27.2 C
Manila
Saturday, June 22, 2024

BAKIT MAINAM KUNG MAGSASABIT TAYO NG BAWANG SA PINTUAN AT MGA BINTANA NG BAHAY

 Siguro, lahat ng bahay ay may bawang sa kusina. Isa kasi sa pangunahing pampalasa sa mga lutuin ang bawang.

        Noong araw sa probinsiya namin, nakaugalian ng aking mga magulang na isabit ang bawang sa banggerahan. Ito iyong parte ng kusina na nakabukas at kung saan inilalagay ang mga pinggan, baso, at kaldero para matuyo. Noon ay ordinaryo lang sa mga bahay, lalo sa probinsiya, ang may banggerahan. Sa panahon ngayon, parang hindi na safe ang banggerahan dahil puwedeng ito ang gawing pasukan ng mga magnanakaw.

        Mabalik tayo sa bawang. Noong araw nga, isinasabit lang namin ang bawang sa aming banggerahan. Noon kasi, mura lang ang bawang at ang bentahan nito ay bungkusan. Hindi inaalis ang bawang sa ugat na siyang itinitirintas para isabit.

        Isinasabit namin ang mga bawang upang magtagal ang buhay nito. Sabi kasi ng aking tatay, aamagin raw o magbubukbok ang bawang kapag inalis sa ugat saka itinago ng sama-sama sa iisang lalagyan. Isa pa na sabi ng aking tatay, pangontra rin ang bawang sa mga asuwang at masasamang espiritu. Noong bata ako, talamak pa sa probinsiya namin ang paniniwala sa mga asuwang at lamang-lupa.

        Ngunit, alam ba ninyo na praktikal talagang isabit ang mga bawang sa pintuan at mga bintana? Ayon sa Science, ang bawang ay may property na kayang mag-absorb ng toxic air substance. Ang pagsasabit ng isang buong bawang sa pintuan at bawat bintana ay magsisilbi mong natural air purifier.

        Bonus na lang kung naniniwala ka rin na pampasuwerte ang bawang.

        Tip: Palitan ang bawang na nakasabit sa pintuan at mga bintana kapag ito ay tuluyang natuyo na.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.