27.8 C
Manila
Tuesday, September 10, 2024

MGA URI NG BUDDHA AT WASTONG LOKASYON KUNG SAAN SILA DAPAT ILAGAY UPANG MA-ATTRACT ANG SUWERTENG HATID NILA

 Tiyak ay pamilyar na kayo sa Buddha Statue. At tiyak, napapansin rin ninyo na nagkakaiba-iba ang itsura o representasyon ng Buddha.

 Alam ba ninyo na may tamang lokasyon kung saan dapat ilagay ang Buddha sa loob ng inyong tahanan depende sa kaniyang itsura?

1.   Laughing Buddha—Mainam itong ilagay sa living room kaharap ng front door.

2.   Meditation Garden Buddha—Ito ang Buddha na nakasalampak at tila nagme-meditate. Angkop itong ilagay sa garden o labas ng bahay.

3.   Buddha na may Wu lou o Calabash gourd—Ito ang Buddha na may bitbit o dalang money bags o kaya ay wo lou (calabash) na isang hourglass-shaped gourd  na simbolo ng healing, long life at good health. Mainam ilagay sa East sector o portion ng bahay ang ganitong uri ng Buddha sapagkat ito ay ang health corner. Maaari rin itong ilagay sa East portion bilang pampasuwerte sa kabuhayan ng panganay na anak.

4.   Buddha na may Gold ingot—Ito ay ang Buddha na nakatayo. Dapat siyang ilagay sa North (career) o Southeast (wealth) sector ng tahanan.

5.   Buddha na may pasang limang bata—Ang ganitong uri ng Buddha ay karaniwang ginagamit ng mga gustong magkaanak. Mainam itong ilagay sa West sector ng tahanan  upnag ma-attract ang kaligayahan at kasaganahan sa buhay ng iyong mga supling o anak.  Maaari rin itong ilagay sa health sector na nasa East portion ng bahay upang ma-attract ang magandang kalusugan ng mag-anak.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.