Maraming lucky charm ang mabibili sa merkado na makatutulong upang ma-attract ang kayamanan at prosperidad.
Isa sa pinaka-karaniwang lucky charm na tumatawag ng kayamanan at prosperidad ay ang Maneki-neko o lucky cat. Ito ang pusang kumakaway-kaway at sinasabing tumatawag ng suwerte. Kadalasan itong inilalagay sa mga establishment o tindahan.
Ang pagsisindi naman ng insenso o Chinese incense ay pinaniniwalaang nakapagtataboy ng negatibong enerhiya at masasamang espiritu. May iba’t ibang uri ng insenso dapende sa iyong pangangailangan. Ngunit ang kulay pula ay isa sa pinakapaboritong kulay dahil ito ay naghahatid ng suwerte sa negosyo at tahanan.
Isa ang prinsipyo ng mga pampasuwerte o lucky charm. KUNG NANINIWALA KA, SO BE IT. MAGAGANAP IYON. KUNG HINDI, WALANG EPEKTO SA IYO.
Ang paglalagay o paggamit ng lucky charm sa paniniwalang ito ay makaka-attract ng suwerte ay manifestation ng iyong faith o pananampalataya. At walang imposible sa taong may positibong pananaw at pananamalataya.
Sa law of attraction, YOU ATTRACT WHAT YOU THINK AND YOU RECEIVE WHAT YOU BELIEVE!