27.8 C
Manila
Tuesday, September 10, 2024

MGA KAKAIBANG PANINIWALA SA IBA’T IBANG PANIG NG MUNDO

Ang pamahiin ay bahagi ng di-materyal na kultura o intangible cultural heritage na nagpapasalin-salin sa iba’t ibang panahon at henerasyon. Ang pamahiin o superstition ng isang lugar ay masasabing kasintanda o mas matanda pa kasya sa bayang pinagmulan nito. Likas sa mga tao ang pagiging mapamahiin at maging sa modernong panahon ay mababakas pa rin ang impluwensiya nito sa ating pamumuhay.

         Narito ang ilang sa mga unique superstitions mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang ilan dito ay lubhang kakatwa at iisipin mo kung bakit ito pinaniwalaan ng mga tao.

1.   BRAZIL:   Pinaniniwalaan sa bansang ito na malas magpatong o maglapag ng bag at pitaka sa sahig. Sinasabi na sa sandaling mailapag o maihulog mo ang iyong bag o pitaka sa sahig, ikaw ay mawawalan ng pera.

2.   CHINA:     Ang number 4 at iba pang numero na associated dito tulad ng 14, 24, etc., ay ikinokonsiderang malas o unlucky. Sa katunayan, ang Chinese pronunciation ng salitang “four” ay katumbas ng “death” o “kamatayan”. Sa China, hindi mo makikita ang number 4 sa anumang buildings, plate numbers, at iba pa. Maging ang numbers 13 at 23 ay pinaniniwalaang malas, kaya hindi nila ginagamit ang mga numerong ito sa elevator.

3.   UNITED STATES:  Sa buong estado, partikular na sa state ng Vermont, ang mga 19th century farmhouses ay may slanted windows sa bubungan dahil sa paniniwala nilang hindi makapapasok ang mga witches na nakasakay sa kanilang flying broomsticks sa mga titled opening o nakapaling na butas.

4.   EGYPT:     Pinaniniwalaan sa bansang ito na ang nakabukas na gunting ay tiyak na maghahatid ng kamalasan. Para sa mga Ehipto, ang gunting ay may malaking kaugnayan sa espiritualidad. Maging ang simpleng pagbubukas-sarado ng gunting kung hindi mo naman gagamitin ay kinokonsiderang bad omen. Ngunit, naniniwala rin ang mga Ehipto na ang paglalagay ng gunting sa ilalim ng unan ay proteksiyon laban sa bangungot.

5.   ZIMBABWE:      Labis na pinahahalagahan ang mahika sa bansang ito. Kadalasan, upang maiwasan ang extra-marital affairs, ang mga lalaki ay nagbabanggit ng spell sa kanilang mga esposa upang maiwasang makapag-commit ng adultery. Ngunit, sa sandaling ang kapareha nila ay nagtaksil, sila ay maaaring magsagawa ng “durawalling” o isang binding ritual upang hindi na sila magkahiwalay pa.

6.   JAPAN:    Ipinapayo sa Japan na sa panahong masungit ang panahon, lalo na kung may thunderstorms, ikaw ay dapat magtakip ng kumot sa iyong tiyan sa pagtulog. Pinaniniwalaan kasi sa bansang ito na kakainin ng God of Thunder na si Raijin ang iyong belly button habang ikaw ay natutulog. Pinaniniwalaan rin na gustong-gusto ni Raijin na matulog sa human navel.

7.   RUSSIA:    Ang mga basyong bucket o kinakalawang o sira-sirang timba ay ipinagpapalagay na malas at naghahatid ng kamalasan sa bansang ito. Ang mga street cleaners ay pinapayuhahng itago ang kanilang mga walis at iba pang cleaning supplies dahil malas rin na nakakalat ang ang kagamitang panlinis sa Russia.

8.   SPAIN:              Pinaniniwalaan ng mga Espanyol na ang pagkain ng 12 grapes o ubas sa hatinggabi ng New Year’s Eve ay maga-attract ng suwerte at kaligayahan sa buong taon.

9.   SWEDEN:  Ang mga Swedish ay umiiwas na matapakan o mahakbangan ang mga manhole covers dahil ito ay malas. Kadalasang minamarkhan nila ng letrang “K” at “A” ang mga manhole covers. Ang letrang “A” sa Swedish word ay nangangahulugan ng “fresh water”, or “love”; at ang letrang “A” ay nangangahulugan naman ay “sewage” o “broken heart”. Ang dami ng “K” at “A” na madadaanan mo ay pinaniniwalaang magiging hint o palatandaan ng magiging kapalaran o tadhana ng buhay pag-ibig mo. Kung aksidente mo namang mahakbangan o matapakan ang manhole cover na may letrang “A”, ang bad luck na hatid nito ay maaaring makontra sa pamamagitan ng pagpapabatok mo sa iba ng tatlong beses.

10.                   SERBIA: Kung ikaw ay may job interview o kaya ay may bagong proyektong sisimulan, pinaniniwalaan na susuwertihin ka kapag nagpabuhos ka ng tubig sa iyong likuran. Ang tubig ay sumisimbolo ng fluidity and peace, kaya sinasabing ang pagbubuhos nito sa iyong likuran ay pagi-invite na rin sa calm and confidence.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.