Napaka-versatile ng bigas. Bukod sa ito ay maaaring iluto sa iba’t ibang paraan, magagamit rin ang bigas bilang pampasuwerte.
Isa sa kakayahan ng bigas bilang lucky charm ay ang maka-attract ng pag-ibig at romansa sa iyong buhay.
Gumawa ng Red Lucky Rice Jar for Love.
Ito ay isang variation ng Green Lucky Rice Jar dahil sa halip na pera ay pag-ibig ang ia-attract mo dito.
Para sa kumpletong recipe ng Green Lucky Rice Jar: HAKUTIN ANG SUWERTE SA TULONG DO-IT- YOURSELF GREEN LUCKY RICE JAR – PhilippineOne
Maghanda lamang ng limang tasa ng bigas, isang kutsarang asukal, red food coloring, dalawang kutsarang honey o pulot, red ribbon, at 2×2 picture ng taong gusto mong mapaibig/mapaamo.
Bilang preparasyon, pagsama-samahin ang bigas, asukal, red food coloring, at honey/pulot sa isang palanggana.
Haluing mabuti. Pagkatapos ay ilagay ang mixture sa garapon.
Irolyo ang larawan at saka isuksok sa loob ng bigas.
Takpan ang garapon at talian/dekorasyunan ng red ribbon.
Itago ang garapon sa ilalim ng higaan.
Napakasimple lamang, hindi ba? Subukan na ang Red Lucky Rice Jar for Love.