27.7 C
Manila
Friday, September 13, 2024

MGA DO’S AND DON’TS SA PAGLALAGAY NG BAGUA MIRROR

Isa sa rule nang paggamit ng Bagua ay huwag itong ilalagay sa loob mismo ng bahay o opisina. Laging isasaisip na ang Bagau ay hindi isang home décor lamang.

        Sa pagbili ng Bagua, piliin lamang ang gawa sa kahoy. Huwag bibili ng Bagua na yari sa metal, plastic, at iba pang kahalintulad na materyales.

        Sa pagkakabit ng Bagua, tiyakin na ang tatlong solidong linya ay nasa itaas. Ito ay upang maharangan ang anumang matatalas o may tulis na bagay tulad ng traffic, lampposts, at iba pang direksiyong tumutumbok sa inyong bahay/opisina/tindahan (kalsadang tumbok, kanto o corner ng kalapit-bahay, o anumang bagay na nakatutok o nakatumbok mismo sa direksiyon ng harap ng inyong bahay/opisina/tindahan.

        Karaniwang isinasabit ang Bagua sa ibabaw ng front door. Huwag maglalagay ng higit pa sa dalawang Bagua sa inyong tahanan/opisina/tindahan. Ang tanging lalagyan lamang ng Bagua ay ang front door, at back door. Ito ay upang ma-deflect ang negative Chi o Sha Chi.

        Tandaan na ang Bagua ay may malakas na kapangyarihang taglay kaya mahalagang isaalang-alang ang paggamit nito, hindi lamang sa iyong sariling kapakanan kundi ayon din sa ikabubuti ng iyong kapuwa.  Samakatuwid, huwag gagamitin ang Bagua kung ang intensiyon ay magdulot ng kamalasan sa inyong kapitbahay/kalapit-puwesto o tindahan. Tandaan, “karma is real”.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.