27.4 C
Manila
Sunday, May 19, 2024

HAKUTIN ANG SUWERTE SA TULONG DIY GREEN LUCKY RICE JAR

Patok ang mga lucky charm na makatutulong upang ma-attract mo ang suwerte.

Maaari kang gumawa ng sarili mong lucky charm. Isa na rito ay ang GREEN LUCKY RICE JAR FOR PROSPERITY.

At napakasimple lamang nitong gawin!

Maghanda lamang ng limang tasa ng bigas, isang kutsarang asukal, greed food coloring (mas dark ay mas maganda), dalawang kutsarang rubbing alcohol, dalawang kutsarang tubig, apat (4) na piraso ng barya, isang perang papel, green ribbon, at isang babasaging garapon na may takip.

 Bilang preparasyon, pagsamahin ang bigas at asukal sa isang palanggana. Punit-punitin ang perang papel.

Ihalo ang green food coloring, alcohol, at tubig. Haluing mabuti hanggang sa maging kulay green ang bigas.

Pagkatapos ay ilagay ang mixture sa isang malaking garapon o mason jar. Isuksok ang mga barya.

Isarado ang garapon at saka talian o dekurasyunan ng green ribbon.

Ilagay lamang ang inyong Green Lucky Rice Jar sa gilid ng inyong front door, o sa kusina; at saka hayaan.

Makakatulong ang iyong Green Lucky Rice Jar upang mahatak mo ang suwerte!

Good luck!

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.