27.6 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Napanaginipan ang dating bahay

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni  Cherry Anne tungkol sa bumabalik-balik siya sa dati nilang lumang bahay.

Madalas po akong managinip ng ibat ibang uri ng bahay. May bahay na maganda at may bahay na pangit. Pero nitong huli, sobrang nabahala ako  kasi dumadalas na puro ganito ang panaginip ko. sa  panaginip ko na paulit-ulit akong bumabalik sa dati naming bahay noong mga bata pa kami?

KASAGUTAN:

Kung wala kang sariling bahay sa ngayon o sa sabihin na lang nating nangungupahan ka, malamang na managinip ka nga ng bahay, dahil ito ang tinatawag na “wish fulfillment dreams.”

Ibig sabihin, sa pamamagitan ng panaginip, Ang mga pangarap at kahilingan natin sa buhay ay nagkakatotoo, habang tayo’y natutulog sa pamamagitan ng panaginip.”

Sinasabing nanaginip din ng bahay at hindi lang bahay minsan ay “bagong tayong house and lot” silang mag-asawa na bagong kasal na nangangarap magkaroon ng sariling lupa at bahay. Ito ay isang uri ng tinatawag na “wish fulfillment dreams” tulad ng naipaliwanag na sa itaas.

Samantala, tunghayan naman natin ngayon ang iba pang kahulugan ng bahay sa panaginip:

Sa makaluma o pang-tradisyunal na kahulugan ang bahay sa panaginip ay nagpapahiwatig ng tranquility — kapayapaan ng isip at pagkakaisa. Dahil ang bahay ay ang tirahan ng pamilya at pahingahan ng mag-anak, sa sandaling ito ay napanaginipan ito ay nagpapahiwatig din pag-ibig sa kadugo o sobrang concern mo sa iyong family o sa bawat miyembro ng iyong pamilya kaya humulagpos sa unconscious mong isipan ang bahay.

Maaari ring sa mga sandali ng iyong panaginip, kung ikaw ay nag-iisa at walang sariling pamilya, “wish mong magkaroon ng family” na aagapay at makakakuwentuhan mo hinggil sa iyong mga pagkabahala at problema sa kasalukuyan. 

Dahil ang buhay ay may pundasyon at kumpleto ang bawat bahagi nito — pintuan, bintana, silid tulugan, silid kainan, sala at iba pa, ang bahay sa panaginip ay nagpapahiwatig din ng  harmony ng isipan at integridad ng inner self.

Kung ang bahay kubo o bahay ng mahirap lang ito ay tanda na satisfied ka na sa kasalukuyang kalagayan mo sa buhay, kahit ikaw ay mahirap lamang. Dahil dito kapag laging kubo o maliit na bahay lang ang iyong malimit mapanaginipan, ito ay nagpapahiwatig na sa kasalukuyan malabo kang yumaman.

Kung tama lang ang laki ng bahay, hindi maliit at hindi naman kagandahan o kalakihan, ito ay napapahiwatig na sa kasalukuyan mong status na masasabing nasa “middle class” satisfied ka na o masaya ka na sa iyong kalagayan.

Kung ang bahay sa panaginip ay malaki, maganda, magara at pangmayaman, ito ay tanda na sa kasalukuyan ang iyong “unconscious self” ay nangangarap pa o naghahangad pa ng “something more” sa kanyang buhay  o karagdagan pang achievement sa lipunang kanyang ginagalawan. Kung medyo may kaya na siya sa buhay at bahagyang nakakariwasa, ang panaginip na maganda at malaking bahay ay nagpapahiwatig na nangangarap kang yumaman, na kung lagi mong napapanaginipan ang nasabing maganda at magarang bahay ito ay tanda ng kasaganahang pang matateryal hanggang sa tuluyang yumaman.

Sa moderno o pang-psychology na interpretasyonang bahay sa iyong panaginip ay ikaw mismo. Ang kasalukuyang kalagayan ng iyong pagkatao.

Kaya kung maganda ang bahay na napanaginipan mo, ibig sabihin nito, maganda rin ang outlook in life mo sa kasalukuyan at puwede ring sabihing “spiritually at physically fit” ka sa mga panahong nanaginip ka ng maganda, maaliwalas at maayos na bahay.

