ka ng maguluhan, Jewel, dahil natural lang naman na kapag hindi naging maayos ang paghihiwalay ninyo ng isang taong sobrang malapit sa puso mo  o sabihin na nating kapag hindi naging maayos ang paghihiwalay ninyo na para bang“walang formal closure”  yong “masasarap na karanasang dati ninyong pinagsaluhan” ay talaga at sadya namang “patuloy na nakasaksak” sa bahagi ng iyong isipan na kung tawagin ay “mga buhay na alaala”, na anumang sandali ay maaaring “muling ma-retrieve.”

Kung saan, matapos “ingatan ng mahiwaga mong utak ang mga buhay na alaala”  nagagawang “i-rewind” o “balikan” ng isipan ang masasayang pangyayaring patuloy na iniingatan ng “isang bahagi ng ating memorya o alaala” na siya namang nagiging bunga “ng hindi inaasahang panaginip” sa panahong ang isang tao ay mahimbing na natutulog.

Ibig sabihin, bagamat sa reyalidad ay “patay na ang kahapon, tapos na ang nagdaang relasyon ninyo ng boyfriend mo” sa daigdig ng “unconscious self” na may sarili talaga silang mundo, “wala sa kanila ang salitang patay na kahapon, wala sa kanilang tinatawag na nagdaang relasyon” sa halip, ang lahat ng sukat, panahon at bagay na iniisip nating malabong mangyari ay sadyang napangyayari ni “unconscious self”  sa pamamagitan ng “panaginip!”

At sa panaginip na ito, tila ang lahat ng bagay at mga pangyayari ay parang totoong-tooo talaga, tulad ng romansa at masarap na pagsasama ng dalawang pusong nagmamahalan.

Sa madaling salita Belle, itago mo mang pilit at ilihim, na kahit na sabihin pang may asawa at anak ka na, dalawang bagay lang ang ibig ipahiwatig ng inyong panaginip na kasama mo ang iyong ex-boyfriend at ang sweet-sweet n’yo pa talaga sa inyong panaginip:

Una, ito ay nagpapahiwatig na unconsciously mahal mo pa rin sa kasalukuyan ang dating boyfriend o kaya naman’y unconsciously mahal ka pa rin  ng dating boyfriend mo.

At dahil hindi nga mapapasubaliang magpahanggang ngayon ay kapwa nagmamahalan pa rin kayo, hindi talaga maiiwasang lagi n’yong mapapanaginipan ang isa’t-isa sa tagpo na sadya namang “very sweet moments” talaga.

Na nangangahulugang walang duda at kumpirmadong-kumpirmado talaga, na kahit hindi na kayo nag-uusap sa ngayon, “longing, hanap o miss na miss nyo pa rin ang presensiya ng isat-isa. Oo kinauuhawan nyo pa rin ang isa’t-isa at kung kailan “titighawin o matitighaw o mapaparam o maisasakatuparan ang pananabik at ang pagkauhaw nyong ito sa isa’t isa upang muli kayong magsalo sa sarap at ligaya, sa ngayon walang makasasagot, dahil tanging  ang tadhana o ang kapalaran lamang ang nakakaalam?”

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.