26.1 C
Manila
Monday, July 22, 2024

MGA URI NG PENDANT NA MAY HATID NA SUWERTE AT PROTEKSIYON SA MAGSUSUOT

Maraming uri ng lucky charm ang maaaring gamitin upang i-attract ang positive energy ng universe patungo sa iyo. May mga lucky charm na maaaring itago sa loob ng bag or wallet. Mayroon din na maaaring isabit sa bahay; o kaya naman ay gawing palamuti o accessories sa katawan.

Kung ikaw ay mahilig magsuot ng kuwintas, maaari mong i-incorporate ang lucky charm dito sa pamamagitan ng pagpili ng mga itinuturing na lucky charm pendant.

1.   Aventurine Pyramid Pendant. Ang Aventurine ay nagtataglay ng maraming healing effects. Ang gemstone na ito ay siksik ng energy na nagkakapag-stimulate ng empathy, creativity, at calmness. Pinapabuti rin nito ang nerves at blood pressure ng nagsusuot. May kakayahan itong i-block ang anumang uri ng negativity.

2.   Acorn Pendant. Ang acorn harbinger ay nakaugnay sa patience. Samakatuwid, angkop ito sa mga nangangailangan ng tiyaga at focus sa kanilang trabaho.

3.   Wishbone Pendant. Ang wishbone ay sagisag ng positibong pag-asa. Angkop ito upang ma-attract ang positive vibes at hope sa buhay, lalo na kung ikaw ay dumaranas ng depression at anxiety.

4.   Green Quartz Good Luck Amulet Medallion Pendant. Ito ay nakaugnay sa healing at money powers. Gamitin ang lucky charm pendant na ito upang ma-attract ang positive energy ng universe at mag-manifest ang lahat ng iyong intention at desire, lalo na pagdating sa kasaganahan.

5.   Four Clover Leaf Pendant. Ang four clover leaf pendant ay isa sa itinuturing na pinakamakapangyarihang lucky charm. Karaniwan itong ginagamit upang suwertihin sa sugal. Maaari rin itong pampasuwerte sa paghahanap ng trabaho at sa negosyo.

6.   Horseshoe Pendant. Isa ito sa pinaka-popular na anyo ng lucky charm. Sa Pilipinas, nakaugalian na ang paglalagay ng sapatos ng kabayo sa front door sa paniniwalang sisipain nito papasok sa tahanan ang suwerte.

7.   Rose Quart Pendant. Ang Rose Quart ay nakaugnay sa love at healing. Ito ang angkop na lucky charm sa mga naghahanap ng suwerte sa pag-ibig at pakikipagkaibigan.

8.   Baby Elephant Pendant. Ang elepante ay itinuturing na suwerteng hayop ng Western at Eastern Astrology. Ito ay simbolo ng katanyagan at kayamanan.

9.   Crescent Moon Pendant. Ang buwan ay simbolo ng mystic knowledge and wisdom. Nakapagbibigay ito ng positive energy, healing at wisdom.

10. Evil Eye Pendant. Ito ay makatutulong  upang kontrahin ang anumang uri ng negative energy at sumpa. Pangontra ito sa usog o balis, at inggit.

Tandaan na ang susi upang gumana ang lucky charm ay ang pagkakaroon ng faith at kagalakan sa paggamit nito. Samakatuwid, pumili ng pendant na angkop sa iyong porma at kung saan ka komportable upang maging kaisa ninyo ang suot ninyong lucky charm. Higit sa lahat, pumili ng lucky charm na angkop sa iyong pangangailangan.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.