Sa kabilang banda, kung ang bahay ay may sira, tulad ng bakbak na kisame, ito ay tanda na may problemang malalim ka sa kasalukuyan na may kaugnayan sa iyong “spiritual self” o dili naman’y naghahanap ka ng malalim na kahulugan ng buhay.

Minsan naman sira ang kisame ng bahay sa’yong panaginip, dahil sa mga panahong iyon hindi mo na nabibigyan pansin ang “spiritual side” at “inner side ng iyong pagkatao.”

Samantala, ang bagong bahay sa panaginip ay tanda ng bagong simula, bagong ideya at ang bagong mga plano at gustong gawin sa kasalukuyan mong buhay.

Ang   lumang bahay naman na marami ng sira-sirang bahagi ay “representasyon ng kalusugan, maaaring stress ka sa kasalukuyan o aktuwal kang may karamdaman kaya nanaginip ka ng bahay na maraming sira at nangangailangan ng “house repair.” Ibig sabihin,  ikaw ay nangangailangan ng medical check-up o kaya’y dagdag na pahinga, regular exercise  at relaxation upang bumalik uli ang malakas at malusog na pangangatawan.

Dahil ang bahay sa iyong panaginip ay ikaw din kapag ka maganda ang bahay na iyong napanaginipan, ibig sabihin nito “maganda ang tingin sayo ng mga tao at sa iyong pamilya” ng lipunan na iyong kinabibilangan.

Kung pangit naman ang buhay, vice-versa, pangit din ang kasalukuyang tingin sa iyo ng lipunang iyong kinabibilangan kung kaya’t dapat mong “i-remodel or i-renovate” ang nasabing buhay upang kuminis, umayos at gumandang uli ang sarili mong pagkatao.

 Ngunit, ang  kakaiba sa panaginip mo, Cherry Anne,  tungkol sa bahay ay iyong “paulit-ulit kang bumabalik sa dati n’yong bahay noong bata ka pa.”

Ito ay nangangahuluhang “may nais balikan si unconscious self mo sa nasabing lumang bahay noong bata ka pa.”  At ang maitatanong mo ay “ano naman kaya ang nais balikan ni unconscious self sa lumang bahay?”

Ang sagot ay ganito: Bumabalik ka sa dati ninyong bahay noong bata pa kayo  dahil, “parang gustong sabihin ng unconscious self mo na“sana bata pa ako sa ngayon or sana ang buhay ay gaya na lang noong dati.”

Pero, mapapaisip ka “kung bakit kaya ganoon ang gustong sabihin sa iyo ni unconscious self mo?”

Maaaring “bumabalik ka sa luma o dating bahay ninyo noong bata ka pa, tulad ng nasabi na may nais kang balikan, may nais kang baguhin, o maaari ring may nais kang itama?”

Kaya nga, Cherry Anne, kung pagtutugma-tugmain ang mga interpretasyong inilahad sa itaas, lumilinaw na ang kahulugan ng iyong panaginip:  “bumabalik si unconscious self sa nakaraan niyang buhay o nakaraang pangyayari, dahil nami-miss niya ang nakaraan. Nami-miss niya ang nakaraan, dahil siguradong nalulungkot siya sa kasalukuyan, malamang na “void” o  umiiyak ang puso niya sa ngayon  kaya gusto niyang bumalik sa dati nilang bahay.”

Sa madaling salita, “may malalim kang problema sa ngayon, at ito ay may kaugnayan sa pamilya. Kaya nais mong bumalik na lang sa nakaraan, noong mga bata pa kayo. Noong araw na masaya pa ang buhay at walang problema, upang kahit sandali, kahit sa panaginip lang ay muling sumaya at maging maligaya ang magulong sitwasyon ng buhay ninyo sa  ngayon.”

Kaya ang payo, Cherry Anne, matulog kang muli  at sa sandaling nanaginip ka ng bahay, siguraduhin mong ang bahay na mapapanaginipan mo“ay isang bahay na maganda, moderno at ang mismong bahay ninyo sa kasalukuyan” –  na nagpapahiwatig na “ganap ka ng nakapag-move on sa ngayon” naghilom na ang iyong “regression”, kung saan, sa kasalukuyan ikaw ay isang matured,  matagumpay at maligaya nang nilalang.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.