25.9 C
Manila
Sunday, October 20, 2024

MATUTO NG ASTRAL TRAVELING

Ang kakayahang makapag-astral travel ay lubhang nakamamangha. Ilan na rin ang sumubok, at sumusubok, ng mga paraan upang magawa ito. Ang astral traveling, o astral projection, ay isang kaganapan kung saan humihiwalay ang espiritu sa katawang-lupa upang maglakbay sa astral plane.

Hindi madali ang makapag-astral travel. Ito ay nangangailangan ng dedikasyon at masusing pagsasanay. Higit sa lahat, napakahalaga ang pagkakaroon ng matinding paniniwala sa sariling kakayahan na magagawa mo ito.

Sundin lamang ang basic steps na aking ibibigay upang makapag-astral project.

  1. Humiga nang komportable. Tiyakin na walang makagagambala sa iyo habang ikaw ay nasa proseso.
  2. Tiyakin na hindi ka makakatulog sa gitna ng proseso. Isara ang mga mata, i-relax ang isipan at buong katawan. Huminga ng malalim. Mag-concentratesa iyong breathing techniques.
  3. Patuloy lamang na pakalmahin ang sarili. Alisin ang anumang bagay o alalahanin na papasok sa’yong isipan. Ikalma ang buong katawan. Hintayin na makarinig ka ng mga vibrations. Sa sandaling marinig mo na ito, manatiling kalmado.
  4. Sa yugtong ito ay makararamdam ka ng pangangati ng buong katawan o kaya ay tila mga karayom na tutusok-tusok sa buo mong katawan. Huwag itong pansinin at panatilihing kalmado ang lahat. Imaginin mong mabuti na humihiwalay ang iyong astral body sa iyong physical body. Manatiling nakapikit.
  5. Unti-unti ay mapapansin mong hindi mo na magawang igalaw ang iyong mga paa. Mawawala na rin ang pangangati ng buong katawan. Pakiwari mo ay lumulutang ka na sa hangin. Huwag paglabanan ang nararamdamang ito. Huwag matakot.
  6. Kapag nakita mo na ang iyong physical bodyna nakahiga, nangangahulugan itong ikaw ay nasa astral form na. Huwag matakot.

Maaari mong i-modify ang mga basic steps sa pamamagitan nang pagsingit o pagdagdag ng ilan  pang mahahalagang katuruan, methods, o concepts ng astral projection.

  1. The Rope Technique: Ang technique na ito ay mula kay Robert Bruce. Dito ay kailangan mong imaginin ang isang invisible rope na nakalawit sa kisame. Upang magawa mong makaalis sa iyong physical body, imaginin lamang na umaakyat ang astral form mo sa lubid pahiwalay sa iyong physical body.
  • The Robert Monroe’s Technique. Dito ay kailangan mong i-relax ang iyong buong katawan hanggang sa umabot ka sa hypnagogic state. Iblangko ang iyong isipan at pakiramdaman ang malakas na vibration ng iyong katawan.  Ang malakas na vibration o pagyanig na ito ang maghihiwalay ng iyong astral body at physical body.
  • Muldoon’s Thirst Technique: Ito ay na-develop ni Sylvan Muldoon. Ayon na rin sa pamagat ng technique, huwag iinom ng tubig ilang oras bago mo gawin ang proseso. Sa sandaling nakahiga na, lagyan ng ilang butil ng asin ang dila upang lalong tumindi ang nararamdamang pagkauhaw. Ilagay ang isang baso ng tubig malayo sa iyong hinihigaan, ngunit ito ay dapat na abot-tanaw mo lamang. Habang niri-relax mo ang iyong buong katawan, mararamdaman mo ang matinding urge o pagnanais na makuha ang baso ng tubig. Ito ang magsisilbing driving force ng iyong astral body upang iwan ang iyong physical body at kunin ang baso ng tubig.

Sa sandaling mapagtagumpayan mong maisaganap ang astral projection, huwag kang makararamdam ng takot. Ang astral plane ay puno ng mahihiwagang bagay at nilalang na hindi nakikita sa physical realm. Manatiling kalmado habang nililibot ang dako pa roon.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.