Sa pamahiin, ang alulong ng aso ay may hindi magandang ibig sabihin. Ito ay nangangahulugan ng kamatayan. Nagpapahiwatig din ito na ang aso ay may nakikitang nilalang sa dilim gaya ng asuwang, engkanto o kaya ay multo. Iba naman ang kahulugan ng pag-alulong ng aso kung ito ay iyong napanginipan. Ito ay naghahatid ng ilang mahahalagang mensahe para sa’yo.
Kung sa panaginip mo ang pag-alulong ng aso ay nangyari sa umaga, senyales ito ng isang napakalaking oportunidad na darating sa buhay mo. Dahil sa laki ng oportunidad na ito ay maari kang matakot na tanggapin ito. May matinding pag-aalinlangan sa iyong puso na baka hindi mo ito magampanan o hindi mo makayanan. Kakailanganin mo ng isang tao na makakatulong sa’yo para pwersahin kang tanggapin ang oportunidad na ito na tinitingnan mo bilang isang nakakatakot na responsibilidad.
Kung ang pag-alulong ng aso naman sa panaginip mo ay nangyari sa katanghaliang tapat at ikaw ay isang matandang dalaga o binata, ang mensahe nito ay nagsasabing dapat ka nang humanap ng iyong makakapareha sa lalong madaling panahon dahil kung hindi ay mananatili ka ng single hanggang sa katapusan ng iyong buhay. Kung ikaw naman ay kasalukuyang nasa isang relasyon, ito ay nangangahulugan ng pagwawakas. Ibig sabihin, ang inyong pagsasama ay hahantong na sa paghihiwalay.
Kapag sa gabi mo naman narinig ang pag-alulong ng aso, hindi maganda ang ibig sabihin nito. Tulad sa sinasabi ng pamahiin, ito ay nagbababala ng isang hindi magandang pangyayari. Maaaring ikaw o isa sa miyembro ng iyong pamilya ang magkasakit ng malubha. Maaarin rin na babala ito na may kaugnayan sa kamatayan.Isa pang kahulugan nito ay isang mabigat na pagsubok na iyong pagdaraanan.
Sa kabila ng mga kahulugang ito na may hindi magandang mensahe, mas makapangyarihan pa rin ang mga panalangin sa Diyos. Kaya kung mananaginip ka ng ganito ay taimtim kang manalangin na ang mga ito ay magsilbi lamang babala at huwag nang mangyari pa sa totoong buhay.